26/02/2026
Una sa lahat, linawin ko lang! ang larawan na ginamit ninyo ay kuha sa meeting ko sa sarili kong area.
Hindi masama ang magpa-meeting para magkaroon ng kalinawan sa mga malalabong usapan at mga plano para sa hinaharap. Mas mabuti ang nag-uusap kaysa nagbibintang.
Tungkol sa gig economy at βtumalβ:
Sa ganitong sistema, talagang may panahon ng mabagal at may panahon ng malakas. Supply and demand po ito. Walang kontrol ang kumpanya kung o-order ba ang customer,magpapa deliver o hindi. Naka base ang booking sa demand.
Tamang kita?
Kung ikukumpara sa minimum wage earner na fixed ang 8 oras na trabaho at may buwanang sahod, magkaiba ang sistema. Sa pagiging rider, ang kita ay naka-depende sa sipag, diskarte, oras na inilaan, at demand ng bookings. Hindi ito fixed salary setup.
Comprehensive insurance?
Ang motorsiklo ay personal na gamit ng rider. Ngunit pagdating sa insurance habang naka-online, may ibinibigay na proteksyon. May tatlong insurance na walang binabayaran ang rider/driver:
1. Accident insurance β walang ilalabas na pera sa private hospital kung naaksidente habang naka-online.
2. Life insurance β may benepisyo para sa pamilya kung sakaling may mangyari.
3. Hospital reimbursement β kung na confine at gumastos, may reimbursement depende sa coverage.
Due process?
Ang mga natatanggal ay kadalasang may paglabag sa guidelines ng platform, madalas fraud-related cases. Bago ma-deactivate, pinapatawag o sinu suspend muna para makapagpaliwanag. Ipinapakita ang mga violation at binibigyan ng pagkakataong sumagot.
Respeto?
Handang makinig ang management sa mga hinaing ng rider/driver sa tamang proseso at tamang forum. Sana pare-pareho tayong magpakita ng respeto,
lalo na kung ang nagko-comment ay hindi naman aktibong nasa platform.
Sa dulo, ang mahalaga ay maayos na usapan at tamang impormasyon. Hindi haka-haka, hindi galit kundi malinaw na dayalogo.
Dagdag ko lang.
Ilang taon na ba kayong nakikibaka? May naipanalo na ba kayong kaso laban sa Grab? Realtalk lang,kung meron, ilahad natin para alam ng lahat.
Sa totoo lang, kung may dapat tutukan, hindi lang kumpanya. Mas malaking usapin dito ang batas na dapat ginawa ng gobyerno para sa gig economy. Hanggaβt walang malinaw at konkretong batas para sa riders at drivers, mananatiling ganito ang sistema.
Tanong lang? karapatan ba talaga ang ipinaglalaban o may ibang agenda? Malapit na ang 2028. Sana malinaw sa lahat kung ano ang tunay na layunin.
Hindi masama ang magtanong. Hindi masama ang maglatag ng facts.
Ang mahalaga, hindi ginagamit ang riders para sa sariling interes.
Ka Truepa Rider