23/09/2022
Mula ng ipanganak ako ganito na po ang aming bahay hanggang sa noong nagkolehiyo ako ay naghanap ako ng marentahang bahay ay ganito rin ang aking nahanap na bahay.
Alhamdulillah masarap mamuhay na mahirap ang mahalaga tayo ay isang Muslim na sumasamba sa kaisahan ng Allah at nakakapagbahagi ng kaalaman sa islam sa mga tao,dahil ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang.
Ang Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wasallam ay puwede niyang hilingin sa Allah na maging mayaman at mamuhay ng marangya ngunit mas ninais niyang mamuhay na mahirap, ang kanyang higaan ay mula sa pinatuyong balat ng hayop at may kasamang balat ng puno ng datiles, minsan natutulog siya sa buhangin minsan naman ay sa lupa.
صَحيحِ البخاريِّ أنَّ عُمرَ بنَ الخطَّابِ دخَل عليه صلَّى الله عليه وسلَّم وهو في مَشرُبَتِه، فوَجَده نائمًا على حَصيرٍ ما بَيْنَه وبَيْنَه شَيءٌ، وتَحْتَ رَأْسِه وِسادَةٌ مِنْ أَدَمٍ حَشْوُها لِيفٌ، وقال عُمرُ: "فرَأيتُ أثَرَ الحَصيرِ في جَنْبِه، فبَكَيْتُ، فقال: ما يُبْكيكَ؟ فقُلْتُ: يا رسولَ اللهِ، إنَّ كِسْرى وقَيْصَرَ فيما هُما فيه وأَنتَ رَسولُ اللهِ. فقال: أمَا تَرضَى أن تَكونَ لهمُ الدُّنيا ولَنَا الآخِرَةُ؟"،
Naisalaysay ni Omar Bin Alkhattab - Kalugdan nawa siya ng Allah - nang siya ay pumasok sa bahay ng Propeta Muhammad Sallallahu Alayhi Wasallam habang siya ay nasa kanyang inuman, at natagpuan niya ang Sugo Ng Allah Sallallahu Alayhi Wasallam na natutulog sa banig na buhangin na walang anumang k**a sa pagitan nito, at ang kanyang unan ay gawa sa pinatuyong balat ng hayop na puno ng hibla o balat ng puno ng datiles, sinabi ni Omar Bin Alkhattab: Nakita ko ang bakas ng higaan niya sa kanyang tagiliran at ako ay napaiyak, at sinabi ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam : ano ang dahilan at ikaw ay umiiyak?
Sinabi ni Omar : O Sugo ng Allah, ang mga Romanian at Persian ay magaganda ang pamumuhay nila at natutulog sa mararangyang higaan samantalang ikaw ay Sugo ng Allah at natutulog sa ganyang higaan,
Sinabi ng Propeta Sallallahu Alayhi Wasallam : Hindi mo ba gusto na ang karangyahang pamumuhay ay para sa kanila dito sa Mundo at para naman sa atin sa kabilang buhay?
Hadith Albukhari