Bo. Magsaysay Health Center

Bo. Magsaysay Health Center Manila Health Department (MHD) - Health Center

12/04/2026

ADVISORY: MAGSUOT NG FACE MASK SA PAGLABAS NG BAHAY ๐Ÿ˜ท

Inaabisuhan ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department ang lahat ng Manileรฑo na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay, alinsunod sa patuloy na pagmomonitor sa kalagayan ng kalidad ng hangin sa Kapitolyo ng bansa.

Batay sa Air Quality Index (AQI) mula sa apat na monitoring locations sa ilalim ng Hinga Maynila Program ngayong Abril 11, 2026, alas-5:00 ng hapon, naitalang nasa โ€œFairโ€ ang Anda Circle, San Sebastian Residences, at Sta. Ana Hospital, habang ang Puregold Tayuman ay nasa antas na โ€œUnhealthy for Sensitive Groups.โ€

Dahil dito, maaaring makaranas ng hindi magandang epekto sa kalusugan ang mga kabilang sa sensitibong sektor, lalo na ang mga bata, senior citizens, buntis, at mga may iniindang sakit sa baga, puso, o hika. Pinapayuhan ang mga may respiratory illness tulad ng asthma na iwasan o limitahan ang outdoor activities sa mga lugar na apektado ng UFSG level ng hangin.

Ayon sa monitoring, maaaring maiugnay ito sa makapal na usok mula sa nagpapatuloy na sunog sa Navotas Sanitary Landfill, na umaabot sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan.

Pinapayuhan ang publiko na maging maingat, limitahan ang matagal na pananatili sa labas kung hindi kinakailangan, at ugaliing magsuot ng face mask bilang pag-iingat laban sa masamang epekto ng maruming hangin.

Patuloy pong minomonitor ng mga kinauukulang tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng bawat Manileรฑo.


21/03/2026

#๐™๐˜ฝ๐™๐™ง๐™š๐™š?๐Ÿง ๐™ƒ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™œ ๐™—๐™–๐™จ๐™ฉ๐™– ๐™ช๐™ข๐™–๐™จ๐™– ๐™จ๐™– ๐™๐™ช๐™ก๐™– ๐™–๐™ฉ ๐™–๐™ ๐™–๐™ก๐™–. ๐™‹๐™–-๐™˜๐™๐™š๐™˜๐™  ๐™ ๐™– ๐™‡๐™๐™‰๐™‚๐™Ž!โœ๏ธ

Ang X-ray ay isa sa pinakamabilis at epektibong paraan para makita kung may TB ang isang tao kahit wala pang sintomas. Sa pamamagitan nito, maagang natutukoy ang impeksyon, maagang nasisimulan ang gamutan, at mapoprotektahan ang pamilya at mga taong malapit saโ€™yo.

Maagang pagsusuri ang sagot upang maagapan ang TB bago ito lumala at kumalat.

๐Ÿฅ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ ๐—ซ-๐—ฟ๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ถ๐—ด๐˜‚๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐˜‚๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐˜‚๐˜€๐—ผ๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด๐—ฎ! I-scan ang QR code para malaman ang pinakamalapit na TB-DOTS facility sa inyong lugar.


-FreeGeneration

28/01/2026

๐ŸŒŸOPERATION TIMBANG PLUS (OPT+) 2026๐ŸŒŸ

Para sa mas malusog, mas ligtas, at mas matibay na kinabukasan ng mga batang Maynila ๐Ÿ’™

Isinasagawa ang Operation Timbang Plus 2026 para sa mga batang 0โ€“59 buwang gulang, kung saan sinusukat at sinusuri ang timbang at tangkad ng mga sanggol at bata upang matukoy ang kanilang kalagayan sa nutrisyon. Kasama rin dito ang payong pang-nutrisyon, Vitamin A supplementation, at deworming.

๐Ÿ“ Sama-sama nating siguraduhin na walang batang Maynila ang mapag-iiwanan pagdating sa kalusugan at nutrisyon.

๐Ÿ‘ถ๐Ÿ‘ง Dahil ang malusog na bata ngayon ay malakas na Maynila bukas.

Board by: Rocky Jehu Lenciano




26/01/2026

INGAT SA LAMIG! ๐ŸŒฌ๏ธ

Cooler weather can increase the likelihood of flu-like illnesses. Hereโ€™s how to protect yourself.

READ RELATED STORY: https://inqnews.net/flulikersv

24/01/2026
23/01/2026

๐Ÿ“ข PAANYAYA SA LAHAT NG RESIDENTE NG MAYNILA ๐Ÿ“ข

๐Ÿชฑ LIBRENG DEWORMING / PAGPUPURGA ๐Ÿชฑ

Ang City of Manila โ€“ Manila Health Department, Health Education & Promotion Unit ay nag-aanyaya sa lahat ng mga magulang at kabataan na makiisa sa Deworming o Pagpupurga upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga anak laban sa mga bulate sa tiyan.

๐Ÿ“… Kailan: January 26โ€“30, 2026

Sino ang maaaring magpa-deworming?
โœ”๏ธ Lahat ng batang 1โ€“4 taong gulang
โœ”๏ธ Out-of-School Youth na edad 5โ€“19 taong gulang

๐Ÿ“ Saan:
๐Ÿ‘‰ Pinakamalapit na Health Center sa inyong lugar

๐Ÿ’Š Ang deworming ay ligtas at mahalaga upang maiwasan ang:
- Pananakit ng tiyan
- Panghihina at pamamayat
- Anemia
- Pangangati ng puwit
- Pagsusuka at iba pang komplikasyon dulot ng bulate

๐Ÿ‘ฉโ€โš•๏ธ Sundin ang payo ng health worker at samantalahin ang libreng serbisyong ito para sa mas malusog na kinabukasan ng ating kabataan.

๐Ÿ“ฃ Makilahok, magbahagi, at ipaalam sa kapamilya at kapitbahay!
๐Ÿ’™ Sama-sama nating panatilihing malusog ang bawat Manileรฑo.





13/01/2026

Para sa kaligtasan ng pamilya at komunidad:
Ang ๐…๐‹๐” o ๐“๐‘๐€๐๐†๐Š๐€๐’๐Ž ay madaling makahawa, pero madaling maiwasan kung tayo ay may tamang kaalaman.

๐Ÿ’™ ๐‘บ๐’‚๐’Ž๐’‚-๐’”๐’‚๐’Ž๐’‚ ๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’‘๐’“๐’๐’•๐’†๐’Œ๐’•๐’‚๐’‰๐’‚๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’‚๐’๐’–๐’”๐’–๐’ˆ๐’‚๐’ ๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’˜๐’‚๐’• ๐‘ด๐’‚๐’๐’Š๐’๐’†๐’๐’!



11/01/2026

๐’๐ข๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ, ๐„๐ง๐ž๐ซ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐›๐š๐ญ๐š๐ง๐  ๐Œ๐š๐ง๐ข๐ฅ๐ž๐งฬƒ๐จ ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐๐š๐ฒ๐œ๐š๐ซ๐ž ๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ซ ๐š๐ฒ ๐ฆ๐š๐›๐ข๐›๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐ˆ๐‹๐Š.

Pero ano nga ba ang ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐ˆ๐‹๐Š?

Ang ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐ˆ๐‹๐Š ay isang pasteurized milk supplement para sa mga daycare students na tumutulong sa tamang paglaki at kabuuang kalusugan ng mga bata sa murang edad.

Taglay ng ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐ˆ๐‹๐Š ang mahahalagang sustansya para sa bata:

โ€ข ๐๐ซ๐จ๐ญ๐ž๐ข๐ง โ€“ tumutulong sa paglaki ng katawan, pagpapatibay ng kalamnan, at pagpapalakas ng resistensya laban sa sakit.

โ€ข ๐•๐ข๐ญ๐š๐ฆ๐ข๐ง ๐€ โ€“ mahalaga para sa malinaw na paningin at proteksyon ng katawan laban sa impeksyon.

โ€ข ๐‚๐š๐ฅ๐œ๐ข๐ฎ๐ฆ โ€“ nagpapalakas ng mga buto at ngipin ng bata.

โ€ข ๐ˆ๐ซ๐จ๐ง โ€“ tumutulong sa pagbuo ng malusog na dugo at nagbibigay lakas at enerhiya para sa pagkatuto.

Sa tulong ng ๐˜๐Ž๐‘๐Œ๐ˆ๐‹๐Š, masusuportahan ang nutrisyon ng mga batang daycare. ๐‘ซ๐’‚๐’‰๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐‘ด๐’‚๐’š๐’๐’Š๐’๐’‚, ๐‘ฉ๐’‚๐’•๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’๐’–๐’”๐’๐’ˆ ๐’‚๐’• ๐’Ž๐’‚๐’š ๐’•๐’‚๐’๐’Š๐’๐’.


03/01/2026

Address

300 Herbosa Street, Tondo
Manila

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bo. Magsaysay Health Center posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share