20/09/2025
🇵🇭 Nakikiisa ang Sibol sa mamamayang Pilipino.
Sa araw na ito ng pagkilos laban sa korapsyon, sabay tayong nananawagan para sa katapatan, pananagutan, at katarungan.
Bawat pisong ninanakaw ng korapsyon ay katumbas ng pisong nawala para sa kinabukasan ng ating mga anak—para sa proteksyon laban sa baha, sa edukasyon na magbubukas ng oportunidad, at sa mga programang dapat sana’y sumusuporta sa mga taong may kapansanan.
Pangarap namin ang isang Pilipinas kung saan ang bawat bata, neurodivergent man o hindi, ay may patas na akses sa mga serbisyong kailangan nila upang umunlad. 🌱
Sabihin nating HINDI sa korapsyon at OO sa kinabukasang inuuna ang kapakanan ng lahat.
Manindigan. Makialam. Lumaban.
September 21, 2025
2:00 PM
People Power Monument