29/08/2025
                                            Maraming salamat, mga Ka-Nutrisyon! 
Kami po sa Nutrition and Dietetics Department ay lubos ang pasasalamat sa inyong pakikiisa at taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng aktibong nakibahagi at sumuporta sa ating 2025 Nutrition Month celebration!  
Sa tulong ng mga staff ng Nutrition and Dietetics Department, Public Health Unit, Pediatric Department, Family and Medicine Department, PETDO, LGUs sa Dimasalang Health Center at ang Management ng San Lazaro Hospital sa pangunguna ng ating Director, Dr. David T. Suplico at ang ating OIC, Chief Medical Professional Staff II, Dr. Iftiza N. Haron, na tumindig para sa nutrisyon, tunay nating naisabuhay ang temang: “Food at Nutrition Security, Maging Priority! Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!” Kami po ay lubos na nagpapasalamat. 
Nagsimula po ang ating kampanya sa Nutrition Trivia Friday kung saan ang ating mga empleyado ay sumagot ng Nutri-questions tuwing biyernes at nanalo ng exciting prizes. Nung July 31, 2025 sa huling araw ng Nutrition Month, tayo po ay nagbigay ng kaalaman tungkol sa Wastong Nutrisyon sa komunidad ng Dimasalang Health Center. Nagtapos po ang ating celebrasyon noong Augusto 19, 2025 na ginanap sa 5th floor Multi-purpose Geriatric Building. Ang mga empleyado at mga student interns ng San Lazaro Hospital ay nakaisa sa atin at nakinig, natuto at nabusog sa tamang nutrisyon. 
Muli, maraming maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nagbigay ng oras, panahon, suporta, at dedikasyon para maging matagumpay ang ating selebrasyon. Hanggang sa muli, patuloy nating isabuhay ang wastong nutrisyon para sa mas malusog na kinabukasan!