01/05/2026
๐๐ ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ, ๐ค๐๐ข๐ฌ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ ๐๐ข๐ ๐ฆ๐ ๐๐ฅ๐ฉ๐ก๐ ๐๐ฎ ๐๐จ๐ซ๐จ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐. Sa pagpasok ng taong 2026, nananatiling ang mga manggagawa ang pangunahing nagpupuno sa kaban ng bayan sa pamamagitan ng kanilang mga buwis. Gayunpaman, sa kabila ng napakalaking ambag, patuloy na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino ang krisis sa mababang sahod at kawalan ng seguridad sa trabaho. Habang tumataas ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, nananatiling nakapako sa lupa ang sahod na hindi sapat para sa maayos at disenteng pamumuhay. Ang reyalidad na ito ay lalong pinapait ng katotohanang ang mga buwis na kinaltas mula sa pawis ng mga manggagawa ay madalas na napupunta lamang sa bulsa ng mga mapang-abusong opisyal ng gobyerno. Sa kabila ng paghihirap ng mga manggagawa, sila ay patuloy na lumalaban para sa sistemikong pagbabago, sapat na sahod, at pagkilala sa dignidad ng bawat manggagawa.
Ang aming paninindigan ay nakaugat sa prinsipyo na ang katarungan sa paggawa ay katarungan para sa buong bansa. Kung ang mga manggagawa ay binabayaran nang sapat at nakatatanggap ng nararapat na benepisyo, nagkakaroon sila ng kakayahang itaguyod ang kanilang pamilya. Mariin naming kinokondena ang sistemang pinapabigat ang pasanin ng mga manggagawa sa pamamagitan ng mataas na buwis, habang malaya namang nilulustay ng mga kurap ang pondong dapat sana ay nakalaan para sa serbisyong panlipunan.
Sa pagdiriwang na ito, ang aming panawagan ay: โ๐๐ญ๐๐๐ฌ ๐๐ง๐ ๐๐๐ก๐จ๐, ๐๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐ฉ! ๐๐๐ญ๐๐ซ๐ฎ๐ง๐ ๐๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!โ Mas lalo nating palalimin ang ating kamalayan at paninindigan. Huwag nating hayaang manatiling pangarap lamang ang makatarungang sahod, benepisyo, at seguridad sa trabaho. Hanggaโt may mga manggagawang pinagkakaitan ng kanilang pinaghirapan, patuloy tayong maninindigan.
๐๐๐๐ฎ๐ก๐๐ฒ ๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐ ๐ ๐๐ ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ!