01/09/2023
Take time to read๐๐๐๐
BAKIT MARAMING ANG WALANG IPON? (kahit MALAKI pa ang mga SWELDO? )
Ito ay sulat ng isang kaibigang seaman, hindi din ito tungkol sa lahat.. akma lamang sa karamihan ๐
Sa dami ng nakasama ko na SEAMAN sa pagbabarko ko ay nakita ko kung paano gumastos ang mga seaman, kasama na rin ako dun, pero nagbago na ang gawain ko ng makitang naghihirap sa barko ang mga matatandang seaman na PAGOD NA PAGOD na sa pagbabarko. Kahit na gusto na nila MAGRETIRO ay hindi nila magawa dahil wala naman silang naipon sa tagal nila pagtratrabaho sa barko kahit na malaki ang SWELDO nila. Naway sa pamamagitan nito ay magbago na rin ang istilo ng paggastos ng mga kabaro ko na MARINO o SEAMAN at makapag-ipon ng pondo bago magretiro sa pagbabarko.
1. MALUHO
Pagdating ng puerto ay bili ng bagong GADGET, ALAHAS at DAMIT.
*OK lang na bumili para sa SARILI basta pasok sa BUDGET at may IPON din bawat buwan.
Kapag nakadikit na kami sa puerto at may umakyat na BUSINESS MAN sa barko ay tila hindi namin maiwasan ang bumili ng bagong GADGET, ALAHAS, DAMIT at kung anu-ano pang mga luho na pwede mabili dahil na rin naiisip namin na malaki naman ang sweldo namin. Pero dahil sa kawalan ng ideya kung paano magBUDGET para sa sarili ay nakakaligtaan namin na mag-IPON din bawat buwan dahil nasa barko kami at walang ideya tungkol sa pag-iinvest o negosyo.
Naway sa mga kabaro ko ay matutunan na natin magbasa ng libro tungkol sa investment at business para malaman natin kung saan ba talaga maganda mag-invest at anong negosyo ba bagay sa seaman. May nabasa ako na libro tungkol sa โ8 WISE INVESTMENTS FOR SEAFARERSโ at โPAGLALAKBAY NG MAGITING NA MARINOโ na tiyak makakatulong sayo dahil gawa ito ng isang marino.
2. MAGASTOS
*Pag bagong uwi ay BILI dito, PASYAL diyan at PAINOM sa tropa. OK lang para sa PAMILYA pero dapat may INVESTMENT din na kasama para sa future.
Kapag nakauwi na kami ng Pilipinas ay excited kami makasama ang aming pamilya kaya naman sa AIRPORT pa lang ay bili na kami ng CHOCOLATES, ALAK at PASALUBONG para sa aming pamilya pati na rin sa mga kamag-anak at kaibigan. At kapag may oras pa ay diretso sa DUTY FREE para gumastos pa dahil malaki laki rin ang makukuha namin na FINAL BALANCE sa opisina at hindi na naman niiisip na wala na pala kaming sweldo kapag bakasyon.
Naway sa pag-uwi natin kabaro ay may 8 WISE INVESTMENTS din tayo kasabay ng paggastos para balanse ang buhay. Ang isa sa bagay na WISE INVESTMENT para sa atin ay STOCK MARKET kung pangmatagalan naman ang plano natin. Para matutunan ang tamang pagBUDGET ng allotment ay gamitin ang LOREHAGINRE Principle na naimbento ni Engr. Arjay โRichโ Magpantay.
3. MAPORMA
*Todo PORMA ng bagong bili na damit, pantalon at sapatos galing ABROAD. Hindi importante na maganda porma mo kung butas naman ang bulsa kaya MAGTIPID.
Kapag may pagkakataon na makapag SHORE LEAVE ay pupunta kami sa MALL para mamili ng bagong damit, pantalon, sapatos at iba ibang gamit para pamporma namin kasi maganda kapag galing ABROAD at branded pa ito. Kapag nakauwi na kami ng Pilipinas ay hindi na kami nakakabilili ng mamahalin na damit dahil wala na ring sweldo, kaya habang nasa barko ay bili lang ng bili. Kaya tuloy nabubutas ang bulsa at naiisip na lang magtipid pag nasa Pilipinas na.
Naway ang pagbili natin na pamporma ay sakto lang sa BUDGET natin at isabay na rin ang IPON habang nasa barko. Pwede naman si misis maglagay sa WISE INVESTMENT kung nakaplano ito sa allotment na bigay natin sa kanila o kaya automatic online investment ay pwede rin. Yung matitipid natin na pamporma ay malaki maitutulong para lumaki ang pondo natin pangretiro.
4. MAYABANG
*Nagpapagawa ng malaking BAHAY at bumili pa ng magarang KOTSE.
Dahil diyan ay malaki ang LOAN na binabayaran kaya kahit MATANDA na ay nasa barko pa rin.
Ang pagpapagawa ng malaking bahay ay nakabase sa laki ng sweldo natin at kakayahan na bayaran ito. Kapag nagkaroon tayo ng malaking bahay ay may kapalit na malaking responsibilidad o liabilities tulad na may babayaran na AMILYAR, bills at furniture sa loob ng bahay. Ang pagkakaroon ng kotse ay ok din kung marunong MAGDRIVE si misis dahil kung hindi, ang ibang tao lang makikinabang nito at dagdag pa sa gastusin tulad ng INSURANCE, change oil at car registration. Dahil din diyan ay malaki ang LOAN na babayaran sa bangko kaya kahit gusto pa natin pahabain ang bakasyon ay hindi pwede kasi malaki ang babayaran bawat buwan. Hindi tuloy mapalagay sa bakasyon at ninanais na makasampa na ng barko dahil sa darating na due date sa LOAN.
Naway ang pagpapatayo natin ng bahay o pagbili ng kotse ay may kasabay na IPON na pera para bago magretiro ay maraming nang pondo. Pwede mo na ipagyabang na nakapagretiro ka na sa barko at masaya ka na dahil lagi mo na kasama pamilya mo at may income pa rin kahit retired na sa barko dahil sa kinikita mo sa STOCK MARKET kung dito ka nag-invest nung nasa barko ka pa.
5. BAKASYON
*Kapag NAPATAGAL ang bakasyon ay nauubos ang naipon dahil wala naman sweldo. Magpa LINE-UP na agad kung kelan ang sampa para maipon na SAVINGS kahit papaano.
Minsan napapahaba ang bakasyon sa Pilipinas dahil sa mga inaasikasong papeles o di kayaโy wala pang available na barko. Kaya naman yung natatagong ipon ay magagalaw hanggang sa mangutang na sa mga kakilala o kaibigan para matustusan ang pangangailangan sa pamilya. Kaya maganda na alamin kung kelan ang LINE-UP para makasampa na at yung nauwing FINAL BALANCE ay pagkasyahin sa anim na buwan kung apat na buwan gusto magbakasyon. Para kung makasampa sa loob ng 4 na buwan ay may IPON na katumbas na 2 buwan pa.
Naway matutunan na natin kabaro ang magBUDGET ng maayos kapag bakasyon at bago tayo sumampa sa barko ay mag-invest tayo sa STOCK MARKET para mas malaki ang kitahin nito kung pangmatagalan ang balak natin dito.
6. TRAINING
*Napupunta ang sweldo sa dami ng training at certificates na kailangan ng RENEWAL. MagBUDGET na agad kahit nasa barko para pag-uwi ay may pambayad sa mga TRAINING.
Dahil sa tambak na training na kailangan sa pagkuha ng mga refresher courses na pinatupad ng International Convention on Standards of Training, Certification and Watchkeeping (STCW) for Seafarers Code 2010 amendment na ginanap dito sa Pilipinas ay maraming pagbabago sa mga papeles natin na pinagtibay ng Maritime Industry Authority (MARINA) na magiging epektibo ngayong darating na January 1, 2019. Kaya marami rami ding gagastusin na pera para dito kaya magBUDGET na habang nasa barko pa para may pambayad sa mga kailangan na trainings.
Naway matutunan din natin kabaro na pwede naman tayo magturo sa mga training centers at maritime schools para dagdag income din habang bakasyon. Bago pa makapagturo ay kailangan kuha ng Training Course for Instructors (IMO Model Course 6.09). At sa susunod naman na balik ay Training Course for Assessors (IMO Model Course 3.12) para naman maging accredited assesor naman para lumaki din ang dagdag income habang bakasyon.
7. MEDICAL
*Dahil nasobrahan sa INOM at SIGARILYO ay kailangan ng MAINTENANCE na gamot.
Iwasan habanag maaga pa ang BISYO at magkaroon ng HEALTHY lifestyle para VITAMINS na lang.
Kaya kapag nasa barko ay hinay hinay lang sa inom at sigarilyo para hindi natin kailangan ng pang MAINTENANCE na gamot sa barko. Buti kung pang MAINTENANCE na gamot lang ang maging resulta ng sobra sa bisyo, paano kung magdulot ito na hindi ka makasampa pa ng barko dahil hindi ka FIT TO WORK sa barko. Kaya habang maaga pa ay iwasan na ang bisyo na ito at magkaroon ng HEALTHY lifestyle sa barko para makatipid sa pagbili ng gamot at ang kailangan na lang ay VITAMINS para mas mura lang ito.
Naway sa mga kabaro ko ay ITATAK natin sa isip natin na hindi tayo habambuhay magbabarko dahil darating ang panahon na tatanda na tayo at uugud ugod na kaya hindi na tayo tatanggapin pa sa barko. Kaya habang bata pa tayo ay matutunan na natin magtipid para malaki ang mainvest na pera para pag nagretiro tayo sa barko ay marami na tayong
IPON.
8. WALANG PLANO
*Sampa lang ng sampa kaya kahit MATANDA na gusto pa rin eh puro REKLAMO naman na!
Magplano kung kelan balak na magretiro para malaman kung magkano ang RETIREMENT FUND na kailangan.
Karamihan ng mga SEAMAN ay wala talagang plano sa buhay kaya naman sampa lang ng sampa ang gusto habang kaya pa. Kaya lang pag medyo tumanda na sa pagbabarko ay tinatamad na sa barko kaya ang maririnig mo palagi ay REKLAMO sa barko dahil napapagod na rin sa trabaho. Isama pa diyan na tanungin mo kung may IPON na, ang sasabihin ay wala nga eh! Nakakaawa man sila ay wala tayong magawa dahil wala sa kanila nagturo tungkol sa mga WISE INVESTMENTS para sa mga SEAMAN.
Mabuti na lang ay maaga ko nabasa ang librong PAGLALAKBAY NG MAGITING NA MARINO at 8 WISE INVESTMENTS FOR SEAFARERS na tiyak na makakatulong para magkaroon ng magandang pagplano sa buhay para maging mahusay sa pagbabarko at makapag-ipon ng milyong piso bago magretiro sa pagbabarko.
9. MAGSIMULA KA NA MAGTIPID PARA DUMAMI NA IPON MO!
*Alam mo ba kahit P 5,000 ay puwede na INVEST yan sa STOCK MARKET para lumaki ng mabilis yan dahil ang ipon mo sa stock market ay isinososyo sa mga malalaking kumpanya sa Bansa gaya ng SM, Ayala, Jollibee, PLDT, Meralco, GMA, Globe at iba pa! Ano plano mo, usap tayo?
Ngayong alam mo na kung bakit maraming SEAMAN ang walang IPON kahit malaki ang SWELDO ay kailangan magbago na ang istilo ng paghawak mo ng pera para makapag-ipon ka ng milyong piso sa iyong pagreretiro or hindi na kaya pang pagsampa sa barko.
Itag mo yung killala mong SEAFERER na ganito din ang mindset.
may mga kakilala na din ako na investor n ngayon at sumasakay na lang hindi dahil sa kailangan pa kumita kundi upang turuan din ang mga kasamahan marino upang makapag-invest ng tama.
Matuto paano ang tamang pag-iipon:
Just pm me