26/07/2019
ANO ANG KIDNEY STONE (NEPHROLITHIASIS) PART 1
✅ Ito ay ABNORMAL na koleksyon at pamumuo ng mga CRYSTALS sa ihi. Kalimitan ay gawa ang mga ito sa iba’t ibang minerals at salt na matatagpuan sa ihi, gaya ng CALCIUM.
⛔️CALCIUM STONE - ito ang pinakakaraniwang uri ng kidney stone, at kadalasang nakikita sa mga taong may mataas na CALCIUM sa IHI
⛔️URIC ACID STONE - ito ay mas madalas nakikita sa mga lalaki. Karaniwan itong nakikita sa mga may GOUT at sa mga MATATAAS ang URIC ACID sa dugo.
⛔️STRUVITE STONE - ito ay madalas na nakikita sa mga may IMPEKSYON SA IHI
⛔️CYSTINE STONE - ito ay RARE na uri ng kidney stone na nakikita lamang sa mga may GENETIC na sakit na kung tawagin ay CYSTINURIA.
✅ Maraming mga RISK FACTORS ang nauugnay sa pagkakaroon ng KIDNEY STONES. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
1. LOW CALCIUM intake
2. HIGH PROTEIN intake
3. HIGH SALT and SUGAR intake
4. LOW water intake
5. VERY ACIDIC and VERY ALKALINE URINE
6. OBESITY and METABOLIC SYNDROME
7. FAMILY HISTORY of KIDNEY STONE
8. UTI
9. BARIATRIC or INTESTINAL SURGERY
10. DIURETIC drugs (mga pampaihi)
11. CALCIUM and VITAMIN D supplements
12. EXCESSIVE VITAMIN C
13. HIGH OXALATE food (chocolate, spinach, potato, nuts, okra)
❗️Maraming kaso ng kidney stones ay WALANG SINTOMAS at aksidente lang na nakikita sa ULTRASOUND.
❗️Isa sa mga pinakamalimit na sintomas ng kidney stones ang PANANAKIT ng LIKOD o TAGILIRAN na gumuguhit o lumilipat pababa sa PUSON o SINGIT.
❗️Ang pananakit dulot ng kidney stone ay kadalasang MATINDI at PABUGSO-BUGSO. Pwede itong samahan ng PAGKADUWAL o PAGSUSUKA.
❗️Ang pagkakaroon ng LAGNAT at PANANAKIT NG BUONG TIYAN ay BIHIRA. Kapag meron ng mga ito, kadalasan ay may IMPEKSYON o iba pang KOMPLIKASYON na kasama ang kidney stones