25/09/2024
2024 na updated pa ba yung Flu vaccine mo?
Ano ang mga benepisyo ng INFLUENZA o FLU VACCINE?
Ayon sa pag-aaral ng CDC (Central for Disease Control and Prevention:
1. Ito ay nagbibigay proteksyon sa mga bakunado laban sa mga virus na nagdudulot ng pag-lalagnat.
2. ito rin ay proteksyon laban sa malalang kumplikasyon na maaring dulot ng mga pangkaraniwang infuenza strains.
3. Pinalalakas ang ating resistensya upang makaiwas sa pagka-admit sa ospital lalo na sa mga pasyenteng may karamdaman kung saan humihina ang depensa ng katawan gaya ng pagkatanda, sakit sa puso, sakit sa baga, Diabetes.
4. Ito ay nagbibigay proteksyon sa habang nagbubuntis at pagkatapos nito.
5. Ito ay nagsasagip ng buhay ng mga batang maaring mamatay ng dahil sa flu.
6. Ang bakunang ito ay di lamang para sa iyong proteksyon, ito rin ay proteksyon sa pag laganap ng flu lalo na sa mga taong nakapaligid sa iyo bata, matanda, o mga taong may karamdaman.
7. Ang resistensyang makukuha sa bakunang ito ay kailangan ng booster taon taon upang makuha ang full benefits ng bakuna laban sa flu.
Ano ang mga benepisyo ng PNEUMOCOCCAL/ PNEUMONIA VACCINE?
1. Ito ay inirerekmenda sa mga matatatandang edad higit 65, kaakibat ng pagtanda ang paghina ng depensa ng ating katawan laban sa pulmonya na maaari nating ikamatay.
2. Mga pasyenteng may mahinang immune system gaya ng sakit sa puso, diabetes, emphysema, asthma, COPD , cancer, HIV, organ transplant na mas mataas ang tiyansang makakuha ng pulmonya.
3. Ang malakas na paninigarilyo ay nakaka damage ng mga proteksyon sa ating baga upong labanan ang germs kaya naman makatutulong ito sa panglaban sa pulmonya.
4. Ang malakas na pag inom ng alak ay nakakahina ng ating White blood Cell upang depensahan at labanan ang mga microorganism na makakapagdulot ng pulmonya.
5. Ang bakunang ito ay nagsisilbing proteksyon sa napakaraming microorganisms na nagdudulot ng pulmonya.
6. Ito ay nagpapalakas ng ating panglaban sa pulmonya at mas mabilis na recovery kung tayo man ay tamaan.
7. ang bakunang ito ay magbibigay ng 5 taon na proteksyon o lifetime immunity depende sa bakunang ibibigay.