Mr WOUND

Mr WOUND Wound Care Specialist | Educator | Advocate for Evidence-Based Healing
Sharing the latest in wound management, tips, and medical breakthroughs.

Let’s bridge knowledge gaps—because better care starts with better understanding. gabay para sa maayos na paggaling ng sugat

15/12/2025

Mahirap sumagot ng YES or NO agad na hindi naipapaliwanag bakit. Marami po bagong wound care nurses at nag aalaga na umaasa sa ating content para lubos na maunawaan ang bagay bagay sa pag aalaga ng sugat.

Bakit hindi advisable, sa aking pananaw ang paggamit ng mild soap o antibacterial soap sa open wound?

Lupet ng BANGGA SA BAKAL sa LULOD (shin)6 yrs na ito na suki ng wound clinic natin bale nasa ALABANG Muntinlupa pa kami ...
13/12/2025

Lupet ng BANGGA SA BAKAL sa LULOD (shin)

6 yrs na ito na suki ng wound clinic natin bale nasa ALABANG Muntinlupa pa kami with a different name. Bawat sugat nito ay walang ibang nahawak maliban sa amin nila doc. BTW buong pamilya nila ay diabetic at lahat patient ni doc.

2 months ago un pinsan ng asawang babae naman dinala sa clinic at napa graduate na rin natin at nakabalik na sa Mindanao.

Dati dahil sa basketball, pressure sa paa, napako and now naman ay naBANGGA sa bakal ang kanyang shin na kanyang ininda mabuti.

Malamang magtataka kayo why nabutas? Well hindi natin kasi madidiktahan ang injuries at kapag ang wound management ay mali sigurado di rin maganda ang magiging outcome and since diabetic ito at tamad uminom ng maintenance ay alam na alam nya ano gagawin pag may sugat kaya madalas napapagalitan ko ito at kanina si doc naman nag sermon sa kanya sa maintenance meds na hindi iniinom o tinatamad.

Ang aral sa post na ito ay dapat antayin natin ang magiging result ng inflammation at kung ano ibabato sa atin na sign at dun tayo mag decide ng wound dressing na ilalapat.

So far ok na sya using the following;

1st week Inflammation stage CUTIMED sa butas with foam or silver alginate

Critical ito na kapag may erythema at cellulitis like effect sa tissue dapat naka FOAM DRESSING para ma absorb ang fluids,,,if wala pera….gasa pero ensure na papalitan agad kasi kapag nababad at nagka contact sa madumi environment dito nagkaka secondary infection gaya nakita nyo sa dressing na may potential pseudomonas (greenish color exudate) at take note naka ilang beses na sya sa amin pero di pa rin natuto sa tamang pag dressing hahaha

2nd week silver Foam only
3rd week lumabas na yun mga nana kaya nag silver foam at cutimed ulit na dahil makatas na
4th continue lang sa 3rd week dressing
5th onwards silver foam

Today pwede na mag cream with silver sulpha dahil sobrang dry na edges at medyo bumagal movement.

As per evidence pwede mag recommend ng collagen supplement kaya sabi ko kay doc baka pwede bigyan ng reseta sabay sabi ni doc na “HUH!! YUN MAINTENANCE NYA AYAW INUMIN DADAGDAGAN KOPA DI LALO DUMAMI KASALANAN NITO SA AKIN 🤣”

Since may portion na kita tendon kaya sabi ko wag muna pa graduate kasi malilibang na naman ito at hayaan muna para sure lang kasi mhirap na.

Abangan!!!

Langgas Wound Care Center

The Value of a Moist Wound Environment: A Call for Educational Integration of Wound Management in Medical-Surgical and C...
10/12/2025

The Value of a Moist Wound Environment: A Call for Educational Integration of Wound Management in Medical-Surgical and Community Health Nursing

For decades, nursing students (including myself) were taught dry wound healing methodologies. This directly contradicted the groundbreaking findings of Dr. George Winter in the 1960s, which demonstrated that a moist environment significantly accelerates epithelialization. While the mass adoption of this principle boomed in the 80s and 90s, it seems our healthcare system remains stuck in the past, clinging to practices that were merely feasible at the time rather than those proven effective.

