16/01/2026
PNEUMONIA VACCINE
Pangalagaan ang iyong baga, ingatan ang iyong kinabukasan
Sino-sino ang Kailangan mabakunahan ng Pneumonia Vaccine?
1. Kung ikaw ay senior na, o may edad 60 pataas, ikaw ay nasa high-priority na mabigyan ng Pneumonia vaccine
2. Kailangan ng mga bata ng pneumonia vaccine dahil pulmonya ang pangunahing dahilan ng pagkakasakit o pagkamatay ng mga bata lalo na sa mga 5 years old pababa
3. Kung ikaw ay may Asthma, Diabetes, Hypertension, Sakit sa Puso, Sakit sa Kidneys, Sakit sa Atay, Kanser, HIV, o dating nagka-tuberculosis, napaka-importante na updated ang iyong pneumonia vaccine.
4. Kung ikaw ay may edad na 50 pataas kahit wala kang alam na mga sakit o walang maintenence na gamot, maaari ka na rin magpa-pneumonia vaccine
Alam mo ba na may iba't ibang klase ng Pneumonia Vaccines?
1. PCV13
Nagbibigay ng habangbuhay na protection laban sa 13 strains (serotypes) ng Streptococcus pneumoniae bacteria.
2. PCV20
Nagbibigay ng habangbuhay na protection laban sa 20 strains (serotypes) ng Streptococcus pneumoniae bacteria
3. PPSV23
Nagbibigay ng protection laban sa 23 strains (serotypes) ng Streptococcus pneumoniae bacteria pero panandalian lang (hanggang 5 years)
PCV13, PPSV23, o PCV20? Alin ang para sa edad mo? 💉🛡️
Heto ang pinakasimpleng guide para sa tatlong (3) main vaccines sa Pilipinas
PCV20 — ANG "LIFETIME" CHOICE 🌟
Para sa lahat ng 50 years old pataas.
Pwede rin sa 19–49 years old na may risk factors gaya ng Diabetes, Asthma, at iba pa
ISANG TUROK LANG for life. Hindi mo na kailangan ng booster
PPSV23 — ANG "FREE OPTION" 🏥
Karaniwang binibigay nang LIBRE ng DOH sa mga Senior Citizens (60 years old pataas) sa mga Health Center.
Kailanganin mo ng booster pagkalipas ng 5 taon dahil humihina ang epekto nito sa katagalan.
PCV13 — ANG PARA SA BATA AT MATANDA 👶👴👵
Para sa mga bata
Para din sa mga adults na gustong dumaan sa "2-series vaccine"
Kung PCV13 ang kinuha mo, kailangan mo itong sundan ng PPSV23 pagkalipas ng isang taon para mabuo ang proteksyon.
Kung tipid ang hanap: Pwedeng mag-inquire sa Health Center para sa libreng PPSV23.
Kung "One and Done" at ayaw na ng maraming turok: Choice mo ang PCV20. Sulit sa bayad dahil isang beses lang sa buong buhay!
Mag-send lamang ng mensahe sa aming page or magpa-lonsulta sa inyong primary care doctors para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa Pneumonia Vaccines.
Tayo po ay maging Vaccine Advocate! Maging boses para sa kalusugan at pag-asa. Buuin natin ang mas ligtas na bukas nang magkakasama, sa bawat bakuna!