Endocrine Witch

Endocrine Witch Ako po si Dr. Iris Thiele Isip Tan aka Dok Bru (Endocrine Witch). Ang lahat ng impormasyon dito sa a I do not presume to give you medical advice.



This page is connected to my blogs at http;//www.endocrine-witch.net and http://www.dokbru.endocrine-witch.net. The blogs contain my individual thoughts and opinions as well as links to other sources of useful information. It does not represent the thoughts, intentions or plans of the institutions I am affiliated with. Comments on the blogs and on this FB page are the sole responsibility of their writers and the writer will take full responsibility, liability, and blame for any libel or litigation that results from something written in or as a direct result of something written in a comment. The accuracy, completeness, veracity and honesty of the comments are not guaranteed. Please be advised that though I am a licensed physician, all the information provided on my blogs and on this FB page is intended for general knowledge only and is not a substitute for medical advice or treatment for any symptom, disease or condition. Reading this FB page or my blogs does not in any way make you my patient. Whatever I write here is not intended to take the place of your own doctorโ€™s advice nor is it intended to diagnose, treat, cure or prevent any symptom, disease or condition. I urge you to discuss whatever information you get from this FB page and my blogs with your own doctor. The information contained on this FB page and on my blogs is presented as is and is for informational purposes only. endocrine-witch.net makes no representations as to accuracy, completeness, timeliness, suitability, or validity of any information on this site and will not be liable for any errors, omissions, or delays in this information or any losses, injuries, or damages arising from its display or use. I am often unable to update this blog as often as I wish I could. I urge you to consult your doctor immediately for any health issues. The information contained on endocrine-witch.net should not be considered complete and hence it cannot take the place of a visit, call, consultation or advice of your doctor. If you have come to this FB page or my blogs seeking medical advice, please consult instead with a licensed physician. Never disregard medical advice or delay in seeking it because of something you may have read here or elsewhere on the Internet.

Kakatapos lang po ng clinic. Ang sweet talaga ng mga patients :) nagbibigay ng mga sweets sa doktor nilang binabawalan s...
17/02/2025

Kakatapos lang po ng clinic. Ang sweet talaga ng mga patients :) nagbibigay ng mga sweets sa doktor nilang binabawalan silang kumain ng matamis ๐Ÿ˜…. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala, ube flakes! Aba, at limited edition pa pala ito.

Ang una ko pong hinahanap sa any packaged food ay kung may nutrition information. Para malaman ko po sana ilang calories, ilang carbohydrates, ano ang recommended serving size. Sadly, wala. Pero kung sabagay, alam na this hahaha.

Nakita ko lang po ito online ๐Ÿ˜….Happy Heartsโ€™ Day sa lahat!
14/02/2025

Nakita ko lang po ito online ๐Ÿ˜….
Happy Heartsโ€™ Day sa lahat!

Marami bang naSharon nung Pasko?Malalim pala ang ugat ng tradisyon na ito.Talagang napakaimportante ng pagkain sa ating ...
13/02/2025

Marami bang naSharon nung Pasko?
Malalim pala ang ugat ng tradisyon na ito.
Talagang napakaimportante ng pagkain sa ating mga Pinoy kaya yan ang madalas tanungin kapag nagkakasakit - Dok, anong bawal kainin?

Ang nasa picture ay pancit palabok. Paborito ko po yan.

Basahin dito sa link kung bakit maSharon tayong mga Pinoy. https://opinion.inquirer.net/180767/to-sharon-from-a-cultural-perspective?fbclid=IwY2xjawIaK75leHRuA2FlbQIxMQABHXc-t1n88XeyH_ZJTnt6rTFkSSRVpaDtvStcYBfFMUfyLFr_F6LpJyBC_g_aem_TttBp0Y7VQ0wWulgCXKggw

Ang pinakamalaking clinical trial tungkol sa diabetes remission ay ang DiRECT sa UK. May 2024 update po dito sa kanilang...
11/02/2025

Ang pinakamalaking clinical trial tungkol sa diabetes remission ay ang DiRECT sa UK. May 2024 update po dito sa kanilang website. https://www.directclinicaltrial.org.uk
Nireport po nila ang results ng 5 years.

Napaliwanag ko po dati yung 1 year results ng DiRECT dito sa post na ito https://fb.watch/xF-jsoz71G/?.

The Rank Prize for Nutrition, usually awarded every two years, is reckoned the worldโ€™s most prestigious prize for research in nutritional sciences. The 2024 prize was awarded to the leaders of the DiRECT trial, Professors Mike Lean and Roy Taylor, at a ceremony in the Royal College of Physicians o...

10/02/2025

May CURE ba for ? Abangan ang mahabang explanation ko sa comments.

DISCLAIMER: Luma na itong slide na ito at di ko pa na-update kaya may mga gamot para sa diabetes na hindi nakasama dito....
08/02/2025

DISCLAIMER: Luma na itong slide na ito at di ko pa na-update kaya may mga gamot para sa diabetes na hindi nakasama dito.

Ang mahalagang takeaway dito, ang mga gamot sa diabetes ay ginagamit in combination para tugunan ang iba't ibang dahilan kung bakit tumataas ang asukal sa dugo ng mga may diabetes.

Anyway, eto na ang signal para magtanong kay Dok Bru tungkol sa gamot. Huwag lamang po tungkol sa dose adjustment ha o kung ititigil o sisimulan, dahil ang mga ganyang tanong tanging ang inyong doktor lamang ang makakasagot.

Kung tutuusin kaya pa ... peksman ๐Ÿ˜‚.Kaso may Zoom meeting na ako in 30 minutes. Ayoko namang hinihingal sa pagsasalita, ...
08/02/2025

Kung tutuusin kaya pa ... peksman ๐Ÿ˜‚.
Kaso may Zoom meeting na ako in 30 minutes. Ayoko namang hinihingal sa pagsasalita, kakahiya!

Sa mga pasyenteng sinasabihan ko na "walk 10,000 steps" para pumayat, eto lang talaga, please do as I say and not as I do ๐Ÿ˜…. But I promise to do better. Di ba nga, "walk the talk."

At tingnan ninyo so mahigit trenta minutong paglalakad ko, 120 calories lang ang na-burn. Aba lagpas lang ng ilang butil yun sa kalahating tasang kanin.

Ngayon ko lang sinubukan itong app sa phone ko. Aba, mahinto lang nang kaunti may warning kaagad, "workout paused." Eto na po, lalakad na. Tapos may pa-update pa siya, "1 km reached." Kung sabagay dahil sa inis ko sa boses na yan ay tinuloy ko pa ang paglalakad ๐Ÿ˜œ.

Lunch ko kanina. Summer salad ang tawag dito. May madahong gulay, keso, sibuyas, ham, nuts, at peaches. Ang dressing ay ...
02/02/2025

Lunch ko kanina. Summer salad ang tawag dito. May madahong gulay, keso, sibuyas, ham, nuts, at peaches. Ang dressing ay strawberry vinaigrette. Tama lang na wala nang kanin at may carbohydrates na dun sa peaches. May carbo, protein, at fiber so pasok na rin sa pinggang pinoy.

31/01/2025

Sabi ng pasyente sa akin, "Dok, kilala mo ba yung Dok Bru na lagi kong nakikita ang mga posts ngayon sa Facebook?" ๐Ÿ˜…

MGA LAB TEST PARA SA GOITERNi Dr. Iris Thiele C. Isip TanKapag nagpatingin kayo sa doktor para sa thyroid ay titingnan a...
31/01/2025

MGA LAB TEST PARA SA GOITER
Ni Dr. Iris Thiele C. Isip Tan

Kapag nagpatingin kayo sa doktor para sa thyroid ay titingnan at hahawakan niya ang inyong leeg. Papalunukin ka niya habang ineeksamen ang leeg dahil ang thyroid gland ay umaakyat baba kapag lumulunok. Kung may bukol sa leeg na nasa loob ng thyroid, ito rin ay aakyat at baba sa paglunok. Kung hindi gumagalaw ang bukol sa leeg sa paglunok, malamang nasa labas ito ng thyroid gland.

Ano ang mga lab tests na puwedeng ipagawa ng doktor?

THYROID FUNCTION TESTS. T3, T4, TSH. Puwede ring free T3, free T4 o FT3, FT4. Ang T3 ay short for triiodothyronine. Ang T4 ay short for thyroxine. At ang ibig sabihin ng TSH ay Thyroid Stimulating Hormone. Sa pamamagitan ng blood tests na ito ay malalaman kung sobra, kulang o tama lang ang produksyon ng thyroid hormones sa katawan.

ULTRASOUND. Sound waves lang po ang gamit dito para makita ang hugis at laki ng thyroid gland. Dito malalaman kung may bukol sa thyroid gland. Sa pamamagitan ng ultrasound ay makikita kung ang bukol ay cyst (bukol na tubig lamang ang laman), solid (laman) o complex (magkahalong tubig at laman). Nasusukat din ang laki ng bukol (thyroid nodule) para masabi kung kailangan bang i-biopsy ang bukol. Makikita rin sa ultrasound ang ibang mga senyales na baka cancerous ang bukol pero ang biopsy lamang at hindi ang ultrasound ang makakapagpatunay dito.

FNAB. Short for fine needle aspiration biopsy. Isang pinong karayom ang ginagamit para kumuha ng konting laman mula sa bukol para malaman kung ito ay cancerous o hindi. Hindi na kailangan ng anesthesia kasi kahalintulad ito ng pagkuha ng dugo โ€“ yun nga lang sa leeg ang tusok kung nasaan ang bukol. Kadalasan ang bukol ay nakikita o nasasalat kaya madali itong matusok. Kung ang bukol ay di gaanong nakakapa o kung may tubig na laman, minsan ay gumagamit ng ultrasound para matusok at makuhanan ng sample ang laman na bahagi (solid) ng bukol para maging mas accurate ang resulta ng biopsy. Mas mahal ang FNAB kapag ito ay ultrasound-guided. Isang pathologist ang magbabasa ng biopsy. Ang gumagawa naman ng biopsy ay puwedeng isang endocrinologist, siruhano, radiologist o pathologist din.

THYROID SCAN. Kung ang TSH ay hindi normal, puwedeng magpagawa ng thyroid scan ang doktor. Iba ito sa ultrasound. May iniiniksyon na kemikal para mas makita nang mabuti ang thyroid. Kung ang ultrasound ay nagsasalarawan kung ano ang hitsura (anatomy) ng thyroid, ang scan naman ay functional picture. Umiilaw o lumalabas sa scan ang mga bahagi ng thyroid na gumagana at hindi naman umiilaw o hindi lumalabas sa scan picture ang mga bahagi ng thyroid na hindi gumagana.

Huwag mag-alinlangang magtanong sa inyong doktor tungkol sa mga lab tests na pinapagawa upang mas maintindihan ninyo ang inyong sakit.

Thyroid 101Ni Dr. Iris Thiele C. Isip TanKapag may hinala na may problema sa thyroid, kasama sa pinapagawa ng doktor ang...
29/01/2025

Thyroid 101
Ni Dr. Iris Thiele C. Isip Tan

Kapag may hinala na may problema sa thyroid, kasama sa pinapagawa ng doktor ang thyroid hormone tests: T3, T4 (minsan FT4) at TSH. And T3 at T4 ay thyroid hormones. Ang ibig sabihin naman ng TSH ay Thyroid Stimulating Hormone. Sa pamamagitan ng tests na ito ay masasabi kung ang pasyente ay:

1. EUTHYROID. Ibig sabihin normal ang level ng thyroid hormones. Posibleng may bosyo o bukol sa thyroid ang pasyente pero normal ang thyroid hormone levels niya.

2. HYPERTHYROID. Mataas ang level ng thyroid hormones, T3 at T4. Posibleng walang bukol sa leeg pero hyperthyroid.

3. HYPOTHYROID. Mababa ang level ng thyroid hormones, T3 at T4. Puwedeng hypothyroid at may goiter. Puwedeng mag-hypothyroid kung umiinom ng gamot na pang-hyperthyroid at hindi nagpa-follow up kaya nasosobrahan na ng gamot. Puwede ring maging hypothyroid pagkatapos ng radioactive iodine (RAI), na gamot sa pagiging hyperthyroid. Kung naoperahan at natanggal ang buong thyroid, wala nang gland na gagawa ng thyroid hormones kaya nagiging hypothyroid din.

Mahirap mag-diagnose ng sarili kung may thyroid problem dahil may ibaโ€™t ibang klaseng sakit sa thyroid. Dapat din na tuloy tuloy ang pag-follow up sa doktor dahil ang level ng thyroid hormones ay mino-monitor at puwedeng mag-iba. Puwedeng magsimula na sobra ang thyroid hormones (HYPERthyroid) at pagkatapos ay maging kulang naman (HYPOthyroid).

28/01/2025

Magandang Martes sa lahat! awareness week pa din. May tanong ba kayo tungkol sa goiter? Try kong sagutin.

27/01/2025

Awareness Week! Magtanong kay Dok Bru. Subukan kong sagutin.

Hello po! Buhay pa si Dok Bru ๐Ÿ˜…. Tagaktak ng pawis sa paglalakad.
25/01/2025

Hello po! Buhay pa si Dok Bru ๐Ÿ˜…. Tagaktak ng pawis sa paglalakad.

Basahin po natin ang petisyon na ito at kung sang-ayon kayo ay idagdag ang inyong pirma sa mga humihiling kay Pangulong ...
20/12/2024

Basahin po natin ang petisyon na ito at kung sang-ayon kayo ay idagdag ang inyong pirma sa mga humihiling kay Pangulong BBM na huwag payagan ang zero budget ng Philhealth.

Para sa akin, sana po ay magkaroon ng outpatient benefits ang mga may diabetes. Ang numero unong dahilan ng pagdadialysis ay pagkasira ng mga kidneys nang dahil sa diabetes.

Sa bawat clinic day ko po ay lagi na lang may nagpapagawa ng medical certificate para makakuha ng pera kay Mayor o Cong. Lagi ko pong sinasabi sa mga pasyente, ok po ... kunin po natin ang pera natin. Di po yan galing kay Mayor o Cong. Pera yan ng taong bayan. Kung maging Philhealth benefits sana ito tulad ng libreng gamot o lab tests ay marami pong matutulungan, at hindi na kailangang magmakaawa sa mga politiko.

Pangulong Bongbong Marcos, Pigilan ang Maling Prayoridad sa 2025 Budget!

Mula po ito sa PCEDM - JOIN US IN SPREADING AWARENESS ABOUT DIABETES! Sali na sa ANONG KUWENTONG DIABETES MO? VLOG CONTE...
30/10/2024

Mula po ito sa PCEDM -

JOIN US IN SPREADING AWARENESS ABOUT DIABETES!
Sali na sa ANONG KUWENTONG DIABETES MO? VLOG CONTEST and get a chance to win P5,000.
Submit your entry on or before November 5, 2024.
Check the poster for more details.




https://www.facebook.com/share/p/GmTmH1kADtF9SAFW/

Ipagdasal po nating lahat si Dr. Willie Ong! Sana ay dugtungan pa ng Diyos ang kanyang buhay. Sobrang lungkot po na maki...
16/09/2024

Ipagdasal po nating lahat si Dr. Willie Ong! Sana ay dugtungan pa ng Diyos ang kanyang buhay. Sobrang lungkot po na makita ko siyang ganito.

Nakilala ko po si Doc Willie nung ako ay residente pa lamang ng internal medicine sa Philippine General Hospital nung 1997 at siya naman ay cardiology fellow. Kahit noon pa ay napakatulungin na niya sa mga pasyente. Dati din po ay tumutulong kaming mag-asawa sa regular free clinic ni Doc Willie at Doc Liza sa Leveriza fire station.

Itong page ko ay nagsimula noong 2012. Salamat kay Doc Willie kasi kaya po dumami ang followers ko dahil ang mga posts ko po ay sine-share niya. Nagcongratulate pa nga siya sa akin nung umabot ako ng 100,000 followers.

Nakalakip sa post na ito ang ilan naming mga pictures. Yung group picture po ay nung inimbitahan niya ang mga doktor na may mga pages sa kanyang bahay. Andyan sa picture si Dr. Carlo Trinidad na noong panahon na yun ay sinamahan ang kanyang wife na si Dr. Mere na may page tungkol sa kanser. [Yung picture ko na nakagown kasama si Doc Willie at Doc Liza, nagninang ako sa kasal nung dalawa.] Sabi ni Doc Willie kay Dr. Trinidad, magsimula ka na din ng page dahil wala pa tayong nephrologist, at yun nga ang nangyari kalaunan. Sabi sa akin ni Doc Willie, maghanap ka pa ng ibang espeyalista na makakatulong dito sa Facebook dahil maraming nangangailangan ng impormasyon tungkol sa kanilang mga sakit.

Yung natirang photos naman ay nung tumanggap ako ng award as Health Exemplar sa Health and Lifestyle Magazine, dahil ni-nominate ako ni Doc Willie.

Address

Taft Avenue
Manila
1000

Opening Hours

Monday 1pm - 5pm
Tuesday 10am - 12pm
Wednesday 1pm - 5pm
Thursday 1pm - 5pm
Friday 9am - 12pm

Telephone

+639218425323

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Endocrine Witch posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram