
18/10/2024
May nag-pm sakin, “Bakit hindi po kayo ngrereply sa messages ko. Puro po kayo seen”
Eto po ang mga dahilan kung bakit hindi po ko nakakareply sa messages, or minsan, sadyang hindi ko po nirereplyan ang messages
1. Iba po ang normal na facebook app sa page manager. Ang ginagamit naming app for pages ay yung page manager. Sa messenger ng fb page manager, may option dun na “unread” messages para ifilter ang mga unread messages. From there, nagsisimula ako from bottom to up magreply para mauna kong replyan yung mga unang nagmessage. Pero madalas pong nangyayari, kahit unread pa yung messages niyo, hindi siya napapasama sa “unread” messages kapag nagfifilter ako. Isa po yung sa mga bug siguro ng fb page app na hindi ko talaga maiwasan. Kung hindi po ako ngreply within 24 hours sa message niyo, maaari lang pong pakimessage ako ulit. Lahat po ng payment ay ngcoconfirm ako. Kung ngorder kayo at wala kayong nareceive na confirmation within 24 hours, please pm niyo ko ulit. Baka hindi kayo nafilter
2. Twing weekend, madalas akong hindi makareply within 24 hours. Dahil po, either nagbabalot ako or nagtatakal or ngrerestock sa trinoma or namimili ng paninda. Wala naman po tayong shipping ng weekend, kaya kung maaari lng po. Isettle lahat ng payment ng weekdays para mapasama sa ibabalot pa ng weekend.
3. May mga taong sadyang hindi po nagbabasa ng pinned post. Kaya po naka pinned post yang “how to order” para may guidance kayo. Pati payment options andyan narin po. Pati po prices ng items madalas nagpopost din ako. Minsan po, pag pagod nko galing work at nakakita ako ng 100+ unread messages, hindi ko napo nirereplyan yung ibang messages lalo na yung “how to order”. Natatadtad po talaga ako ng messages, sana po tulungan niyo narin po ang sarili niyong hanapin ang kasagutan sa fb page.
4. Madalas akong makakita ng “pa-pm ako kapag may Aztec na or jo Malone takal”. Hindi ko po kayo kayang i-pm isa isa twing my bagong items ako. Kaya po may public post. Kung maari lng po, bisitahin niyo ang page ko para maging updated sa restock ng jo Malone takal and Aztec takal.
Salamat po. Pasensya na po kung matagal ako mgreply. Nakita niyo naman po kung gaano po kabilis maubos ang jo Malone takal. 1-2 hours, wala na agad yung stock ng jo Malone takal. Yung Aztec, 3-4 hours naubos agad. Mag-isa lng ako, nagrerestock, ngsasagot ng inquiries at nagbabalot po. Kapag nakahanap na po ko ulit ng assistant, hopefully, maayos ko na yung fb page ko. Pati ang processing ng orders. Mahirap po kasi mghanap ng assistant kasi ipinagkakatiwala ko ang buong page at paninda ko sknya. I hope you understand po. Maraming salamat