29/03/2025
⭕️ Hatol sa pagbabayad ng Zakâtul Fitr na cash?
⭕️ حكم إخراج زكاة الفطر نقداً ؟
Ang pagbibigay ng Zakâtul Fitr na pera ay hindi pinahihintulutan dahil ito ay salungat sa Sunnah ng Sugo ng Allâh ﷺ at ng mga Khulafâa Ar-Râshideen (sina Abubakr As-Siddiq, Umar Bin Al-Khattab, Uthmân Bin Affân at Ali Bin Abi Tâlib), na nagbabayad noon mula sa pagkain.
أن إخراج صدقة الفطر نقوداً لا يجزئ لأن ذلك مخالف لسنة رسول الله ﷺ والخلفاء الراشدين الذين كانوا يخرجونها من الطعام .
Ang Zakâtul Fitr ay binabayaran mula sa pagkain ng tao, tulad ng trigo, bigas, pasas, aqat, at iba pang tulad nito. Ito ay obligado para sa Muslim sa lugar kung saan inabutan siya ng paglubog ng araw sa huling araw ng Ramadhân. Pinahihintulutan din itong bayaran isang araw o dalawa bago ang Eid.
زكاة الفطر تخرج من جنس طعام الآدميين من البر والأرز والزبيب والأقط وغير ذلك ، وهي تجب على المسلم في المكان الذي يدركه فيه غروب الشمس في آخر يوم من رمضان ، كما يجوز إخراجها قبل العيد بيوم أو يومين .
Maaari itong ibigay mula sa ika-28 ng Ramadhân o ika-29 ng Banal na Buwan, at ang Zakat al-Fitr ay dapat ibigay sa mga kamay ng mga mahihirap na nangangailangan, o ibigay sa mga taong itinalaga nilang tumanggap nito.
يمكن البدء في إخراجها من يوم ٢٨ رمضان أو ٢٩ من الشهر الفضيل ، ويجب أن تسلم صدقة الفطر إلى أيدي الفقراء المحتاجين ، أو تعطى لمن وكلوه لتسلمها .
Ang Zakat al-Fitr ay itinalaga para sa lahat ng mga Muslim, lalaki at babae, matanda at bata, malaya at alipin, bilang saa’ (isang salop) ng pagkain, batay sa dalawang Saheeh (Bukhari at Muslim) mula sa Hadith ni Ibn Umar (kalugdan nawa silang dalawa ng Allâh), na nagsabi: ❝Ang Sugo ng Allâh ﷺ, ay nagpataw ng Zakâtul Fitr mula sa Ramadhân ng isang saa’ (salop) na dates (tamr) o isang saa’ (salop) barley para sa bata, matanda, lalaki, babae, malaya at alipin mula sa mga Muslim.❞ Kaya binabayaran ito ng tao sa ngalan ng kanyang sarili at ng mga sinusuportahan niya, kasama na ang kanyang asawa at mga anak. Nawa'y bigyan ng Allâh ang lahat ng tagumpay sa pagsunod sa Sunnah. Ang pinakamagandang panalangin at kapayapaan ay para kay Propeta Muhammad ﷺ.
لقد شرعت صدقة الفطر على عموم المسلمين ذكورهم وإناثهم كبارهم وصغارهم وأحرارهم وعبيدهم ، صاعاً من طعام ، لما في الصحيحين من حديث ابن عمر رضي عنهما قال : ❞ فرض رسول الله ﷺ صدقة الفطر من رمضان صاعاً من تمر أو صاعاً من شعير على الصغير والكبير والذكر والأنثى والحر والعبد من المسلمين ❝ ، فيخرجها الإنسان عن نفسه وعمن ينفق عليه من زوجته وأولاده وفق الله الجميع لاتباع السنة على صاحبها أفضل الصلاة وأتم التسليم .
🔘 Shiekh Abdulaziz Bin Abdillâh Âl Ash-Shiekh
🔘 الشيخ / عبدالعزيز بن عبدالله آل الشيخ
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)
-----------------------
📫Muhammad T. Khalil