Even with the advent of advanced dressings, the system still embraces "wet-to-dry" dressing as the supreme standard for wound management. Similarly, povidone-iodine is treated as a superhero and jack-of-all-trades for every wound, chronic or acute. I am not vilifying povidone-iodine—it has its place—but through evidence-based practice, we must place it correctly according to a thorough assessment, which is an integral part of the nursing process.

Our own reference textbooks, like the 15th edition of Brunner and Suddarth, already lay down this foundational knowledge. However, this critical portion seems unfamiliar and neglected, like a "ghost flood control project" we see in today's headlines: infrastructure exists on paper, but is not functional in reality.

There are many wound types to teach, but the basic, evidence-based concept of moist wound healing must be integrated into our BSN curriculum. When students graduate and become RNs, the instillation of this concept will provide a vital foundation for their professional practice—and their personal lives as well.

I cannot single-handedly change all the requests of our nursing school. But next year, I will take action. I will train a few who can initiate this change, ensuring the next generation of RNs is knowledgeable according to evidence-based practice and a Filipino-contextualized approach to wound management.

We must balance the equation to ensure that few, if any, diabetic foot ulcers or bedsores ay hindi MAIIWANAN.

Picture from Calamba Doctors' College - College of Nursing

Bakit delikado 'yung exposed at infected na plantar ligament sa diabetic foot wound? Basically, it's a major red flag na...
10/12/2025

Bakit delikado 'yung exposed at infected na plantar ligament sa diabetic foot wound?

Basically, it's a major red flag na nag-eskalado na 'yung problema.

Eto ang mga key reasons:

1. Gateway na siya para kumalat ang infection.

· 'Yung plantar ligament, nakatapat mismo sa mga deeper parts ng paa. Kapag exposed na siya, parang daan na para dumiretso ang bacteria sa mga mas malalim na muscle at spaces. Pwedeng magdulot ng mas malalang infection (necrotizing fasciitis) na mabilis kumalat.

2. Malapit na sa buto (Osteomyelitis).

· 'Yung ligament, konektado mismo sa mga buto (like sa metatarsals). Kapag infected na 'yung ligament, madali lang para sa bacteria na tumagos sa buto. Kapag nangyari 'yun (osteomyelitis), ang hirap na gamutin — kailangan ng napakatagal na IV antibiotics at malamang, surgery para tanggalin 'yung parte ng buto.

3. Hirap gumaling dahil sa diabetes.

· Walang pakiramdam (Neuropathy): Malamang hindi masyadong masakit, kaya baka ipagpatuloy maglakad, lalong pumasok 'yung dumi.

· Mahinang blood flow (Ischemia): Dahil sa diabetes, mahina ang daloy ng dugo. 'Yung ligament mismo, hindi din masyadong may blood supply, kaya hindi umabot nang maayos ang antibiotics at immune cells sa area.

· High blood sugar: Pinapahina nito ang mga white blood cell, kaya mahina ang laban ng katawan sa infection.

4. Kailangan na ng surgery.

· Hindi na enough ang wound cleaning at antibiotics lang. 'Yung exposed ligament, parang foreign body na na puno ng bacteria at biofilm (isang matibay na layer ng bacteria na resistant sa antibiotics). Kailangan na talagang tanggalin 'yun sa surgery (debridement) para magamot 'yung infection.

5. Pwedeng mauwi sa amputation.

· Kung hindi maagapan at kumalat nang malala, pwedeng kailanganin ng malaking surgery — tulad ng pagputol ng isang daliri at parte ng buto nito (ray amputation), o sa worst case, below-knee amputation.

So, ano ang dapat gawin kapag ganito ang sitwasyon?

Ito ay medical emergency para sa paa. Kailangan ng:

· Agad na pagpa-check sa surgeon (vascular, orthopedic or surgeon).

· MRI para makita gaano kalalim ang infection.

· Surgery para linisin at tanggalin ang infected na tissue at ligament.

· Huwag nang paa-paagusin ang paa (strict non-weight bearing).

· Posisibleng kailangan i-improve ang blood flow (revascularization).

In short: Ang exposed at infected na plantar ligament ay hindi ordinaryong sugat na lang. Senyales na 'yun na malalim at malala na ang infection, at kailangan ng agresibo at espesyalistang treatment para mailigtas ang paa.

