12/07/2025
Magandang gabi po!
Wala pa pong 12 oras mula nang i-post ang sign-up form para sa waitlist ng aming libreng occupational therapy services, at nakatanggap na po kami ng mahigit 1000 responses.
Lubos po kaming nagpapasalamat sa napakalaking tiwala at suporta. Dahil limitado lamang ang aming kapasidad sa ngayon, pansamantala po naming isasara ang form habang inaasikaso namin ang mga naunang nag-fill out.
Para po sa mga nakapagsagot na, mag-abang na lamang ng update mula sa amin. Bubuksan po ulit ang form kapag natapos na po naming makontak ang mga kasalukuyang nasa waitlist.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na tiwala.