25/10/2025
Kung nafufrustrate po kayo na pupunta kayo sa pampublikong ospital tapos bibilhin din lahat ng gamit kasi kulang, kami rin pong mga government doctors ay nakikiisa sa sentimyento ninyo.
Kaya ka pupunta sa pampublikong ospital kasi akala mo libre kasi gobyerno. Pero hindi pala, bibilhin din lahat. Bakit? Kasi kulang ang ibinibigay na gamit ng pamahalaan.
Paano ko gagamutin ang pasyente kung walang gamot?
Nagbabayad tayo ng philhealth pare-pareho. Pero pag nagpunta ako sa ER pag sobrang sakit ng sikmura ko, di ko rin magamit kasi walang supply, bibilhin ko rin ang gamot at hiringilya pang-ineksyon. O di kaya naman, di naman daw kasi ako aadmittin kaya kailangan kong bilhin. Para sa mga admitted lang daw kasi ang gamit.
Nakakadurog ng puso. Lalo na yung mga kababayan nating mahihirap na sa palibre lang ng gobyerno umaasa.
Naiintindihan ko po kayo ๐ Kaya please wag po ninyo kaming awayin kung pinabibili namin kayo ng oxygen mask kahit hirap na hirap nang huminga yung pasyente ninyo ๐
Next time po, boto tayo nang may pakialam at pagmamalasakit sa kapakanan at kalusugan ng mga Pilipino ha? Hindi yung nakaupo lang sa senado. Charrr ๐
๐คฃ
Magresign na lang din sana yung gustong i-zero yung budget ng pangkalusugan ng mga Pilipino๐
At please pakisauli yung mga ninakaw nyo. Buti lang pambili namin ng oxygen mask.