09/12/2025

Improvised Offloading Technique for a Heel Wound in a Diabetic Patient

Congrats nay!!! Graduate na ulit sya!!! Take 2 eith Nurse Chill and Dr. Pavo Dr Marcelo M Chan Memorial Hospital Inc Sug...
09/12/2025

Congrats nay!!!

Graduate na ulit sya!!! Take 2 eith Nurse Chill and Dr. Pavo

Dr Marcelo M Chan Memorial Hospital Inc Sugat Clinic 2

Gagaling pa ba bedsore ko? Parati ito tinatanong sa akin at iisa lang naman ang sagot ko, DEPENDE SA KATAWAN MO!! Wala m...
09/12/2025

Gagaling pa ba bedsore ko?

Parati ito tinatanong sa akin at iisa lang naman ang sagot ko, DEPENDE SA KATAWAN MO!!

Wala makakapag sabi if when ito magsasara at ano ang magiging complication nito. Bagamat aral kami sa ganitong phasing pero mahirap pa rin mag conclude kung saan ito dadalhin. ANG MAHALAGA MAITAMA ANG EXPECTATION.

Ang trabaho natin sa pangunguna ng doctor ay alisin nya ang microbyo at i align ang sugat base sa sign and symptoms ng katawan habang sa dressing naman ay iapply ito ng naayon sa need at galaw ng sugat para magkaroon ng maayos na environment for healing.

Ang healing, sa may katawan pa rin. Lahat ng inaaplay natin sa sugat ay hindi para gumaling kundi para iassist ang katawan sa kanyang trabaho na mag repair.

Halimbawa, ang mga antiseptic na nabibili natin it will effectively clean the wound bed at alisin ang BIOFILM once malinis na ito ang susunod na galaw ay nasa katawan o immune system na.

Kapag sobrang dami fluids, nalulunod ang laman at balat kaya ang gagawin natin saluhin ito para tulungan ang katawan na mag repair.

Marami sa atin ang linggo, buwan ang iba taon na hindi pa nagsasara bago mag hingi ng payo paano idressing.

Ilan sa mga ginabayan natin at iba pinagagalitan natin dahil marami na tayo tinuro pero tila ginagawa pa rin ang nakasanayan kaya imbes umabante ay naatras ang healing.

Isang aspeto ng pag papagaling ng sugat ay presence of mind at masusing pag check ng pagbabago ng laman at buo environment ng sugat hindi mo kailangang maging nurse or expert kasi ang experience mo lalo sa bedsore ay nasa harapan mo na.

If wala sa puso mo ang paglilinis then mabagal o hindi susunod ang balat sayo.

Tandaan din natin ang result ay naka depende rin kung gaano kaagap ninyo pinatingin madalas nagmamadali kayo gawin ng lahat pero kapag nakita kona picture wasak na wasak na tissue bagamat hindi ako para sermunan kayo pero malaki ang factor na yun lalo kapag community o sa inyong bahay nagsimula ang sugat.

Since 2018 marami rami na tayo tinulungan at hanggang sa ngayon na amaze pa rin tayo sa mga pinapakita nila gaya ng bedsore na ito na 94 yrs old na.

Dapat uusad na but dahil sa isang pagkakamali na delay after natin pagsabihan kahit paano umusad na muli.

Salat din sila sa lahat pero sabi ko nga kapag may puso at dedication kakayanin naman natin.

Kung kaya ng anak ni nanay eh bakit hindi nyo rin kakayanin? Late post na po ito 😎🥰

Need lang ayusin at pagtulungan ang pag aayos ng cleaning at coordination sa doctor.

Basta ang payo ko lang hindi lahat ng pagkakataon ay gumagaling ang sugat dahil sa maraming dahilan, ang mahalaga ang hirap, pagod at pag pupursige na iahon ito mula sa pangit na state papunta sa nakaka aya at humane na estado na kung ano man ang outcome hindi mo iispin na wala ka ginawa.

Ingat mga ka sugat!!!

Offloading sa Heel sugatIsa itong concept na hindi pa tinuturo o hindi pa aware ang ating kababayan at lalo ang ating mg...
08/12/2025

Offloading sa Heel sugat

Isa itong concept na hindi pa tinuturo o hindi pa aware ang ating kababayan at lalo ang ating mga nurses.

