25/08/2025
Stay at home and Stay Safe!
๐ข WALANG PASOK | Agosto 26, 2025 (Martes)
Ayon sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO), suspendido ang mga klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga sumusunod na lugar, bunsod ng inaasahang masamang panahon:
โข Metro Manila
โข Aurora
โข Quezon
โข Rizal
โข Laguna
โข Camarines Norte
โข Camarines Sur
โข Albay
โข Sorsogon
โข Catanduanes
โข Masbate
โข Northern Samar
โข Eastern Samar
โข Leyte
โข Southern Leyte
Gayunpaman, ang mga opisina ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na may tungkulin sa paghahatid ng mga pangunahing at mahahalagang serbisyo, tulad ng disaster response, kalusugan, kapayapaan at kaayusan, at iba pang mahahalagang gawain ay magpapatuloy pa rin sa kanilang operasyon upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo para sa publiko.
Ang desisyon ukol sa operasyon ng mga pribadong kumpanya at opisina ay ipinauubaya sa kanilang pamunuan.
Pinapayuhan ang lahat na maging maingat, iwasan ang mga mapanganib na lugar, at manatiling nakatutok sa mga opisyal na abiso at update mula sa pamahalaan.
Stay safe, Manileรฑos!