22/09/2025
NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA KONSEHO AT ORGANISASYON NG UP MANILA TUNGKOL SA KARAHASAN NG MGA PULIS
Kahapon, matagumpay na nagsagawa ng kilos-protesta ang libo-libong mamamayang Pilipino, kasama ang sangkaestudyantehan ng UP Manila. Mula Luneta ay nagtungo tayo sa Mendiola upang ipakita ang kolektibong galit sa korapsyon at kawalang pananagutan, at patuloy na singilin ang rehimeng Marcos-Duterte.
Subalit, ang protesta ay naharap sa karahasan ng kapulisan ng Maynila. Sila ay nang-intimida, nang-aresto, nanghila, naglabas ng tatlong teargas, nagwater cannon, at namaril ng mga sibilyan at kabataan na dumalo sa protesta. Isa sa mga hinuli ay si Mattheo Wovi Villanueva, isang mag-aaral mula sa UP Diliman College of Arts and Letters. Sa gitna ng mapayapang pagkilos, siya ay brutal na binugbog at sapilitang kinaladkad palayo ng mga kapulisan. Ito ay malinaw na halimbawa ng pamamasismo ng gobyerno sa sambayanang lumalaban. Patunay lamang na ang mga pwersa ng estado ay tagapagtanggol ng interes ng mga naghaharing-uri.
Mariing kinukundena ng mga konseho at organisasyon ang patuloy na kaharasan ng kapulisan โ ang brutal na dispersal, pananakit, at arbitrary arrests laban sa mga nagprotesta sa Ayala at Mendiola. Binabatikos din namin ang pagpigil ng mga kapulisan na makausap ng kaanak at mga abogado ang mga arestado. Patuloy naming ipinapanawagan ang hustisya para sa mga biktima ng kaharasan ng pulis, at iginigiit namin ang kagyat na pagpapalaya sa lahat ng inaresto, lalo na sa mga menor de-edad at PWD. Dapat ding ipagamot ang mga sinaktan at inabuso ng mga pulis.
Naninidigan ang mga konseho at organisasyon na makatwiran ang magprotesta. Ang pagsasagawa nito ay pagpapahayag ng galit ng sambayanan sa korapsyon ng bulok na estado. Hindi kailanman krimen o terorismo ang paglaban. Sapagkat ang tunay na krimen ay ang pandarambong sa kaban ng bayan at ang tunay na terorista ay ang administrasyong Marcos-Duterte, ang imperyalistang US, at mga tuta nitong kapulisan, na patuloy inuuna ang pansariling interes habang nilulugmok sa kahirapan at pang-aapi ang mamamayang Pilipino.
Kasabay nito, inaanyayahan namin ang buong komunidad ng UP Manila na patuloy tumindig at makibaka laban korapsyon at pasismo ng bulok na administrasyong Marcos-Duterte.
Palayain si Mattheo Wovi Villanueva!
Palayain lahat ng bilanggong pulitikal!