13/09/2025
Asia Pacific rheumatologists interviewed about what they won’t stop doing for their patients
Health tips from a TOYM & TOWNS in Medicine - rheumatologist / internist; author; researcher; model; mom. Especially dedicated to Filipinos here/abroad.
(216)
Manila
Be the first to know and let us send you an email when Dr. Geraldine "Ging" Zamora posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Send a message to Dr. Geraldine "Ging" Zamora:
Si Dr. Geraldine Zamora (Dok Ging sa nakararami) ay isang rheumatologist -- espesyalista sa rayuma tulad ng gout, osteoarthritis, lupus, at iba pa. Natapos siya bilang Class Valedictorian sa University of the Philippines College of Medicine (UPCM) at tumuloy sa Philippine General Hospital (PGH) upang magsanay sa Internal Medicine at Rheumatology. Matapos nito, kinuha siya sa Cedars Sinai Medical Center sa Los Angeles upang magsaliksik, at bumalik na siya sa bansa upang magbigay serbisyo sa kapwa Pilipino. Siya ay kasalukuyang propesor sa UPCM; Board Member ng Sagip Buhay Medical Foundation, at Vice President ng Hope for Lupus Foundation. Noong 2016 pinarangalan siya bilang "The Outstanding Young Men (TOYM) in Medicine" ng JCI at Gerry Roxas Foundation, at noong 2019 naman ay napili siya bilang isa sa “The Outstanding Women for the Nation’s Service.” Ito ay para sa kanyang walang-sawang positibong impluensiya sa mga kabataan, at higit sa lahat, sa pagmamalasakit sa pasyente hindi lamang bilang manggagamot kundi sa paggamit ng kanyang "passion for dance and fashion" upang makatulong sa mas maraming naghihirap na pasyente sa PGH sa pamamagitan ng kanyang mga sinimulang fundraisers. Maliban dito, isa siyang manunulat sa pahayagan at mga libro: "Living Better with Lupus;" "Rayuma in the Young;" "IM Platinum;" "Bawal ba ang Munggo sa Rayuma?" Siya din ay nag-momodelo kung may oras, at nagtuturo sa ibang manggagamot ukol sa rayuma.
Ang pahinang ito ay ginawa upang mamahagi ng libreng kaalaman ukol sa iba’t ibang karamdaman, lalo na ang ukol sa rayuma. Hindi po ito pamamaraan upang kumonsulta o magbenta ng mga produkto.