If susundin natin ang evidence medyo may kamahalan ang presyo though if kaya naman financially we recomend buying this na gagamitin habang nagpapagaling.

If walang pambili since PINOY tayo kaya gagawan natin ng paraan ang bagay bagay na aakma sa ganitong concept, gamitan ng sanitary napkin para ma balance ang pagtayo at maiwasan ang pressure sa heel side.

Isa sa condition at mechanism kasi ng healing dapat hindi ma traumatize para di maistorbo ang tissue at magawa nito ang repair which of course marami pang dahilan why na delay na need ma identify.

Abangan natin ang susunod na update.

Langgas Wound Care Center

Thank you CDC, College of Nursing headed by Dean Diosdado G. Manaloto, MAN, RN for taking time to be there from start to...
07/12/2025

Thank you CDC, College of Nursing headed by Dean Diosdado G. Manaloto, MAN, RN for taking time to be there from start to finish and agreeing in most of the key clinical features of what im talking.

To all our nursing students, BSN 4th Year.... almost 400 students (nagulat ako gaano kayo karami) participated, hoping you will practice what you've learn but make sure to always consult and validate to your clinical instructor before implementing anything lalo may kinalaman sa wound care. Learn to observe and be humble and seek more knowledge. Your priority is to graduate and pass the NLE.

My bad for using food reference in assessing wound bed since ito ang alam ko na tatatak sa isip nyo to be different in your clinical duties, as always MOZZARELLA CHEESE is a hit!

The positive side of this invitation i was recommended by your clinical instructor na nagkaroon na exposure sa aming training kaya i know, malaki ang gagampanan nila to supplement and guide you.

Thank you sa mga clinical instructor natin sa support and time to be there as well, much appreciated po :)

Bihira ako makapansin sa technical, but congrats at now naintindihan ko how frustrated you were noong bumagyo at hindi tayo natuloy... dahil ganda ng graphics and organize lahat pati design at pathway and orientation, congrats team, headed by SN Gia Muyco, Group Leader for always updating me sa event at sa lahat ng usherrete and technical team..ipagpatuloy lang ang galing at talas ng pag iisip.

Ingat ang happy sunday mga ka sugat!!!

May evidence ba na mas okay isama ang wound management habang nag aaral ng nursing? Yes, there is substantial evidence. ...
06/12/2025

May evidence ba na mas okay isama ang wound management habang nag aaral ng nursing?

Yes, there is substantial evidence. Incorporating a comprehensive, hands-on wound care curriculum for nursing students provides a direct benefit by:

· Building a strong foundation of knowledge and confidence.
· Enabling the accurate assessment and management of wounds.
· Translating directly into clinical skills that prevent harm (like pressure injuries) and promote healing.

The translation is most effective when the academic curriculum is intentional, evidence-based, simulation-supported, and aligned with clinical partnerships. The strongest outcomes occur when hospitals continue this education into orientation and ongoing professional development, reinforcing and building upon the foundation laid in nursing school. Investing in wound care education at the student level is a proactive strategy to improve patient outcomes and empower the next generation of nurses.

Thats why ginagawa natin ito para habang maaga matuto sila.

See you tomorrow!!!

LIbreng Wound Care Services Basta active ang PHILHEALTH Dr Marcelo M Chan Memorial Hospital Inc Sa mga ka sugat natin li...
05/12/2025

LIbreng Wound Care Services Basta active ang PHILHEALTH Dr Marcelo M Chan Memorial Hospital Inc

Sa mga ka sugat natin living within the area of few parts maari po kayong magpunta dun.

Huwag nyo na idaing ang sugat at kimkimin at mag check na agad dun. Nurse Chill and Dr. Pavo will be there para iassist kayo. Please share this post para malaman ng ibang nasa area na naghihirap sa kanilang sugat.

Collaboration is the KEY!!! Dr Pavo and Nurse Chill for Sugat Clinic 2, Dr Marcelo M Chan Memorial Hospital Inc Congrats...
04/12/2025

Collaboration is the KEY!!!

Dr Pavo and Nurse Chill for Sugat Clinic 2, Dr Marcelo M Chan Memorial Hospital Inc

Congrats po!!! Enjoy your sugat FREE days 🥳

Address

Manila

Telephone

+639661867244

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mr WOUND posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Mr WOUND:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram