16/06/2025
ALERTO SA HIV: Protektahan ang Iyong Sarili, Pamilya, at Komunidad ‼️
Ayon sa pinakahuling datos, mayroong 565 kaso ng HIV sa BARMM. Sa bilang na ito, 176 ay mula sa Lanao del Sur, at 83 ay mula sa Marawi City. Isang malakas na panawagan ito para sa bawat isa sa atin na kumilos. Bilang mga Muslim, pananagutan natin ang pangangalaga sa ating sarili at sa ating kapwa. Ang ating katawan ay isang amanah mula kay Allah – isang biyayang dapat pangalagaan. Kaya’t nararapat lamang na tayo ay maging maalam, responsable, at mapagmatyag.
Ang HIV o Human Immunodeficiency Virus ay isang virus na sumisira sa immune system ng katawan. Kung hindi maagapan, maaari itong mauwi sa AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome), na lumalaban sa kakayahan ng katawan na protektahan ang sarili laban sa impeksyon. Mahalaga ang tamang kaalaman upang maiwasan ang pagkahawa.
Paano nahahawa ang HIV?
• Pakikipagtalik na walang proteksyon (walang condom)
• Paggamit ng karayom na ginagamit na ng iba
• Paglipat ng dugo, semilya, vaginal fluids, o gatas ng ina mula sa taong may HIV
• Mula sa ina patungo sa anak habang buntis, nanganganak, o nagpapasuso
Paano ito maiiwasan?
• Maging faithful sa partner o asawa. Huwag magpalit-palit ng kapareha.
• Gumamit ng condom tuwing makikipagtalik kung hindi sigurado sa sarili o kaparehas.
• Huwag gumamit ng karayom na gamit na ng iba
• Magpa-HIV test nang malaman kung ikaw ay positibo o hindi.
• Alamin ang HIV status mo at ng partner mo
Ang Islam ay nagtuturo ng disiplina at kalinisan. Tulad ng paalala sa Qur’an:
“At huwag kayong lumapit sa bawal na pakikipagtalik. Katotohanang ito ay isang kahalayan at masamang landas.” — Surah Al-Isra (17:32)
Bagaman wala pang lunas sa HIV, may Antiretroviral Therapy (ARV) na nagpapabagal sa virus na iinumin habang buhay. Sa tamang gamutan, maaaring mamuhay nang normal ang isang taong may HIV. Tratuhin sila ng maayos kahit may sakit sila dahil walang puwang ang diskriminasyon sa Islam. Dapat natin silang tanggapin nang may respeto, malasakit, at pag-unawa.
Tandaan:
• Hindi nakukuha ang HIV sa pakikipagkamay, pakikisalamuha, o pagyakap.
• Ang may HIV ay karapat-dapat sa respeto, suporta, at pag-aalaga.
• Ang pagtulong sa kapwa ay kapuri-puring gawain sa pananampalatayang Islam.
Sabi nga sa Qur’an:
“At kung ang sinuman ay nagligtas ng isang buhay, para bang iniligtas niya ang buong sangkatauhan.” — Surah Al-Ma’idah (5:32)
Huwag matakot – magpa-test, maging mapanuri, magpa-protekta!
📍 Alamin kung saan ang pinakamalapit na HIV testing center sa inyong lugar. Sa kaalaman at pananalig, kaya nating pigilan ang pagkalat ng HIV at mapanatili ang kalusugan ng ating komunidad. May libreng pagpapatest sa APMC at piling hospital sa Lanao del Sur.
🤲🏼 Du’a para sa Proteksyon at Kalusugan:
“Allahumma inni a’udhu bika minal-barasi, wal-jununi, wal-judhami, wa min sayyi’il-asqam.”
(O Allah, ako’y nagpapakupkop sa Iyo laban sa ketong, kabaliwan, ketong muli, at sa lahat ng masasamang karamdaman.)
— Hadith ni Abu Dawood