St. John Bosco Clinic Co.

St. John Bosco Clinic Co. Quality health services at low costs with LOVE

12/09/2025

Bakit fatty ang liver ko pero sa kanya pretty liver?

‼️DOH: PALAKASIN ANG TAMANG HANDWASHING KONTRA HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE SA MGA BATAPitong beses na mas mataas ang k...
03/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG TAMANG HANDWASHING KONTRA HAND, FOOT, AND MOUTH DISEASE SA MGA BATA

Pitong beses na mas mataas ang kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease ngayong taon kumpara noong 2024.

Panoorin ang paalala ni Sec. Ted Herbosa sa kahalagahan ng paghuhugas ng kamay kontra sa nasabing sakit.





25/08/2025

OPEN PO ANG CLINIC TODAY.

20/08/2025
11/08/2025

MGA KASO NG LEPTOSPIROSIS AT DENGUE, MAHIGPIT NA BINABANTAYAN NG DOH

Umabot sa 2,396 na kaso ng leptospirosis ang naitala ng Department of Health mula June 8 o isang linggo matapos ideklara ng PAGASA ang tag-ulan, hanggang August 7, 2025.

Kaugnay nito, naka alerto ang mga DOH Hospitals sa bansa at nagbukas na ang ilan ng mga leptospirosis fast lanes para mabilis na matignan ang mga pasyenteng dudulog ng konsultasyon.

Handa naman ang ahensya sa inaasahang pagtaas sa kaso ng leptospirosis matapos ang sunod sunod na pagbaha mula July 21 dulot ng habagat, bagyong Crising, Dante, at Emong.

Binabantayan din ng ahensya ang mga kaso ng dengue na umabot na sa 8,171 na kaso mula July 6 hanggang July 19.

Mas mababa ito ng 33% kumpara sa naitalang kaso sa huling linggo ng Hunyo—June 22 hanggang July 5, na nasa 12,166 na kaso.

Payo naman ng DOH, ‘wag maging kampante sa banta ng dengue—maaraw man o maulan.

Matatandaang sinabi ng ahensya Pebrero nitong taon na maaaring tumaas ang kaso ng dengue ngayong tag-ulan pero ano mang panahon ay pwedeng mangitlog ang lamok at makapagkalat ng sakit.

Paalala pa rin ng DOH na ugaliing isagawa ang 4Ts–taob, taktak, tuyo, at takip tuwing alas kwatro ng hapon para mapuksa ang mga pinamamahayan ng lamok lalo ngayong natapos ang ulan at maaaring may mga naipong tubig na pamamahayan ng lamok.





Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamum...
02/08/2025

Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamumuhay. 💊👍

Mula March 2024 hanggang March 2025, 88% ng mga PLHIV na naka-enroll sa antiretroviral therapy (ART) at sumailalim sa viral load test ay natukoy na virally suppressed. Patunay ito na ang tuloy-tuloy na ART para sa mga PLHIV ay nakatutulong para mas mabilis nilang maabot ang Undetectable = Untransmittable status.

Available ang ART services sa mga DOH HIV care facilities: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥





22/07/2025

Maulan na umaga! Ingat po tayong lahat!

06/06/2025

Panahon na naman ng tag-ulan ☔ kaya mas mabilis dumami ang lamok 🦟 na may dalang dengue!

Ipagpatuloy natin ang ating nasimulan na 4Ts tuwing Alas Kwatro 🕓: Taob 🪣, Taktak 💧, Tuyo 🌞, Takip 🛢️ — araw-araw gawin para iwas dengue at ligtas ang pamilya 👨‍👩‍👧‍👦!

Tandaan: kung walang lamok, walang dengue.





💥 Ang pinsala sa ulo ang pangunahing sanhi ng PAGKAMATAY sa mga banggaan at insidente ng mga motorsiklo dito sa Pilipina...
30/05/2025

💥 Ang pinsala sa ulo ang pangunahing sanhi ng PAGKAMATAY sa mga banggaan at insidente ng mga motorsiklo dito sa Pilipinas. 🧠💔

Maraming buhay ang nawawala dahil sa hindi pagsusuot ng tamang helmet.

✅ Siguraduhing DTI-certified ang helmet mo! Hindi ito gastos—ito’y proteksyon sa buhay mo.

Tag mo yung kakilala mong nagmomotor 🛵



26/05/2025

Ang thyroid ay maliit na glandula sa leeg na may malaking papel sa metabolismo, tibok ng puso, at enerhiya.

Marami ang may thyroid disorder pero hindi nila alam. Bantayan ang sintomas tulad ng pagkapagod, pagbabago sa timbang, at pamamanas sa leeg.

✔ Huwag balewalain ang sintomas
✔ Magpakonsulta sa health center
✔ Hikayatin ang pamilya’t kaibigan na magpa-check

💡 May PhilHealth Outpatient Package para sa thyroid tests—magtanong sa healthcare worker!

Isang paalala ngayong International Thyroid Awareness Week.





Kung hindi maagapan, ang diabetes ay maaaring magdulot ng:👁️ pagkabulag❗️ pagkasira ng bato  🫀 atake sa puso  🧠 stroke  ...
25/05/2025

Kung hindi maagapan, ang diabetes ay maaaring magdulot ng:

👁️ pagkabulag
❗️ pagkasira ng bato
🫀 atake sa puso
🧠 stroke
🦵 pagputol ng mas mababang bahagi ng katawan

Ang maagang pagtuklas at paggamot ay susi upang maiwasan ang mga ganitong komplikasyon.

19/05/2025

Sa panahon ngayon, ang HIV ay kayang-kaya nang maiwasan at ma-kontrol.

✅ Gumamit ng proteksyon gaya ng condom, lubricant, at PrEP.
✅ Gawing normal at regular ang pagpapa-HIV test.
✅ Sumunod sa tamang gamutan o antiretroviral therapy.

HIV is not a death sentence! Sa ating laban kontra HIV at AIDS, may pag-asa – dahil Bawat Buhay Mahalaga. 💖

Isang paalala ngayong International AIDS Candlelight Memorial Day. 🕯️




Address

065 C. P. Garcia Street Bo. Magsaysay, Tondo
Manila
1012

Opening Hours

Monday 10am - 5pm
Tuesday 10am - 5pm
Wednesday 10am - 5pm
Thursday 10am - 5pm
Friday 10am - 5pm
Saturday 10am - 5pm

Telephone

+639266983102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when St. John Bosco Clinic Co. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram