17/08/2025
MENSAHE MULA SA PAMUNUAN NG TONDO MEDICAL CENTER SA PAGGUNITA NG IKA-54 TAONG ANIBERSARYO
Limang dekada na ang nakalilipas mula nang maitatag ang Tondo Medical Center at ngayong taon, nais namin na muling iparating sa lahat ito: NAKIKINIG KAMI.
Amin pong kinikilala na ang ospital ay hindi perpekto. Tulad ng alinmang institusyon, ang Tondo Med ay humaharap din sa ibaβt ibang mga hamon at limitasyon. Gayunpaman, ang aming pangako ay patuloy na maglingkod nang buong malasakit at isagawa ang lahat ng makakaya upang maibigay ang serbisyong nararapat para sa aming mga pasyente at sa buong komunidad.
Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga puna at suhestiyon, ito man ay mabuti o hindi. Ang bawat papuri ay nagbibigay sa amin ng inspirasyon upang ipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan para sa ikabubuti ng aming mga pasyente. Ngunit hindi lang naman papuri ang ating binibigyan ng pansin.
Ang bawat puna na aming natatanggap ay nagsisilbing gabay upang matukoy ang mga bagay na dapat pa naming pag-ibayuhin. Hinihikayat namin ang lahat na huwag mag-atubiling ibahagi ang kanilang karanasan, sapagkat dito namin higit na nauunawaan ang pangangailangan at damdamin ng aming mga pasyente.
Sa bawat puna o suhestyon na inyong ibinibigay, ang ospital ay natututo, nagbabago, at higit na nagsusumikap dahil aming layunin ay ang masiguro ang inyong tiwala at kapakanan. Tinitiyak po namin na patuloy kaming makikinig, kikilos, at magsisilbi nang may malasakit at dedikasyon, upang ang Tondo Medical Center ay maging higit pang maaasahan at kagalang-galang na ospital para sa lahat.
Maraming salamat sa inyong tiwala at walang sawang suporta.