20/08/2024
Naitala ang isang bagong kaso ng mpox sa Pilipinas, pagkumpirma ng Department of Health ngayong Lunes, August 19.
“The 10th laboratory-confirmed mpox case was reported to the DOH on August 18, 2024. The case is a 33 year old male Filipino national with no travel history outside the Philippines but with close, intimate contact three weeks before symptom onset,” ayon sa DOH.
“Symptoms started more than a week ago with fever, which was followed four days later by findings of a distinct rash on the face, back, nape, trunk, groin, as well as palms and soles. PCR test results are positive for Monkeypox viral DNA,” dagdag ng ahensya.
Ayon sa DOH, ang huling kaso ng mpox sa bansa ay naitala noong December 2023 at ang lahat ng mga naunang kaso ay isolated at naka-recover.