Deo Wong, MD Dermatology

Deo Wong, MD Dermatology Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Deo Wong, MD Dermatology, Dermatologist, 1725 J. Fajardo Street Sampaloc, Manila.
(1)

Konsultasyon para sa mga problema sa balat, buhok at kuko
Board-certified Dermatologist at Dermatopathologist
Miyembro ng Philippine Dermatological Society, Asian Society of Pediatric Dermatology at American Society for Dermatologic Surgery
Scars

Ang maliit na parte ng balat na may rashes mula sa mga irritants o allergens ay maaaring kumalat sa buong katawan dahil ...
06/12/2025

Ang maliit na parte ng balat na may rashes mula sa mga irritants o allergens ay maaaring kumalat sa buong katawan dahil sa paulit-ulit na exposure o kabiguan sa pag-iwas sa sanhi ng sakit. Pagtapos malaman ang diagnosis, ang mainstay o ang pinakaimportanteng parte ng gamutan ay ang pag-iwas sa pagkakadikit ng balat sa kemikal na nagdudulot ng kati, pagtutubig, pagsusugat o pangangapal ng balat. Maaaring makakuha ng mga palatandaan kung ano ang dapat iwasan mula sa history ng sakit.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DR7I1BIAb2W/?igsh=MW91YnlieXc0bWtl

Ang contact dermatitis ay reaksyon ng balat laban sa kemikal kung saan ang balat ay naiirita o kaya naman ay allergic. A...
05/12/2025

Ang contact dermatitis ay reaksyon ng balat laban sa kemikal kung saan ang balat ay naiirita o kaya naman ay allergic. Ang dalawang klase ng sakit na ito ay magkaiba ngunit may pagkakapareho ang isang parte ng gamutan - ang pag-iwas upang hindi magpaulit-ulit ang sakit sa balat. Sa halip na isipin na may isang klase ng produkto o bagay na kailangang iwasan, isipin na ang reaksyon ay mula sa isang kemikal na mahahanap sa magkakaibang bagay. A patch testing ay isang paraan upang malaman kung ano ang bagay na ito na kailangang iwasan.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DR3GYmHEoUJ/?igsh=MThxMjdtMTB0NWN2cw==

Physical appearance influences critical measures that are important to individuals. Objective data supports its positive...
04/12/2025

Physical appearance influences critical measures that are important to individuals. Objective data supports its positive impact on self esteem, mood and most importantly, quality of life. In the hands of an ethical and safe injector, small volumed placed strategically can reverse age-related changes but also correct defects, augment tissues, enhance beautifying features, and modify facial shape altogether.

Madami sa mga kaso ng contact dermatitis ay hindi nabibigyan ng solusyon at nagpapatuloy ng madaming buwan o taon. Dahil...
03/12/2025

Madami sa mga kaso ng contact dermatitis ay hindi nabibigyan ng solusyon at nagpapatuloy ng madaming buwan o taon. Dahil dito, maaaring mamuti o mangitim ang balat dahil sa paulit-ulit na exposure sa irritant o allergen. Maghahanap ang pasyente ng paraan para pumantay ang kulay ngunit malalaman na kahit ang mga gagawin para pumantay ang kulay ay maaaring makapagpalala ng sitwasyon hanga't hindi naiiwasan ang sanhing irritant/allergen.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DRx9mUMkg_Q/?igsh=bzJ5ZGR3ZGZnMHo4

Ang diagnosis ng contact dermatitis ay nangangailangan ng history ng exposure sa isang irritant o allergen ng minsan o p...
02/12/2025

Ang diagnosis ng contact dermatitis ay nangangailangan ng history ng exposure sa isang irritant o allergen ng minsan o paulit-ulit bago magkaroon ng rashes. Importanteng malaman kung sa lugar na pinagtatrabahuhan, sa tinitirhan o mga gawaing panlibangan ang pinagmulan ng exposure dahil ang pinaka-importanteng parte ng gamutan ay ang pag-iwas sa pagdikit ng partikular na bagay na ito sa balat upang hindi magpabalik-balik ang sakit.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DRxAnCgAac4/?igsh=ZWNvMDh2a2w0Ymx5

Mayroon po tayong munting pag-usog ng ating schedule ngayong darating na Miyerkules at Huwebes.December 3 - 8am hangang ...
02/12/2025

Mayroon po tayong munting pag-usog ng ating schedule ngayong darating na Miyerkules at Huwebes.

December 3 - 8am hangang 5pm
December 4 - 9am hangang 6pm

Alalahaning mag-schedule ng ating mga konsultasyon at follow-ups. Ingat po at magandang gabi.

May mga sanhi ng contact dermatitis kung saan ang reaksyon ng balat ay mabilis. Magkakaroon kaagad ng sintomas ng pangan...
01/12/2025

May mga sanhi ng contact dermatitis kung saan ang reaksyon ng balat ay mabilis. Magkakaroon kaagad ng sintomas ng pangangati at mabilis na kakalat o dadami ang rashes matapos madikit ang balat sa irritant o allergen. Ngunit dahil sa pagkakaiba-iba ng mga kemikal na exposed ang balat, ang ilan sa kanila ay mabagal makatagos sa balat, sanhi para maantala ang paglabas ng rashes ng ilang araw bago makaramdam ng sintomas.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DRsvCRlEjKR/?igsh=MTkwMGVjcmdtMXNzZQ==

May iba pang mga sakit na maaaring makapagpatubig sa balat maliban sa impeksyon. Ang mga contact dermatitis - mga sakit ...
30/11/2025

May iba pang mga sakit na maaaring makapagpatubig sa balat maliban sa impeksyon. Ang mga contact dermatitis - mga sakit ng pangangati o paghahapdi sa balat matapos ang paulit-ulit na exposure sa allergen o isang beses na exposure sa isang matinding klase ng irritant - ay maaaring makapagpatubig ng balat hangang sa ito ay magkaroon ng maliliit o malalaking paltos.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DRqQQ-1EpXk/?igsh=dnFuZjRwcTNvc3Nk

30/11/2025

Ang mga posts ngayong linggo ay tungkol sa contact dermatitis.

Achieving a harmonious lip ideally is done with good technique and clinical eye on a lip that has not been treated befor...
24/11/2025

Achieving a harmonious lip ideally is done with good technique and clinical eye on a lip that has not been treated before. In the event when injection has been done in the past with a highly crosslinked hyaluronic acid, an aging lip may retain some of this and may have migrated away from the ideal plane. This will necessitate dissolving first, waiting in between and injecting hyaluronic acid fiĺler thereafter to achieve a proportioned lip that is appropriate with age (always in the right plane, of course.)

There are skin conditions wherein the same cells that populate a birthmark also makes up their acquired counterparts. Th...
23/11/2025

There are skin conditions wherein the same cells that populate a birthmark also makes up their acquired counterparts. These acquired conditions are so-called because they appear later in life and can be due to repeated and cumulative photodamage, chemical exposure, drugs, environmental factors, occupation, etc. This is in contrast to typical birthmarks that appear shortly after or since birth. It is important to differentiate which are acquired and which are congenital because prognostic markers differ between the two. Prognosis dictates whether eventual outcome is favorable or not.

Ang balat sa upper extremities (ang parte ng balikat, braso, bisig at kamay) ay lapitin ng mga pagbabago sa balat na dul...
21/11/2025

Ang balat sa upper extremities (ang parte ng balikat, braso, bisig at kamay) ay lapitin ng mga pagbabago sa balat na dulot ng sikat ng araw. Ang pinaka-nakaaapekto sa kalidad ng buhay ng mga taong nagkakaroon ng sakit sa balat ay mga pagbabago sa kulay dulot ng photoaging. Maaari itong makita bilang pangingitim ng balat, pamumula, paninilaw o kaya ay ang pinakamahirap gamutin sa lahat - pamumuti o pagkawala ng kulay.

sa Instagram: https://www.instagram.com/p/DRUuhfRgUpX/?igsh=aWs5b3NtNnljdnc4

Address

1725 J. Fajardo Street Sampaloc
Manila
1008

Opening Hours

Monday 10am - 7pm
Tuesday 10am - 7pm
Wednesday 12pm - 9pm
Thursday 10am - 7pm
Friday 10am - 7pm
Saturday 8am - 2pm
Sunday 8am - 2pm

Telephone

+639209773646

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Deo Wong, MD Dermatology posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Deo Wong, MD Dermatology:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram

Category