06/03/2022
👉HEALTH TIPS #6
MADALAS BANG MASAKIT ANG TUHOD MO?
Ang sakit sa tuhod ay nararamdaman ng maraming tao. Kadalasan ito ay nag-uumpisa sa edad 40 pataas. Ang pangunahing dahilan ng pagsakit ng tuhod ay ang arthritis, isang sakit ng pag-edad.
Kung ika’y sobra sa timbang, mas maagang sasakit ang tuhod mo. Kung sobra ka rin sa ehersisyo, tulad ng mga runner, kickboxer o basketball player, puwedeng mapuwersa ang iyong tuhod.
Ano Ang Dapat Iwasan?
• Huwag mag-buhat ng mabibigat. Kung mayroon kang bubuhatin, magpatulong sa isang kasama para kalahati lang ang bigat.
• Huwag palaging umakyat at bumaba sa hagdanan. Malaki ang stress sa tuhod ng paggamit ng hagdan.
• Huwag tumayo o mag-lakad ng matagal. Umupo paminsan-minsan at magpahinga. Mas relaks ang tuhod kapag tayo’y nakaupo.
• Huwag mag-high heels. Alam kong mas sexy ang babae kapag naka-high heels, pero malaki din ang stress nito sa ating tuhod.
• Huwag lumuhod sa sahig. Nakasisira ito ng tuhod. Kapag ika’y nasa simbahan, gamitin ang malambot na kutson para sa iyong tuhod.
Ano Ang Dapat Gawin?
• Kung ika’y sobra sa timbang, kailangan magpapayat. Hindi kasi kaya ng tuhod ang bigat ng iyong tiyan!
• Bumili ng rubber shoes o malambot na sapatos. Mag-tsinelas ng makapal ang swelas. Makatutulong ito para hindi matagtag ang tuhod.
• Palakasin ang masel sa ating hita. May mga ehersisyo para dito. Puwede ang stationary bike o magbending exercise ng bahagya lang (Half squat at hindi full squat.). Masama ang sobrang pagbaluktot ng tuhod lampas sa 90 degrees.
• Kapag umiinit ang tuhod sa matagalang paglalakad, puwedeng lagyan ng malamig na bag o cold compress.
• Palakasin ang buto. Uminom ng skim milk (gatas) na may maraming calcium. Para sa mga kababaihan, uminom din ng calcium supplements.
• Kapag hindi nawala ang sakit sa tuhod, magpa-konsulta sa isang orthopedic surgeon o rheumatologist.
• Hindi pa tiyak ang benepisyo ng Glucosamine at chondroitin tablets. Ang supplement na ito ay posibleng makabawas sa sakit ng ating tuhod at kasu-kasuan (joints).
• Tandaan: Ingatan at alagaan ang tuhod. Huwag puwersahin at tagtagin sa trabaho. Ipahinga ang tuhod para humaba ang gamit natin nito. 👉Àt higit sa lahat, uminom ng Intra, Nutriaplus, Fibrelife at Cardiolife upang mapanatili ang maayos na kalusugan at malakas na resistensya.
📞📲09959462353
To shop/order online 👇👇
👉https://www.myintrasite.com/marilengreyes