CBS EC Shoppe Doctors Choice

CBS EC Shoppe Doctors Choice Maraming tao ang may sakit sa panahaon ngayon na GUSTONG GUSTO GUMALING. pero hindi nila alam kung p

Received our newest product🥰😍BARLEY GLOW with Collagen, Stevia,Honey Lemon 🍋 🍯 Yummy taste😋☺️Another food supplement add...
21/01/2025

Received our newest product🥰😍

BARLEY GLOW with Collagen, Stevia,Honey Lemon 🍋 🍯 Yummy taste😋☺️

Another food supplement additional for health daily routine.🥰🙏🏼

Read this for more information sa benefits ng “BARLEY GLOW”.

Combining barley grass and collagen offers enhanced benefits:

Barley Grass Benefits:

1. Rich in antioxidants and vitamins
2. Boosts energy and immunity
3. Supports digestion and gut health
4. Promotes healthy skin and hair

Collagen Benefits:

1. Improves skin elasticity and hydration
2. Supports joint health and reduces inflammation
3. Enhances hair and nail growth
4. Promotes bone density and muscle mass

Together, Barley Grass and Collagen:

1. Enhance skin rejuvenation and anti-aging
2. Support joint health and mobility
3. Promote healthy hair, nails, and gut
4. Boost energy and overall well-being
5. May improve bone density and muscle strength

Potential Benefits for Specific Groups:

1. Aging individuals: Improved skin, joint health, and bone density
2. Athletes: Enhanced performance, recovery, and joint support
3. Beauty enthusiasts: Glowing skin, healthy hair, and nails
4. Health-conscious individuals: Boosted immunity, energy, and overall well-being



Happy sunday sarap ng ulam! Pero dapat Protected ka‼️ Dahil Kabi kabila ang handaan at hindi ma control na kainan at Bag...
22/12/2024

Happy sunday sarap ng ulam! Pero dapat Protected ka‼️

Dahil Kabi kabila ang handaan at hindi ma control na kainan at Bagong Taon, sunod-sunod na handaan ang ating dinadaluhan. Protect your Heart,Protect your Blood Pressure, Watch Out Your Cholesterol. Love yourself enough to live a healthy lifestyle. 💊 Start with changing unhealthy habits to healthy ones, and make them your favorites. 💙🫶🏻

CHOLEDUZ THE STRONGEST SUPPLEMENT TO REDUCE YOUR BAD CHOLESTEROLS

DM YOUR ORDER NOW‼️



Mga Pagkaing Pampatalino (Brain Foods)Payo Ni Doc Willie OngMay mga pagkain na posibleng makatulong sa pagiging healthy ...
17/07/2021

Mga Pagkaing Pampatalino (Brain Foods)
Payo Ni Doc Willie Ong

May mga pagkain na posibleng makatulong sa pagiging healthy ng ating utak. Kapag sapat sa bitamina at nutrisyon ang iyong pagkain, mas magiging matalas ang iyong pag-iisip at memorya kumpara sa mga taong hindi kumakain nito.
Alamin natin itong mga tinaguriang “brain foods”:
1. Mani – Ang mani ay may taglay na vitamin E at good fats. Ayon sa pagsusuri, kapag mataas ang lebel ng vitamin E sa iyong katawan, mas matalas din ang iyong pag-iisip. May tulong din ang mani para sa memorya. Puwedeng kumain ng nilagang mani, kasoy at walnuts. Huwag lang piliin ang pritong mani na may maraming asin. Limitahan din ang pagkain ng mani sa isang dakot lamang (30 grams) dahil mataas din ito sa calories.
2. Matatabang isda (oily fish) – Ang mga oily fish ay ang tuna, tilapia, salmon, sardinas, tamban at taba ng bangus. May taglay itong omega-3 fatty acids na nagpapaganda ng daloy ng dugo. Dahil dito, mababawasan ang tsansang magkaroon ng sakit sa stroke at atake sa puso. Subukang kumain ng 4 ounces ng isda tatlong beses kada linggo.
3. Itlog – Ang itlog ay mataas sa choline, isang kemikal na kailangan ng mga bata para mag-develop ang kanilang utak at memorya. Mataas din sa vitamin A, iron at folate ang itlog. Puwedeng pakainin ang bata ng 1 itlog bawat araw. Ngunit kung ikaw ay may sakit sa puso o mataas ang kolesterol, limitahan ang pagkain ng itlog sa 3 itlog bawat linggo.
4. Kape – Makatutulong ang kape para maiwasan ang Alzheimer’s disease at panghihina ng ating isipan. May sangkap na antioxidants at caffeine ang kape. May tulong din ang kape sa pag-memorya ng iyong inaaral pero panandalian lang ang epekto nito. Puwedeng uminom ng 1 o 2 tasang kape sa maghapon. Huwag din sosobrahan at baka bumilis ang pagtibok ng iyong puso. At sana ay huwag nang lagyan ng whip cream at full cream milk ang kape para hindi nakatataba.
5. Abokado – Ang abokado ay mayaman sa vitamin B at healthy fats (monounsaturated fats) na nagpapaganda ng daloy ng dugo sa utak. May mga pagsusuri sa hayop na nagpapakita na ang abokado ay nakababawas sa stroke at nakakababa ng blood pressure.
Bukod sa mga pagkaing ito, dapat din ay magkaroon ng healthy lifestyle para mapangalagaan ang ating utak. Matulog ng sapat at umiwas sa alak at sigarilyo. Good luck po

Mag-pa-Ultrasound ng Buong TiyanPayo ni Doc Willie OngMay kasabihan ang mga doktor na “ang tiyan ay templo ng sorpresa.”...
16/07/2021

Mag-pa-Ultrasound ng Buong Tiyan
Payo ni Doc Willie Ong

May kasabihan ang mga doktor na “ang tiyan ay templo ng sorpresa.” Ang ibig sabihin nito ay maraming kakaibang sakit ang makikita sa ating tiyan. Ang kinakatakutan natin palagi ay ang kanser.
Isa sa pinakamagandang test na magagawa natin ay ang ultrasound ng buong tiyan. Ang tawag dito ay Ultrasound of the Whole Abdomen, kung saan makikita ng doktor ang lagay ng mga organo sa tiyan.

