30/12/2025
129 na taon na ang nakalipas mula noong paslangin si Dr. Jose Rizal, at mahigit 129 na taon na ring binubuhay at ginigising ng kaniyang mga adhikain ang lipunang Pilipino. Tumatak si Rizal sa marami dahil sa kaniyang paniniwalang kabataan ang pag-asa ng bayan, na ang mga bagong binhi ng bayang Pilipino ang pwersa ng paglaya. ๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ฏ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ถ๐ป๐๐ฏ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐, ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐บ ๐๐ฎ ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ถ๐ฝ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ถ๐-๐ฏ๐ถ๐๐ถ๐ด ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ, ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐๐ฑ๐ฎ, ๐ฎ๐ ๐บ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐น๐ฝ๐ฎ๐ ๐บ๐๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ถ๐น ๐ป๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป. Sa lipunang binubuo ng halos 75 porsyento ng magsasaka, kasama dapat ang kabataan sa laban para sa tunay na reporma sa lupa upang tutulan ang malawakang pagmonopolyo sa lupa upang gawing plantasyon at pabrika. Kaugnay nito ang laban ng mga manggagawa na 15 porsyento ng ating lipunan. Kasama dapat sa pagpupunyagi ng kabataan ang pagtutol sa kontraktuwalisasyon at iba pang mga pang-aabuso sa ilalim ng mapagsamantala at kapitalistang sistema.
๐ง๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐บ๐๐ธ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ธ๐๐ผ๐ฟ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ ๐ฑ๐ฎ๐ต๐ถ๐น ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐บ๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ. Bilang mga mag-aaral ng kaunlaran, nakikiisa ang Development Studies Society sa paggunita ng alaala ni Dr. Jose Rizal bilang isa sa mga haligi ng pambansang kamalayan. Ang kanyang pagsulong ng katarungan, kalayaan, at karapatan ng mamamayang Pilipino ang siyang nagpamulat sa diwa ng mga Pilipino na humahamon ng mapang-api at bulok na sistema mula noon hanggang ngayon.
Mula pagkabata, nasaksihan na ni Rizal ang mga mapaniil at di-makatarungang kaayusang talamak sa kolonyalisadong Pilipinas. Kahit na siya ay sinubok ng ibaโt ibang pagsasalungat, hindi siya nagpatinag sa pagbunyag sa katotohanan at higit pa niyang pinaalab ang kamalayan at pagkilos ng kaniyang kapwa Pilipino. Hanggang ngayon, hinahamon pa rin ang ating lipunan, mula sa mga dayuhang nanghihimasok hanggang sa mga nakaupong nakapanig sa Kanluraning interes. Kayaโt wala nang mas tamang panahon upang patalasin ang kaisipan at paninindigan ng mga kabataan. Dahil ngayong malakas ang dagundong ng masang anakpawis, siyang malakas din ang pagkilos ng mga pag-asa ng bayanโmga bagong puwersa ng paglaya.
Caption ni Sherine Novelo at Katrina Alegre
Pub ni Eunice Reyes