12/04/2013
6 Bobotante Guides para sa Eleksyon 2013
Amoy eleksyon na naman. At ito ang tamang panahon para makapagbigay paalala sa ating kababayan tungkol sa pagboto. At hindi ako magbibigay ng mga payo kung paano ang tamang pagpili ng iboboto. Siguradong marami nang magbibigay niyan. At sa dinami dami ng nagpapaalala sa atin ng tamang gawin, madalas ay nakakalimutan na natin ang mga hindi dapat.
Ilan lang ito sa mga naririnig natin na paulit-ulit sa marami nating mga kababayan tuwing napapag-usapan kung sino ang kanilang iboboto sa eleksyon. At ito din marahil ang mga pangunahing dahilan kung bakit ganito pa rin kalala ang sitwasyon ng ating pulitika. Bakit sila ang iboboto/o hindi natin iboboto?
1. “Sayang ang boto ko, di naman yan mananalo.”
Ginawa mong sugal ang boto mo. Dahil dehado, kahit tingin mo e ok naman, hindi mo iboboto. Ngayon binoto mo yung kahit ayaw mo pero at least malaki chance manalo. Ok congrats, panalo ka. Para kang tumaya sa karera ng kabayo o sabong. Panalo ang tinayaan mo. Ano ngayon premyo mo? Ilang taon ka na bumoto ng ganyan, malaki na ba napanalunan mo? O ganon pa rin sitwasyon mo?
2. "Wala pa naman silang napatunayan. Mga bago lang yan. “
Kaya bumoto ka ng pamilyar na pangalan. Sila uli, dahil sabi nga tutal may napatunayan na sila. May karanasan na. At naranasan mo na rin ang hirap. At marami rin may karanasan na sa pangungurakot, expert na. Mahirap nang hulihin.
hmm...
3. “Di ko kilala mga kandidato. Bahala na sa makikita ko sa balota.”
Napakaraming mga web pages tulad nito na nagpapakilala sa mga kandidato. Pag bibili ka ng cellphone, nagreresearch ka pa ng sandamukal at nagtatanong tanong ka kung ano ang okay na bilhin. Naghahanap ka pa kung san ka makakamura. Andami mong oras na nakalogin sa Facebook pero yung pagbasa man lang ng profile at list ng mga kandidato online, di mo magawa. Tapos rereklamo ka ng kung sino sino ang nananalo.
4. “Boto ko tong anak/kapatid/asawa/pinsan ni kwan. Ok naman kasi siya kaya malamang ok din itong kadugo niya.”.
Hindi tamang manghusga dahil lang sa kadugo. Maaari itong makaapekto, sang ayon ako dito. Puedeng sa mabuti, puede ring sa masama. Pero kung ito lang yung dahilan mo para iboto o hindi iboto ang isang kandidato, ito ay tatak ng pagiging bobotante.
5. “Artista/atleta/ekonomista/sikat yan, kaya iboboto/hindi ko yan iboboto.”
Tulad ng dugo o lahi, ang trabahong pinanggalingan ay hindi dapat maging kaisa-isang basehan ng pagboto. Hindi porke ganito o ganyan ang trabaho nila, iboboto o hindi na sila ang iboboto. Puede itong maging batayan. Pero marami pang ibang puedeng gawing panukat kasama nito.
6. “Di na ko boboto, wala rin naman magbabago.”
Ok lang yan, pero wag ka ring masyadong magreklamo. Dahil ang di mo pagboto, katulad na rin yan ng pagsuporta mo sa taong ayaw mong manalo. Ang di mo pagboto, ay hindi direktang pagboto sa kandidatong di mo gusto.
Kung may mga gusto pa kayong idagdag sa ating listahan, ilagay nyo lang sa ating comments section. I-share nyo rin ito sa iba at ng atin nang maiwasan at mabawasan ang pagiging bobotante sa susunod na halalan.
http://theignoredgenius.blogspot.com/2013/02/6-bobotante-guide-para-sa-eleksyon-2013.html?spref=fb