UP-Philippine General Hospital Adult Neurology

UP-Philippine General Hospital Adult Neurology Official page of the UP-PGH Department of Neurosciences, Division of Adult Neurology.

Nagsimula na ang Epilepsy Week sa PGH! 💜Inaanyayahan namin kayong bisitahin ang aming exhibit malapit sa elevator lobby ...
01/09/2025

Nagsimula na ang Epilepsy Week sa PGH! 💜
Inaanyayahan namin kayong bisitahin ang aming exhibit malapit sa elevator lobby at alamin ang iba’t ibang impormasyon sa pamamagitan ng aming mga poster na nagtataguyod ng isang .

Samahan ninyo kami sa iba pang nakahanay na aktibidad ngayong linggo upang palawakin ang kaalaman at suporta para sa mga pasyenteng may epilepsy 💪🏼

Isang mahalagang abiso para sa mga pasyente ng PGH:Ang mga klinik sa Outpatient Department (OPD), Cancer Institute (CI),...
25/08/2025

Isang mahalagang abiso para sa mga pasyente ng PGH:

Ang mga klinik sa Outpatient Department (OPD), Cancer Institute (CI), at Sentro Oftalmologico Jose Rizal (SOJR) ng Philippine General Hospital ay sarado bukas, Agosot 26, 2025 (Martes).

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Malacañang na suspendido ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa posibleng masamang panahon.

Lahat ng mga appointment sa araw na ito ay magkakaroon ng bagong schedule na makikita sa Online Consultation Request & Appointment System (OCRA) http://pghopd.up.edu.ph.

Manatili po kayong ligtas at sundin ang payo ng mga awtoridad sa inyong mga lugar.

Salamat po sa inyong pang-unawa.

Handa na ba ang lahat para sa isang makabuluhang linggo? ⚡️Makisama at makiisa ngayon September 1-5, 2025 para sa Epilep...
24/08/2025

Handa na ba ang lahat para sa isang makabuluhang linggo? ⚡️

Makisama at makiisa ngayon September 1-5, 2025 para sa Epilepsy Week! Ang tema ngayong taon ay “Seizure-Ready PGH: Sama-Samang Pagkilala, Sama-Samang Pag-Aksyon”

Sama-sama natin palawakin ang kaalaman tungkol sa seizures at magbigay ng suporta sa ating mga pasyente.

Tara na’t maging bahagi ng aming adbokasiya para sa mas ligtas at mas maunawaing bukas. Kita-kits po tayo! 💜

APPLICATIONS ARE STILL OPEN! Seize your opportunity now ⚡️
23/08/2025

APPLICATIONS ARE STILL OPEN! Seize your opportunity now ⚡️

📣CALL FOR APPLICATIONS 📣PGH Division of Neurosurgery is offering a CLINICAL FELLOWSHIP IN NEUROSURGICAL ONCOLOGY AND SKU...
20/08/2025

📣CALL FOR APPLICATIONS 📣

PGH Division of Neurosurgery is offering a CLINICAL FELLOWSHIP IN NEUROSURGICAL ONCOLOGY AND SKULL BASE SURGERY 💪🏼

We are accepting applicants for January 2026! Scan the QR code for details 🧠🔪

We are excited to have YOU on our team 🫵🏼

19/08/2025

Tunghayan ang aming Stroke Week lay forum! 🧠

Alamin, Unawain, Kumilos: Sa Tamang Kaalaman, Stroke ay Maiiwasan!
by the Department of Neurosciences

Speaker: Gabriel Niccolo P. Navata, MD
Moderator: Lennie Lynn C. de Castillo, MD, FPNA

In line with our advocacy to promote better stroke prevention and care, The Department of Neurosciences is pleased to in...
15/08/2025

In line with our advocacy to promote better stroke prevention and care, The Department of Neurosciences is pleased to invite you to PGH Stroke Week 2025, with the theme: “Alamin, Unawain, Kumilos: Sa Tamang Kaalaman, Stroke ay Maiiwasan.”

