25/11/2025
Ayon sa datos ng World Health Organization noong 2023, ang lung cancer ang pangunahing uri ng cancer na nagiging sanhi ng kamatayan sa buong mundo.
Ang paninigarilyo ay pangunahing sanhi ng lung cancer. Ang paninigarilyo gamit ang tabako o tipikal na sigarilyo, v**e, at iba pang electronic ci******es ay inuugnay sa lung cancer dahil sa mga nakalalasong kemikal na sumisira sa baga. Sa ngayon, ito ay sanhi ng 90% kamatayan mula sa lung cancer sa kalalakihan at 70-80% sa kababaihan.
Ang paninigarilyo ay maaari ring maging sanhi cancer sa ibang parte ng katawan tulad ng bibig, lalamunan, esophagus, pantog, at atay. Dahil sa pinsala na maaaring idulot nito, hindi makabubuti ang patuloy na paninigarilyo.
Sa , paalala at tamang gabay upang umiwas sa mga sanhi ng cancer ang susi upang maagapan at malabanan ang karamdamang ito.