20/01/2022
Magandang araw po sa lahat! Aming nabasa ang inyong mga komento at posts sa aming teleconsult page. Kami po ay humihingi ng inyong patuloy na pag-unawa sa ating sitwasyon. Hindi naging madali para sa lahat ang dulot ng pandemya dahil sa Covid-19. Laging puno ang mga hospital, mahahaba pa din ang pila, at naiipon ang mga Covid at non-Covid na mga pasyente. Ang ating mga healthcare workers na naglilingkod umaga man o gabi para lang magbigay ng serbisyo habang tumataas ang demand. Hindi po kami tumitigil sa paghanap ng mga paraan upang mapabuti ang aming mga serbisyo. Humihingi po kami ng inyong paunawa ngayon na d pa din natatapos ang pandemya. Nagsusumikap kami i-balance ang aming manpower para maasikaso ang aming mga pasyente sa ward, pag-opera ng emergent and urgent na mga kaso, at ngayon, ang teleconsultation dito sa aming FB page. Nagsusumikap po kami magbigay ng nararapat at mabuting serbisyo sa kabila ng tumataas na dami ng mga pasyente. Humihingi kami ng paumanhin sa mga delays sa pagsagot o pag-entertain sa inyong mga hinaing.
Mga paalala lang po:
1.) Ito ay isang teleconsultation page, para sa mga elective ba konsultasyon at katanungan
2.) Para sa mga EMERGENCY na konsultasyon, pinapayuhan po namin kayo na pumunta sa EMERGENCY ROOM, HINDI po KAILANGAN magpadala ng mensahe o chat sa FB page na ito kung ang inyong sitwasyon ay EMERGENCY
3.) Ang FB page ay may nakatakdang oras at araw lamang ng pag-operate (Mondays to Fridays, 8am to 5pm ONLY)
4.) Ang inyong mga katanungan o pagkonsulta matapos ang mga nakatakdang oras at araw ay maaring masagot lamang sa susunod na working day.
5. ) Ito ay Teleconsultation page ng JRRMMC Section of Colorectal Surgery, para sa mga issue at katanungan na para sa ibang department, maari po lamang na mag-inquire po kayo sa kanilang teleconsult page.
Maraming salamat po at God bless!