24/10/2022
HOME REMEDIES FOR BELL'S PALSY
I'll give you some tips po kung anong mga ginawa ko para mag-improve yung condition ko:
1. Hot Compress at least twice a day
2. Facial Exercise, katulad ng pag-nguya sa
mismong affected area na may Bell's Palsy.
3. Kung hirap o hindi mai-pikit ang mata sa pag-tulog, lagyan ng Non- sterile gauze at dikitan ito ng micropore tape upang hindi masakit sa balat kapag tinanggal ang dikit.
4. Facial Massage kahit dahan-dahan lang. May ginamit kasi akong spray na malaking tulong sa akin, pero kung walang oil or spray sa paghilot ay ayos lang naman.
5.Mas mainam kung magpapa-massage sa License Physical Therapist.
6. Kumain ng malalambot na pag-kain.
7. Iwasan ang processed food.
8. Iwasan uminom ng malalamig na inumin.
9. Mas mainam kung maligamgam na tubig ang iinumin.
10. Base lang po iyan sa mga experience ko na nakatulong upang bumalik sa dati ang normal kong mukha, higit pa rin sa lahat ay samahan po ito ng Panalangin.
Sana po makatulong kahit konti, God Bless😊