06/05/2024
: PANALO ANG BAKUNADO SA OCCIDENTAL MINDORO!
Pinangunahan ni Assistant Secretary Gloria J. Balboa at ng Center for Health Development ng Region IV-B ang pakikilahok ng isang komunidad ng Mangyan sa Barangay Monteclaro, San Juan, Occidental Mindoro sa “Chikiting Ligtas 2023”, na naglalayong protektahan ang mga bata laban sa measles, rubella, at polio.
Katuwang ni Assistant Secretary Balboa ang Philippine Medical Association at Philippine Pediatric Society ng Occidental Mindoro Chapter. Nagpakita ng suporta sa aktibidad na ito ang lokal na pamahalaan ng San Juan, Occidental Mindoro na pinangunahan ni Mayor Rey Lagada.
Sa pamamagitan ng malawakang pagbabakunang ito, tayo ay nakagagawa ng hakbang upang maiwasan ang outbreak ng mga vaccine-preventable disease.