27/04/2026
AIR QUALITY SA MAYNILA, NASA โGOODโ LEVEL NA
Ayon sa Department of Environment and Public Services โ Manila, naitala ang GOOD Air Quality Index (AQI) sa apat na air quality monitoring stations ng lungsod ngayong Abril 27, 2026, alas-7:00 ng umaga.
Kabilang sa mga monitored areas sa ilalim ng Asia Blue Skies Project ang Puregold Tayuman, Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital.
Ipinapakita nito ang mas malinis at mas ligtas na kalidad ng hangin sa mga nasabing lugar. Gayunman, hinihikayat pa rin ang mga Manileรฑo na patuloy na magsuot ng face mask bilang karagdagang proteksyon, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at may respiratory illness.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pamamagitan ng DEPS, sa pagbabantay sa kalidad ng hangin upang mapangalagaan ang kalusugan ng publiko.