This celebration will run from August 18 to September 1, 2025, featuring activities designed to raise awareness, share valuable knowledge, and inspire the community to take proactive steps against stroke.

Let us join hands in building a stroke-free future through education, prevention, and community action. See you there!

We are grateful for everyone who joined and supported today's XDP Lay Forum -- both face-to-face and online! ✨ A heartfe...
09/08/2025

We are grateful for everyone who joined and supported today's XDP Lay Forum -- both face-to-face and online! ✨

A heartfelt gratitude goes to our speakers, patients, and caregivers that came together today to make this event possible.

See you again next year! 🧠

09/08/2025

Kayo po ay aming inaanyayahang dumalo sa aming Lay Forum para sa mga pasyente na mayroong X-Linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o lubag. Ito po ay parte ng pakikiisa ng University of the Philippines - Philippine General Hospital Department of Neurosciences sa Dystonia Awareness Month.

Ito ay gaganapin sa Sabado, August 9, 2025, 9:00-11:00AM sa UP-PGH Dietary Hall, 2nd floor.

Ready to seize more opportunities? Think FAST! Become leaders in stroke and epilepsy care 🧠⏰⚡️The UP-PGH Department of N...
04/08/2025

Ready to seize more opportunities? Think FAST! Become leaders in stroke and epilepsy care 🧠⏰⚡️

The UP-PGH Department of Neurosciences is now accepting applicants for the Vascular Neurology and Epilepsy-EEG Fellowship Programs for 2026.

📅 Deadline for online applications: August 29, 2025
🔗 Apply via https://apply.pgh.gov.ph or scan the QR code for more details

Reach your potential — apply now! ✨

📣 TAWAG PARA SA KALAHOK / CALL FOR PARTICIPANTSInaanyayahan ang mga pasyenteng may kumpirmadong X-linked Dystonia Parkin...
27/07/2025

📣 TAWAG PARA SA KALAHOK / CALL FOR PARTICIPANTS
Inaanyayahan ang mga pasyenteng may kumpirmadong X-linked Dystonia Parkinsonism (XDP) na lumahok sa isang pag-aaral tungkol sa nutrisyon at kalusugan!

Kung ikaw ay:
✅ Kumpirmadong kaso ng XDP gamit ang genetic testing
✅ May edad 19 pataas
✅ Nakakaintindi ng Filipino, Ingles, o Hiligaynon

📞 Makipag-ugnayan kay Lyn sa 0968 592 2787 para sa karagdagang impormasyon.

*Nutritional Assessment in X-linked Dystonia Parkinsonism: A Cross-Sectional Study
Pananaliksik nina Dr. Lanuza, Dr. Tabuzo-Acuin, Dr. Libre, Dr. Pascual, Dr. Reyes, at Dr. Jamora
UPMREB Code: 2025-0406-01

Magandang araw po!Kayo po ay aming inaanyayahang dumalo sa aming Lay Forum para sa mga pasyente na mayroong X-Linked Dys...
27/07/2025

Magandang araw po!

Kayo po ay aming inaanyayahang dumalo sa aming Lay Forum para sa mga pasyente na mayroong X-Linked Dystonia Parkinsonism (XDP) o lubag. Ito po ay parte ng pakikiisa ng University of the Philippines - Philippine General Hospital Department of Neurosciences sa Dystonia Awareness Month.

Ito ay gaganapin sa Sabado, August 9, 2025, 9:00-11:00AM sa UP-PGH Dietary Hall, 2nd floor.

REGISTRATION: Sa mga interesado sumali sa aming lay forum, maari po kayong magpadala ng text message o tumawag sa 09685922787 (Ma’am Lyn) upang magparehistro

Maraming salamat po!

Address

Taft Ave
Manila
1000

Opening Hours

Monday 1pm - 5pm
Tuesday 8am - 12pm
Thursday 8am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP-Philippine General Hospital Adult Neurology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category