17/11/2025
‼️ FAKE NEWS NA LIGTAS ANG V**E KAYSA SIGARILYO ‼️
Nagbabala ang DOH na ‘wag magpapaloko sa mga sinasabing marketing strategy ng v**e at iba pang novel ni****ne products.
Ayon mismo kay DOH Sec. Ted Herbosa, fake news na mas ligtas ang v**e kaysa sigarilyo.
Pinaiigting ng DOH ang mga inisiyatibo para protektahan ang mga Pilipino laban sa yosi at v**e.
✅ Patuloy na nilalabanan ng DOH ang sinasabi ng mga negosyante na mas ligtas ang v**e kaysa yosi. PAREHO ITONG MAPANGANIB SA KALUSUGAN.
✅ Pinalalakas ng DOH ang mga programa para matulungan huminto sa bisyo o ang mga cessation service sa mga health center at DOH hospitals.
✅ Bukas ang DOH Quitline 1558 para sa libre at propesyonal na tulong.