12/09/2013
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na mahirap ang trabaho sa ibang bansa. Nangungulila sa mga mahal sa buhay, nalulungkot at iba pa ang kadalasang hinaharap ng mga OFW.
Isang malaking karangalan sa Desertwealth International Services ang makapag bigay ng trabaho sa mga Pilipino para sa ikauunlad nila professional man o financial.
Lahat ng pagsubok at hamon sa larangan ng recruitment ay napagtagumpayan namin dahil sa inyo… MGA MAHAL NAMING APLIKANTE. Kung anuman ang narating at kinalalagyan namin sa ngayon, ito ay bunga ng mahusay na kontribusyon at pagtutulungan nating lahat.
Ngayon, ika-labindalawa ng Setyembre taong dalawang-libo labintatlo ay ang araw ng aming ika-dalawamput-walong Anibersaryo at gusto naming samantalahin ang pagkakataong ito upang ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat sa iyong patuloy na pagsuporta.
Sa aming pagpasok sa ikatlong dekada, kami ay dumudulog muli ng panibagong pagkakataon sa patuloy na paglago ng aming kumpanya at sa aming koponan, gayun din ang isang mabungang pakikipagtulungan sa inyong lahat.
Kami ay na sa susunod na sampung taon o higit pa ay patuloy naming maibigay ang serbisyong tunay at karapat-dapat para sa lahat.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat.