02/12/2025
PANAWAGAN:
Ang Philippine General Hospital (PGH) - Medical Social Service ay na nanawagan sa sinumang nakakakilala o posibleng kamag-anak ng pasyente na si REYNALDO CALITANG BUSCATO JR.
Siya ay naka-admit sa Emergency Room mula noong November 26, 2025. Ayon sa kanya, siya ay mula sa Sibuan Dos, Brgy. Tubod, Lakewood, Zamboanga Del Sur ngunit noong 2011, siya ay nagtungo sa Pampanga upang maghanapbuhay at siya ay namuhay doon ng siyam (9) na taon. Noong nagpademya, siya ay natanggal sa trabaho at napadpad sa Quezon City Kung saan sya nagtrabaho bilang hardinero.
Ang tatay niya ay si Reynaldo Buscato na sinasabing taga Brgy. Tubod, Zamboanga Del Sur ngunit tubong Margosatubig sa Zamboanga Del Sur at siya ay yumao na. Ang pasyente ay may kinikilalang pinsan na nagngangalang Nonoy Alguno na nakatira sa sentro ng Zamboanga Sibugay.
Kung sino man ang nakakakilala sa kanya o sa kanyang pamilya, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:
(02) 8554 8400 local 2513 (Medical Social Service);
0961 073 9095