Ospital ng Maynila Medical Center

Ospital ng Maynila Medical Center The official page of
OSPITAL NG MAYNILA MEDICAL CENTER
headed by:
DR. GRACE H. DOMAGOSO

PADILLA, FPPS, MHA
under the leadership of
Mayor FRANCISCO "Isko Moreno" M. MISSION
To deliver quality health services to Manilans in particular and provide excellent education through training and research with utmost professionalism

VISION
To be a locally responsive, nationally recognized, and globally competitive medical center of excellence in providing health care services, training, and research

08/03/2026

Join us this March 9, 2026 for our
Regular Flag Raising Ceremony.

“Compassionate Healing Meets Excellent Healthcare”


Bilang tugon sa Executive Order No. 3 na nilagdaan ni Hon. Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang pamunuan at mga k...
07/03/2026

Bilang tugon sa Executive Order No. 3 na nilagdaan ni Hon. Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang pamunuan at mga kawani ng Ospital ng Maynila Medical Center ay buong puso at aktibong nakikiisa sa City-Wide Clean-Up Drive ngayong March 7, 2026.



06/03/2026

YORME’S HOUR: EO No. 7 patungkol sa fuel savings nilagdaan kaugnay ng Middle East crisis | ₱32M tulong sa 20 bata sa ilalim ng KAAGAPAY Program | Agarang tulong para sa 349 families na nasunugan sa Parola | South Korean President bumisita sa Maynila | ₱30K ayuda mula NHA para sa mga nasunugan sa Intramuros | Top 1 Most Wanted sa murder, timbog ng MPD

Idinaos sa Auditorium ng Ospital ng Maynila Medical Center ang Panalangin sa Krus at Banal na Misa tuwing Biyernes ngayo...
06/03/2026

Idinaos sa Auditorium ng Ospital ng Maynila Medical Center ang Panalangin sa Krus at Banal na Misa tuwing Biyernes ngayong Kuwaresma, mula Pebrero 27 hanggang Marso 27, 2026, na dinaluhan ng mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento bilang sama-samang pagninilay at panalangin.

Lay Forum Activity | World Hearing MonthIsinagawa ang Lay Forum Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng M...
06/03/2026

Lay Forum Activity | World Hearing Month

Isinagawa ang Lay Forum Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Hearing Month.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa publiko tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating pandinig, maagang pagtuklas ng problema sa pandinig, at tamang paraan upang mapanatili ang kalusugan ng ating tainga.

Isinagawa ang gawaing ito sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng Public Health Unit, bilang patuloy na suporta sa pagpapalaganap ng health awareness at pangangalaga sa kalusugan ng ating komunidad.

Lay Forum Activity | World Obesity MonthIsinagawa ang Lay Forum Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng M...
06/03/2026

Lay Forum Activity | World Obesity Month

Isinagawa ang Lay Forum Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng World Obesity Month.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng kaalaman at kamalayan sa publiko tungkol sa kahalagahan ng tamang nutrisyon, regular na ehersisyo, at pagpapanatili ng malusog na pangangatawan upang maiwasan ang obesity at iba pang kaugnay na sakit.

Isinagawa ang gawaing ito sa pakikiisa at pakikipagtulungan ng Public Health Unit, bilang patuloy na suporta sa pagpapalaganap ng health awareness at pangangalaga sa kalusugan ng ating komunidad.

Isinasagawa ang Lay Forum Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center bilang bahagi ng...
05/03/2026

Isinasagawa ang Lay Forum Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center bilang bahagi ng pagdiriwang ng Philippine Digestive Health Week.

Layunin ng aktibidad na magbigay ng tamang kaalaman at kamalayan tungkol sa kalusugan ng ating digestive system sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon mula sa mga health professionals.

Isinagawa ito sa pakikipagtulungan ng Public Health Unit, bilang patuloy na pagsuporta sa kalusugan at kapakanan ng ating komunidad.

Ospital ng Maynila Medical Center proudly joins the nation in celebrating National Women’s Month! This March, we honor t...
03/03/2026

Ospital ng Maynila Medical Center proudly joins the nation in celebrating National Women’s Month!

This March, we honor the strength, resilience, and invaluable contributions of women in healthcare and in our communities. From our dedicated doctors, nurses, and healthcare workers to every mother, daughter, sister, and leader we serve your courage and compassion inspire us every day.

We reaffirm our commitment to promoting women’s health, empowerment, and equal access to quality healthcare services. Together, let us continue to support and uplift one another as we work toward a more inclusive and equitable future for all.

Happening Now:Kasalukuyang isinasagawa ang PhilHealth YAKAP sa Manggagawa ang kauna-unahang kolaborasyon ng National Gov...
02/03/2026

Happening Now:

Kasalukuyang isinasagawa ang PhilHealth YAKAP sa Manggagawa ang kauna-unahang kolaborasyon ng National Government at isang LGU-owned hospital.

Ginaganap ang makabuluhang pagtutulungan na ito sa Department of Finance, na naglalayong higit pang palakasin ang suporta at serbisyong pangkalusugan para sa ating mga manggagawa.

Sama-sama para sa mas abot-kaya, mas maayos, at mas inklusibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat.

ATTENTION OPD PATIENTSPara sa mas mabilis at maayos na proseso ng inyong pagpaparehistro sa Ospital ng Maynila Medical C...
02/03/2026

ATTENTION OPD PATIENTS

Para sa mas mabilis at maayos na proseso ng inyong pagpaparehistro sa Ospital ng Maynila Medical Center, hinihikayat po namin ang lahat ng Out Patient Department (OPD) patients na mag-download ng eGov PH App.

I-download lamang ang eGov PH App sa Google Play Store o Apple App Store
Mag-register at kumpletuhin ang inyong profile
Gamitin ito para sa inyong OMMC registration

Makakatulong po ito upang mas mapabilis ang serbisyo at maiwasan ang abala.

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon!

HAPPENING NOW!Isinasagawa ang Bone Scanning Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Cente...
02/03/2026

HAPPENING NOW!

Isinasagawa ang Bone Scanning Activity sa Out-Patient Department (OPD) ng Ospital ng Maynila Medical Center, na hatid ng CALTRATE sa pakikipagtulungan ng Public Health Unit.

Layunin ng aktibidad na ito na mapalakas ang kamalayan ng ating komunidad tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng buto, maagang matukoy ang posibleng senyales ng osteoporosis, at mabigyan ng tamang gabay ang ating mga pasyente para sa mas maayos at mas malusog na pamumuhay. Ang regular na bone screening ay isang mahalagang hakbang upang maiwasan ang komplikasyon at mapanatili ang tibay at lakas ng ating pangangatawan, lalo na para sa mga nasa hustong gulang at senior citizens.

100 slots lamang po ang tatanggapin, kaya’t hinihikayat ang mga interesadong magpatingin na agad na magtungo sa OPD habang may bakanteng puwesto pa.

Alagaan ang inyong mga buto dahil mahalaga ang matibay na pangangatawan para sa mas aktibo at mas produktibong pamumuhay!

01/03/2026

Join us this March 2, 2026 for our
Regular Flag Raising Ceremony.

“Compassionate Healing Meets Excellent Healthcare”


Address

Pres. Quirino Avenue Corner Roxas Boulevard , Malate
Manila
1004

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ospital ng Maynila Medical Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category