22/06/2018
Isa akong OFW na first time nagbakasyon sa Pinas. At totoo nga na naka-kabit na sa salitang OFW ang salitang PASALUBONG at PADALA.
Madaming pupunta at papasyalan ka at ang unang-unang maririnig mo ay:
PASALUBONG KO???!!!
At pag may inabot ako kahit konti o simpleng bagay lang, abot abot ang ngiti at pasasalamat nila, and in return, sobrang ang gaan at saya din talaga sa pakiramdam ang magbigay.
Pero pano pag iba ang sitwasyon???
Habang nag-aasikaso ako ng papeles ko pabalik, bawat requirment na kukunin ko mapa-unified ID man yan o NBI clearance, grabe libu-libong tao ang nakapila, yun tuloy katabi mo sa pila, magiging kaibigan at kumare mo na sa tagal nyong nagku-kwentuhan. At madami nga akong nakausap at nakilala na babalik din sa ibang bansa. At nag-share sila ng mga experience nila nong silay umuwi...
Sabi ng isa, panty nya na lang daw ang natira sa knya dahil lahat na ng gadgets nya at mga gamit nya, inarbor na lahat ng mga kamag-anak nya. Mahirap nman daw hindi magbigay.
Yung isa nman, katakot takot pa daw na panlalait natanggap nya sa mga kamag-anak nya dahil yung mga pasalubong nya, hindi nman kasosyalan, gusto daw e tlagang branded sna...
Yung isa, andami daw nagalit at nagtampo dahil wala syang naibigay na pasalubong dahil di nman kalakihan dala nya nong umuwi...
Ibat-ibang kwento at emosyon pero iisa lang ang tumbok-sila na ang nagbigay, sila pa masama... tsk tsk tsk
Ang masasabi ko lang po sa mga kamag-anak at kapamilya ng isang OFW:
Ang isang OFW nag-abroad yan at nangamuhan sa ibang bansa para makatulong. TAMA po yan. Pero choice nya po kung sino lang ang gusto nya tulungan at bigyan. Kung ikaw isa kang kamag-anak at nabigyan ka, magpasalamat ka. Kung simple at di kagandahan nabigay sayo, magpasalamat ka pa rin. Kung wala binigay sayo, matutong magpasensya. Baka next time , ikaw nman ang bigyan.
Huwag na huwag po sana tayo magrereklamo, maganda man o pangit ang bigay satin dahil pinaghirapan nya yan. Isa pa po, walang obligasyon sa atin ang kamag-anak natin na nag-abroad... Priority nya ang kanyang pamilya. At kahit pamilya ka, wala ka karapatan magreklamo kung konti padala sayo. Kung gusto ng madami, matuto kang magbanat ng buto at sumubok sa mga pagkakakitaan.
Ang isang OFW kung nakikita mo man sa picture na gumanda o bumata, camera 360 lang yan. Kung nakikita mong masaya sa mga picture, akala mo lang yan, dahil pagkatapos ng click ng camera, malungkot yan at nangungulila sa pamilya nya.
Kung pasyal man sya ng pasyal pag day off nya, aba wag nyo ipagkait yan at kwestiyunin dahil kelangan nya din magrelax sa buong isang bwan nyang pagta-trabaho.
Kung nakikita mo man na may mga bago syang gadgets at mamahalin pa, karapatan nya yan! Kelangan nya din bigyan ng reward ang sarili nya.
Bakit, sino bang napagod? sino bang nagpuyat? sino bang pinapagalitan at sinisigawan ng mga amo? Hindi ikaw na nandito sa Pinas, sya yun! Kaya parang awa na po nten, wag na nteng bigyan ng sama ng loob ang isang taong nagsasakripisyo sa ibang bansa dahil hindi po natin alam ang kanilang pinagdadaanan....
Matuto sana tayong magpasalamat at masabi sa kanila kahit minsan lang ang salitang:
Magpahinga ka din pag may oras ka ha?
Wag mo kami masyado isipin dito, basta wag mo pabayaan sarili mo...
Mahal ka namin, kahit wala ka pasalubong, sabik na kami sa iyong pag-uwi...
Maraming salamat sa tulong mo, malaking bagay ito.
Mga salitang yan lang po, matinding lakas ng loob na po maibibigay natin sa kanila... 🇵🇭🇵🇭🇵🇭