21/10/2025
‼️BANTAY SUPER HEALTH CENTER KASAMA ANG PUBLIKO, IKINASA NA NG DOH‼️
Bilang parte ng kasalukuyang imbestigasyon sa mga non-operational health centers sa bansa, inilunsad ng Department of Health ang Citizen Participatory Audit na siya ring rekomendasyon ng Independent Commission for Infrastructure.
Ito ay bukas para sa mga nais isumbong ang mga nakatenggang health centers sa kanilang mga lugar o kung kulang ang mga serbisyong ibinibigay ng mga ito sa taumbayan.
Sundin ang mga sumusunod na hakbang para masiguro ang maayos na sistema ng pagrereport:
✅I-download ang reporting form sa link na ito: www.doh.gov.ph/bantaysuperhealth
✅ Ilagay ang mga sumusunod:
a. Address ng super health center
b. Mga detalye tungkol sa nirereport na super health center
c. Mga kasalukuyang larawan ng super health center (Maaaring kunan ang super health center kasama ng isang dyaryo sa mismong araw upang maipakita ang petsa ng pagkuha ng litrato)
✅ I-send ang report sa bantaysuperhealth@doh.gov.ph.
Makaaasa kayong mananatiling confidential ang inyong pagkakakilanlan sa report na inyong isusumite sa DOH.
Pag-aaralan ng DOH ang mga report at makikipag-ugnayan sa mga LGU na siyang nangangasiwa sa mga irereklamong super health centers.