Research at DLSU

Research at DLSU Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Research at DLSU, 3/F Henry Sy Sr. , Hall, De La Sall University, Manila.

21/09/2025
21/09/2025

The excesses we condemn today are not new.

They are echoes of a regime that once cloaked violence in pageantry and justified plunder with power. During Martial Law, the Marcos dictatorship amassed wealth beyond measure while millions of Filipinos sank deeper into poverty and fear. The gilded halls, lavish parties, and vulgar displays of privilege all stood in cruel contrast to the silence forced upon the nation and the lives stolen in the shadows.

53 years since the declaration of Martial Law, we witness once more how greed and impunity corrode our institutions. Several politicians, their cohorts, and families flaunt ill-gotten wealth while ordinary Filipinos struggle to rebuild from the losses corruption has caused. These are not isolated scandals; they are symptoms of a culture of impunity that has long endangered our people.

Memory reminds us that disasters become crimes when leaders abandon accountability. Injustice thrives when truth is hidden behind spectacle.

The call of history is clear: we must expose the truth and demand accountability until the government genuinely serves the best interests of the Filipino people.

Research Hangout on Built HeritageIn today’s fast-changing world and shifting environment, how do we preserve the built ...
19/09/2025

Research Hangout on Built Heritage

In today’s fast-changing world and shifting environment, how do we preserve the built heritage that shapes our collective memory?

At the Re: Research Hangout last August 8, 2025, we explored this question through conversations on the theme Preserving Identity: Contemporary Challenges in Built Heritage Studies with Dr. Feorillo Demeterio III, Department of Filipino Distinguished Full Professor; Dr. Lessandro Garciano, Department of Civil Engineering Full Professor; and Ms. Larissa Nodalo, Culture and Arts Office Director.

Tinalakay sa sesyong ito ang iba’t ibang realidad na hinaharap ng built heritage bilang larang ng pananaliksik at kultural na representasyon ng kasaysayan. Inilahad dito ang iba’t ibang isyu at karanasan hindi lang ng mga iskolar kundi pati na rin ng mga nakasamang mananaliksik mula sa awdyens. Sa pamamagitan ng kolaborasyon ng mga nasa larang ng kasaysayan, agham, at iba pa, maisasaalang-alang ang kultural na kahalagahan at proteksiyon sa mga estrukturang bumubuo sa identidad ng bansa.

Natanong mo na rin ba kung saan nanggaling ang paborito nating pagkain?Sabay-sabay nating tuklasin ‘yan kasama sina Vice...
18/09/2025

Natanong mo na rin ba kung saan nanggaling ang paborito nating pagkain?

Sabay-sabay nating tuklasin ‘yan kasama sina Vice President for Research and Innovation Dr. Raymond Tan, Research and Grants Management Executive Director Dr. Feorillo Demeterio III, at Research Communication and Data Analytics Office Director AARichela dela Cruz.

Tara na’t dumalo sa salusalo natin sa 3rd flr ng Henry Sy Sr. Hall ngayong darating na Setyembre 24, 2025! Alamin ang kulturang pinagmulan ng mga pagkaing pinagsasaluhan. Magregister sa link na ito: https://dlsuresearch.com/AHA-3

---
Archers Hangout Atbp. (AHA!) is a monthly kwentuhan that gathers students to talk about their hobbies and shared interests, and the ways in which these inform and enrich their research.

Beyond Conflict: The Continuing Journey of BangsamoroMadalas akalaing kapag tapos na ang digmaan, agad-agad ding matatam...
18/09/2025

Beyond Conflict: The Continuing Journey of Bangsamoro

Madalas akalaing kapag tapos na ang digmaan, agad-agad ding matatamo ang kapayapaan. Subalit pinatunayan ng pananaliksik na “Post-conflict Party-building in Southern Philippines: The Promise and Perils of Institutional Re-engineering in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao,” ni Dr. Julio C. Teehankee, Full Professor ng DLSU Department of International Studies, na mahirap ang proseso ng pagbuo ng partidong politikal sa Bangsamoro.

The analysis highlighted promises such as inclusive leadership, opportunities for insurgents to take part in politics, and foster sustainable peace. However, the risk of going back to patronage politics remains.

For Bangsamoro leaders, the challenge of navigating the new political system could be a double-edged sword where one could pave the way to peace or go back to the recurring cycle of conflict.

Ipinapaalala ng ngayong linggo na magsisimula ang tunay na kapayapaan sa paghangad na maisulong ang makatotohanan at makabuluhang pagbabago. Basahin ang buong artikulo sa link na ito: https://dlsuresearch.com/TransformativePeacebuilding. Marami pang itatampok na mga bagong pananaliksik sa .

Write Right: DLSU Research Writing Retreat for High Impact PublicationsThe Write Right: DLSU Research Writing Retreat fo...
17/09/2025

Write Right: DLSU Research Writing Retreat for High Impact Publications

The Write Right: DLSU Research Writing Retreat for High Impact Publications, a Q1 Research Writing Retreat, successfully brought together DLSU researchers for focused writing, meaningful feedback, and inspiration toward publishing in high-impact journals.

Participants explored strategies for effective research writing through insightful and expert guidance from Dr. Raymond Tan, Vice President for Research and Innovation; Dr. Allan Bernardo, Distinguished Full Professor; Dr. John Jamir Benzon Aruta, Associate Professor from the Department of Psychology; Dr. Rochelle Irene Lucas, Full Professor from the Department of English and Applied Linguistics; Dr. Reynaldo Bautista Jr., Full Professor and Dean of the Ramon V. del Rosario College of Business; Dr. Jerome Cleofas, Associate Professor from the Department of Sociology and Behavioral Sciences; Dr. Ma. Carmen A. Lagman, Full Professor from the Department of Biology; and Dr. Mark Anthony Dacela Associate Professor and Chairperson of the Department of Philosophy.

The retreat fostered productivity and emphasized the importance of ethical collaboration research practices which could help the researchers build on their individual strengths and weave a stronger culture of research excellence in the community.

Virtual Reality Game para sa Mas Mabilis na Paggaling ng Mild Stroke PatientsSa tradisyonal na therapy, madalas bumababa...
16/09/2025

Virtual Reality Game para sa Mas Mabilis na Paggaling ng Mild Stroke Patients

Sa tradisyonal na therapy, madalas bumababa ang motibasyon ng pasyente dahil sa paulit-ulit at nakakabagot na mga galaw. Subalit iniba ang pananaw na ito gamit ang Virtual Reality-based na larong i-Suksok na ginawa sa isang pag-aaral kasama si Dr. Roy Francis Navea mula sa Evelyn D. Ang - Institute of Biomedical Engineering and Health Technologies ng De La Salle University. Sa pag-aaral na “Gamified Shoulder Rehabilitation for Mild Stroke Patients Using Virtual Reality” ipinapakita kung paano maaaring gawing mas epektibo at mas kawili-wili ang rehabilitasyon ng mild stroke patients gamit ang virtual reality.

Dito, kailangan ilagay ng pasyente ang isang “virtual peg” sa tamang butas sa pegboard gamit lamang ang mga galaw ng balikat. May dalawang mode itong tinatawag na “Levels” na dahan-dahang humihirap habang lumalawak ang galaw ng pasyente. Sunod naman ang “Time Trial” na sinusubok kung gaano karaming target ang kayang tapusin sa loob ng limitadong oras.

Nang dahil sa i-Suksok, nadagdagan ang interes at saya ng mga pasyente dahil parang naglalaro lamang sila habang nagpapagaling. Sa pagsusuri, 75% ng mga lumahok ang pumabor sa disenyo at bisa ng laro habang 69% naman ang naniniwala na nakakatulong ito para sa mas mahusay na paggaling.

Isang malinaw na testamento ang i-Suksok kung gaano kahalaga ang mga inobasyon mula sa akademya at agham. Hindi lamang ito basta mga teorya kundi aktuwal na nakapagpapabago ng buhay ng ating mga kapuwa.

Para sa ngayong linggo, ipinakitang kapag ginamitan ng teknolohiya at laro, mas nagiging madali, masaya, at nakakaengganyo ang rehabilitasyon. Basahin ang buong artikulo sa dlsuresearch.com/GamifiedShoulderRehabilitation. Abangan ang mga itatampok na pananaliksik sa -Being

Music isn't simply something we hear, it's a spark for fresh ideas and research.More than entertainment, music is a chan...
11/09/2025

Music isn't simply something we hear, it's a spark for fresh ideas and research.

More than entertainment, music is a channel for ideas, inspiration, and even discipline in writing. Last July 16, at our Listening Party with Dr. Aris Ubando, Archers tuned in to how music can fuel research and sharpen focus in academic writing.

From beats to melody and lyrics, the discussion opened doors to questions about culture and lived experiences.

Sharing playlists and insights turned writing into something richer, not just a task, but a creative jam rooted in rhythm, emotions, and the world around us.
Are you ready to join for another hangout as we dive into fresh ideas and conversations?

Join us for the next Archers Hangout Atbp! (AHA!) this September 17, 2025 at the Research Offices, 3rd Floor Henry Sy Sr. Hall. Register at dIsuresearch.com/AHA-3

Environmental Poverty Alleviation Programs of Ginatilan Promote Sustainability and PeaceRather than looking at nature as...
11/09/2025

Environmental Poverty Alleviation Programs of Ginatilan Promote Sustainability and Peace

Rather than looking at nature as a resource to exploit, the Municipality of Ginatilan has learned to use it wisely through environmental poverty alleviation programs. The fifth-class agricultural town with fertile lands and rich resources is the focus of the study “Governance for Overall Sustainability and Peace: A Case Study of Ginatilan, Cebu’s Natural Systems Utilization in the Philippines” by John Louis B. Benito of the DLSU Department of International Studies together with two collaborators from other universities.

More than providing food and income, the environmental poverty alleviation programs like organic farming initiatives, water conservation efforts, and sustainable tourism build cooperation, trust, and peace within the community.

In Ginatilan, farming associations, schools, local government, and even outside organizations work together, proving that shared responsibility over natural resources strengthens both livelihoods and relationships. Using frameworks like the tragedy of the commons ( depletion/destruction of common natural resources because of the self-interest of some individuals), environmental peacebuilding, and relational peace, the researchers showed that sustainability and peace are deeply connected.

Ginatilan has created an example where environmental care is also equal to community care. It has not fallen into the trap of overusing its land and water which challenges them as well to maintain this balance.

This study shows that sustainability is also protecting harmony among people, not just nature. And perhaps, as Ginatilan teaches us, the true measure of peace is not just the silence of conflict but the sound of water flowing for the benefit of the whole community.

Check out this week’s at dlsuresearch.com/EnvironmentalPovertyAlleviationPrograms and see more exciting research highlights with .

Malaki ang Ambag ng TVET sa Employability ng ALS GraduatesMinsan, ang second chance sa pag-aaral ay nagiging first step ...
09/09/2025

Malaki ang Ambag ng TVET sa Employability ng ALS Graduates

Minsan, ang second chance sa pag-aaral ay nagiging first step tungo sa trabaho. Ganito mailalarawan ang papel ng Vocational Education and Training o TVET sa mga nagtapos ng Alternative Learning System (ALS).

Gamit ang datos mula sa World Bank STEP Skills Survey (2015–2016) at mga teknikal na paraan gaya ng propensity score matching at regression models, sinuri sa pananaliksik na isinagawa kasama si Dr. Mitzie Irene Conchada ng DLSU Carlos L. Tiu School of Economics kung paano nakakaapekto ang TVET sa posibilidad ng trabaho para sa ALS graduates.

Batay sa pagsusuri, lumabas na mas makakahanap ng trabaho ang ALS graduates na kumuha ng TVET kaysa sa mga hindi dumaan dito. Pare-parehong resulta ang lumabas gamit ang iba’t ibang pagsusuri kung kaya’t inaasahan na ang kongklusyong malaki ang ambag ng TVET sa pagpapataas ng employability ng ALS graduates.

Mahalaga ito dahil hindi lahat ng kabataang nakatapos ng ALS ay nakakaabante papuntang kolehiyo. Para sa mga mananaliksik, TVET ang nagbibigay ng praktikal na kasanayan na hinahanap ng mga kompanya; mula sa mga teknikal na trabaho hanggang serbisyong direkta sa industriya.

Binibigyang-diin ng pag-aaral ang mas malawak na pagpopondo at mas matibay na ugnayan ng gobyerno, lokal na pamahalaan, at TESDA upang dumami ang ALS graduates na matulungan ng TVET. Ipinapakita ng pag-aaral na ang pamumuhunan sa kasanayan ng tao (human capital) ay hindi lang susi sa trabaho kundi sa mas inklusibong pag-unlad ng bansa.

Silipin ang ngayong linggo sa: dlsuresearch.com/TVET. Tuklasin pa ang iba pang tampok na mga pananaliksik sa

Naiisip mo rin ba kung saan nagsisimula ang ating paboritong pagkain? Tara, tuklasin natin kung paano nagsama ang panlas...
08/09/2025

Naiisip mo rin ba kung saan nagsisimula ang ating paboritong pagkain?

Tara, tuklasin natin kung paano nagsama ang panlasang Pinoy sa impluwensiyang galing sa iba’t ibang kultura. Sabay-sabay nating alamin ang kasaysayan at kwento sa likod ng mga pagkaing pamana sa atin.

Pagsaluhan natin ang mga kwento at pagkain kasama sina Vice President for Research and Innovation Dr. Raymond Tan, Research and Grants Management Office Executive Director Dr. Feorillo Demeterio III, La Salle Food and Water Institute Director Dr. Emmanuel Garcia, at Research Communication and Data Analytics Office Director AARichela dela Cruz.

Kita-kits sa 3rd flr ng Henry Sy Sr. Hall ngayong darating na Setyembre 17, 2025! Magregister sa link na ito: https://dlsuresearch.com/AHA-3

---
Archers Hangout Atbp. (AHA!) is a monthly kwentuhan that gathers students to talk about their hobbies and shared interests, and the ways in which these inform and enrich their research.

Sa gitna ng kaguluhan at kahirapan, paano ba mas pipiliing mag-aral ng mga bata? Mahirap na ang akses ng edukasyon para ...
04/09/2025

Sa gitna ng kaguluhan at kahirapan, paano ba mas pipiliing mag-aral ng mga bata?

Mahirap na ang akses ng edukasyon para sa maralitang sektor subalit kung susuysuyin ang iba panig ng bansa, makikitang higit na mahirap ito para sa mga batang apektado ng digmaan.

Makikita sa pag-aaral na “Educating the Poorest of the Poor Boys in Conflict Zones: The Role of Peace and Development Programs” ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa DLSU School of Economics ang datos na galing sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA). Nilayon nitong tuklasin kung paano naging tulay ang programa upang magpatuloy sa pag-aaral ang mga bata sa lugar na hinahanap ang kapayapaan.

Inihalad sa pagsusuri ang mas mataas na posibilidad sa pagtigil ng mga batang lalaki sa pag-aaral kaysa mga batang babae dala ng iba’t ibang dahilan. Nariyan ang pagkasangkot ng mga batang lalaki na magkaroon ng kabuhayan ang pamilya o hindi naman kaya ay ang pagpili nito sa pag-aaklas. Dito papasok ang halaga ng 4Ps at PAMANA na ang kondisyon lamang na hinihingi ay tuloy-tuloy na pagpasok sa paaralan, at regular health check-up.

Idiniin sa pag-aaral na hindi para sa lahat ng konteksto ang iisang polisiya. Mas kailangan ng suporta at pagtutok sa mga batang nasa conflict zones. Nariyan din ang kahalagahang mabigyan ng mas malaking subsidy o alternatibong insentibo para mas piliing mag-aral ng mga bata kaysa isipin ang kabuhayan at pagsali sa mga armadong gawain.

Kung nagdudulot ng takot ang baril, libro naman ang nagbibigay ng pag-asa. Edukasyon ang tunay na laban na dapat nating ipanalo.

Kasabay sa tema ng ngayong buwan na tungkol sa kapayapaan, basahin ang buong artikulo sa https://dlsuresearch.com/PeaceAndDevelopmentPrograms

Address

3/F Henry Sy Sr. , Hall, De La Sall University
Manila
0922

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm
Saturday 8am - 12pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Research at DLSU posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Research at DLSU:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram