Healers Farm Health and Wellness Resort

Healers Farm Health and Wellness Resort A clinic for all kinds of injury Specialized in STROKE PATIENT / FROZEN SHOULDER /SCIATICA NERVE

28/03/2022
13/02/2022

Nahihilo o Benign Positional Vertigo
Payo ni Doc Willie Ong

Maraming dahilan ang pagkahilo. Pero ang isang pangkaraniwang dahilan ay ang Benign Positional Vertigo.
Kadalasan, ang matinding pagkahilo ay nag-uumpisa sa pag-gising sa umaga kung saan bigla kang uupo mula sa k**a. Ang biglang paggalaw ng ulo ang siyang dahilan. Nakakatakot ito sa pasyente pero hindi naman ito delikado.
Ang Benign Positional Vertigo ay isang problema sa tainga. Nasa tainga ang vestibular system kung saan nagmumula ang ating balanse at pag-galaw. Kung may dumi o impeksyon sa loob ng tainga (otolith), at puwede ito magdulot ng matinding pagkahilo. Tumatagal itong sakit ng ilang araw.
Heto ang puwedeng gawin:
1. Huwag igalaw ang ulo. Ipirmi lang na nakatingin sa harap. Huwag tumungo o lumingon muna.
2. Idilat lang ang mata at tumingin sa harap. Huwag muna matulog o ipikit ang mata dahil lalo kang mahihilo. Sa gabi na lang matulog.
3. Manood lang ng TV buong araw para maka-focus ang mata sa TV. Umupo lang buong araw at huwag hihiga.
4. Dahan-dahan lang sa pagtayo at paglakad patungo sa banyo at baka mawalan ka ng balanse. Humawak sa kasama o kapaligiran para hindi matumba.
5. Ang gamot sa Vertigo ay ang Betahistine 8 mg tablet, 3 beses sa maghapon. Inumin ang gamot ng 3 araw.
6. Sa mga nagsusuka o hindi makakain, uminom ng paunti-unti ng Oral Rehydrating Solution para hindi ma-dehydrate.
7. Sa pagkain, panatiliing nakatingin sa harap at huwag tutungo. Dahan-dahang isubo ang pagkain sa bibig. Puwede ang lugaw, saging at malambot na pagkain. Ganoon din sa pag-inom. Huwag din itungo ang ulo.
8. Sa pagtulog sa gabi, gumamit ng 3 unan para mataas ang iyong ulo sa katawan. Kapag humiga ka ng flat, doon mag-uumpisa muli ang pagkahilo.
9. Kapag gumaling ka na, dahan-dahan pa rin ang iyong paggalaw ng ulo para hindi bumalik ang vertigo. Good luck po.

28/01/2022

Frozen Shoulder: Masakit ang Leeg, Balikat at Likod Tips ni Doc Willie Ong at Doc Liza Ong sa Frozen Shoulder: Masakit na Balikat1. I-masahe ang ma...

21/01/2022

Best Treatment for DiabetesMga Dapat Malaman Para Gumaling sa DiabetesTips by Dr Ivy Amante (Endocrinologist) and Doc Willie Ong (Cardiologist-Internist) ...

21/01/2022
08/01/2022
welcome home chinise chicken to my healers farm   di nalaki kaya di nanakawin dahil wala sya masasalat na makakain dahil...
08/01/2022

welcome home chinise chicken to my healers farm di nalaki kaya di nanakawin dahil wala sya masasalat na makakain dahil di nalaki mabilis dumami di sakitin for sale

30/12/2021

Stroke Sa Kabataan
Health tip ni Doc Willie Ong

May tinatawag na “Stroke in the young” kung saan ang kabataan edad 40 pababa ay puwedeng ma-stroke.
Sa Pilipinas, pangalawa ang stroke sa 10 pangunahing sakit na nak**amatay. May 110 Pilipino ang nasasawi bawat araw dahil sa stroke.
Alamin natin ang mga posibleng dahilan nito:
1. Maling pamumuhay (unhealthy lifestyle) - Dahil maraming kabataan ay may mga bisyo tulad ng hindi masustansyang pagkain, sigarilyo at alak, mas maaga sila nai-stroke. Kahit edad 20 pa lang ay puwede nang magkasakit ng high blood pressure, diabetes, at sakit sa puso. Ito ang nagiging dahilan ng stroke.
2. Rheumatic heart disease – Ang rheumatic heart disease ay isang sakit kung saan nasisira ang balbula (heart valves) ng puso. Ang kadalasang sanhi nito ay ang simpleng tonsillitis, o impeksyon sa tonsils. Ang bacteria mula sa tonsils ay puwedeng lumipat sa balbula ng puso at sirain ito. Para magamot ang tonsillitis, nagbibigay ang doktor ng antibiotics tulad ng Amoxycillin capsules sa loob ng 7-10 araw.
3. Congenital heart disease – Ang mga batang may butas sa puso (ASD, VSD at Patent Foramen Ovale) ay posibleng ma-stroke din. Sa butas ng puso dumadaan ang mga nagbubuong dugo at ito ang nagdudulot ng stroke.
4. Illegal na droga tulad ng shabu at co***ne – Huwag gumamit ng droga. Ang shabu ay isang pangunahing sanhi ng stroke sa kabataan. Pinapataas ng shabu ang blood pressure at tibok ng puso. Kumikipot din bigla ang ugat sa puso at utak (spasm).
5. Sobrang ehersisyo – Kapag matindi ang iyong ehersisyo, siguradong tataas ang iyong presyon at bibilis ang tibok ng puso. Minsan ay hindi nakakayanan ang “pressure” ng mga ugat sa utak at pumuputok ito.
6. Pagbubuntis at may high blood – May mga buntis na tumataas ang presyon kapag lumalaki na ang sanggol sa sinapupunan.
7. Problema sa dugo – May mga sakit na nagpapalapot ng dugo ng pasyente, at nagdudulot ng stroke. Ang halimbawa ay ang protein S at protein C deficiency, at polycythemia vera.
8. Mainit na lugar - Kapag mainit ang panahon, maraming tao ang na-stroke. Umiwas sa araw mula 10 ng umaga hanggang 4 ng hapon.
May iba pang dahilan ng stroke sa kabataan tulad ng (1) abnormal na tibok ng puso (atrial fibrillation), (2) abnormal na ugat sa utak (cerebral aneurysm), (3) matinding migraine, at (4) oral contraceptive pills.
Para maging ligtas, magpa-check up ng regular sa inyong doktor.

Address

Mansalay
5213

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Telephone

+639510121685

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healers Farm Health and Wellness Resort posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Healers Farm Health and Wellness Resort:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram