20/04/2026
📣 Magandang Balita, Brgy. 161!
Bukas na ang Day Care Enrollment para sa School Year 2026–2027! Inaanyayahan namin ang lahat ng magulang na ipalista ang kanilang mga anak na may edad 3 hanggang 4 taong gulang upang masimulan ang kanilang masayang paglalakbay sa pagkatuto. 🎒📚
Sa ating day care, layunin naming malinang ang kakayahan, disiplina, at pakikipagkapwa ng bawat bata sa isang ligtas at masayang kapaligiran. 🌈✨
📌 Siguraduhing dala ang mga sumusunod na requirements:
✔️ PSA Birth Certificate (xerox)
✔️ Barangay Residency ng magulang na may pangalan ng bata (original)
✔️ Immunization Record (xerox)
Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Teacher Princess
💡 Huwag palampasin ang pagkakataong maihanda ang inyong mga anak para sa kanilang kinabukasan. Mag-enroll na at maging bahagi ng masayang pagkatuto sa Brgy. 161 Day Care!🧸💛