24/07/2025
โ๏ธ ๐๐ณ๐๐ฒ๐ฟ ๐๐ต๐ฒ ๐ณ๐น๐ผ๐ผ๐ฑ, ๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฎ๐ถ๐ป๐.
Leptospirosis alertโ
Magingat po tayong lahat.
๐จ DOH, NAGBABALA LABAN SA LEPTOSPIROSIS NA MAAARING MAKUHA SA BAHA ๐จ
Huwag maglaro at iwasang lumusong sa baha. Mapanganib ang mga mikrobyo mula sa mga basura at dumi na maaring magdulot ng leptospirosis. ๐ฆ
Maaaring magkaroon ng komplikasyon sa atay, bato, at puso ang taong mapapasukan ng mikrobyong leptospira sa katawan.
Kung sakaling malulubog sa baha, agad na maghugas ng katawan gamit ang tubig at sabon. Agad ding kumonsulta sa doktor kung lumusong sa baha nang may sugat o kung makararanas ng sintomas tulad ng lagnat at pananakit ng katawan.
Tumawag sa Telekonsulta hotline 1555 (press 2) para sa mabilis na konsultasyon. ๐