10/11/2024                                                                            
                                    
                                                                            
                                            Ano ba ang GLYCEMIC INDEX? Paano ba ito nakaka-apekto sa ating kalusugan? Ano-ano ba ang mga benepisyo at kahinaan ng mga pagkaing nakapaloob sa bawat kategorya ng Glycemic index? Alamin natin!
Ano ba ang GLYCEMIC INDEX?
   Ito ay isang sukatan na ginagamit ng mga doktor, nutritionists, at dietitians upang malaman kung gaano kalaki ang itataas ng iyong blood sugar kapag ikaw ay kumain ng isang partikular na pagkain.
Ang  ating mga kinakain ay nahahati sa TATLONG kategorya ng Glycemic Index:
   Low Glycemic index (LGI)
   Medium Glycemic index (MGI)
   High Glycemic index (HGI)
LOW Glycemic Index
Mga BENEPISYO:
   Balanseng Blood sugar: kung saan naiiwasan ang sobra at biglaang pagtaas ng blood sugar pagkatapos kumain. Ito ay mainam  para sa mga taong may Diabetes mellitus. 
   Tumutulong sa pagpromote ng Satiety o ang pakiramdam ng pagkabusog. Mainam din ito sa mga gustong magbawas ng timbang. 
KAHINAAN:
   Limitado lamang ang opsyon sa pagkain.
Mga Halimbawa ng pagkain na Low Glycemic Index:
   Gulay 
   Prutas 
   Mani 
   Skimmed milk
**Ang pagkonsumo ng mga pagkaing nasa LOW GLYCEMIC INDEX ay inire-rekomendang kainin araw araw.**
MEDIUM Glycemic Index: 
Mga BENEPISYO
   Nagbibigay ng katamtamang pag-taas sa blood sugar. 
   Mas maraming opsyon sa pagkain kumpara sa Low GI. 
KAHINAAN:
   Puwedeng magdulot ng pagtaas ng blood sugar at dapat limitahan sa mga taong may Diabetes mellitus. Mas mabilis makaramdam ng pagkagutom kumpara sa Low GI.
Mga Halimbawa ng pagkain na Medium Glycemic Index:
   Kamote 
   Mais 
   White at Brown rice 
   Saging
**Ang pagkonsumo ng mga pagkaing nasa MEDIUM GLYCEMIC INDEX ay puwedeng kainin isang beses bawat araw.**
HIGH Glycemic Index:
Mga BENEPISYO 
   Mabilis na nagbibigay ng lakas o enerhiya sa katawan dahil ito ay mataas sa carbohydrates at asukal. 
KAHINAAN 
   Nagdudulot ito ng sobrang at biglaang pagtaas ng blood sugar at dapat IWASAN sa mga taong may Diabetes mellitus. Mabilis magpataas ng timbang.
Mga Halimbawa ng pagkain na High Glycemic Index:
   White bread 
   Matatamis na pagkain 
   Fast food
**Ang pagkonsumo ng mga pagkaing nasa HIGH GLYCEMIC INDEX ay dapat limitahan sa isang beses kada linggo.**
Sanggunian:
American Diabetes Association; 6. Glycemic Targets: Standards of Medical Care in Diabetesโ2021. Diabetes Care 1 January 2021; 44 (Supplement_1): S73โS84. https://doi.org/10.2337/dc21-S006
Harvard Health Publishing. (2023). A good guide to good carbs: The glycemic index. Retrieved from: A good guide to good carbs: The glycemic index - Harvard Health
Mirrahimi, A., de Souza, R. J., Chiavaroli, L., Sievenpiper, J. L., Beyene, J., Hanley, A. J., Augustin, L. S., Kendall, C. W., & Jenkins, D. J. (2012). Associations of glycemic index and load with coronary heart disease events: a systematic review and meta-analysis of prospective cohorts. Journal of the American Heart Association, 1(5), e000752. https://doi.org/10.1161/JAHA.112.000752