Sino ang dapat magpa-Ultrasound?
Kahit sino ay puwede magpagawa nito. Ang mga edad 40 pataas ay puwede nang magpa-ultrasound. Kung edad 60 na at pataas, lalo na dapat magpa-ultrasound ng tiyan bawat taon. Kung kayo ay may kamag-anak na may kanser sa atay, pancreas o sa bituka, mag-pa-ultrasound. May mga sakit na walang nararamdaman kaya dapat pa rin magpasuri.

Ano ang makikita sa Ultrasound Ng Whole Abdomen?
Makikita natin dito ang lagay ng inyong atay (liver), apdo (gallbladder), lapay (pancreas), pali (spleen), bato (kidneys), pantog (bladder), obaryo at matres sa babae, at prostata (prostate) sa kalalakihan.
Maraming sakit ang puwede matuklasan. Wala pong iniksyon ito at gumagamit lamang ng “sound waves” para makita ang lagay ng mga internal organs.
Magkano ito? Ito’y nagkakahalaga ng P2,000 sa mga murang laboratory centers na subok na ninyo. Puwede rin ito gawin sa malalaking ospital ngunit ang gastos ay tataas na sa mga P4,000.

CT-Scan ng buong tiyan
Kung gusto niyong maging mas sigurado pa ang lagay ng inyong tiyan, ang susunod na test ay ang CT-Scan of the Whole Abdomen. Mas marami ang makikita sa CT-Scan. Pati ang mga bituka, ugat at maliliit na bukol ay lilitaw na.
May kamahalan lang ang test na ito. Halos P12,000 ang gagastusin. Minsan ay naglalagay pa ng gamot (contrast dye) ang mga doktor para mas malinaw ang makita nila.

Ipa-check ang magulang
Magandang regalo sa ating mga magulang ang pagpapa-check up. Gawin ang Chest X-ray, ECG at blood test. Pero huwag na huwag kakaligtaan ang Ultrasound ng Buong Tiyan. Kung kaya ng inyong budget, sana ay mapa-check natin si Itay at si Inay. Baka maisalba natin at mapahaba pa ang kanilang mga buhay. Pakiusap lang po!

Mangga : Para sa Kutis at PaninginPayo ni Doc Willie Ong1. Ang mangga ay isang sariwang prutas na may pinakamaraming vit...
15/07/2021

Mangga : Para sa Kutis at Paningin
Payo ni Doc Willie Ong

1. Ang mangga ay isang sariwang prutas na may pinakamaraming vitamin A at beta-carotene na siyang nagbibigay ng dilaw na kulay nito. Bagay ang mangga para maiwasan ang panunuyo ng balat at maagang pagkulubot ng balat.
2. Maraming vitamin A, C, E ang mangga para sa malinaw na paningin. Makatutulong sa pag-iwas sa pagkawala ng paningin dahil sa night blindness, optic nerve atrophy at pagbara ng ugat sa mata. Meron din mga vitamin B at vitamin K.
3. Ang mangga din ay isa sa pinakamaraming taglay na vitamin E para sa balat.
4. Bagay sa puso dahil may potassium at sodium na posibleng tumutulong sa pagbaba ng presyon ng dugo. Ang iba pang mineral ay magnesium, copper at iron.
5. Maraming fiber ang mangga kaya maganda sa pagtitibi at mga sintomas ng irritable bowel syndrome. May pectin na makatutulong sa pagbaba ng kolesterol at para maiwasan ang prostate cancer at colon cancer.
6. Sabi ng American Diabetic Association ay nasa medium score na 56 sa glycemic index ang mangga. Isang pisngi ng mangga kada kain ay pwede naman.

Mangga : Para sa Kutis at PaninginPayo ni Doc1. Ang mangga ay isang sariwang prutas na may pinakamaraming vitamin A at b...
14/07/2021

Mangga : Para sa Kutis at Paningin
Payo ni Doc

1. Ang mangga ay isang sariwang prutas na may pinakamaraming vitamin A at beta-carotene na siyang nagbibigay ng dilaw na kulay nito. Bagay ang mangga para maiwasan ang panunuyo ng balat at maagang pagkulubot ng balat.
2. Maraming vitamin A, C, E ang mangga para sa malinaw na paningin. Makatutulong sa pag-iwas sa pagkawala ng paningin dahil sa night blindness, optic nerve atrophy at pagbara ng ugat sa mata. Meron din mga vitamin B at vitamin K.
3. Ang mangga din ay isa sa pinakamaraming taglay na vitamin E para sa balat.
4. Bagay sa puso dahil may potassium at sodium na posibleng tumutulong sa pagbaba ng presyon ng dugo. Ang iba pang mineral ay magnesium, copper at iron.
5. Maraming fiber ang mangga kaya maganda sa pagtitibi at mga sintomas ng irritable bowel syndrome. May pectin na makatutulong sa pagbaba ng kolesterol at para maiwasan ang prostate cancer at colon cancer.
6. Sabi ng American Diabetic Association ay nasa medium score na 56 sa glycemic index ang mangga. Isang pisngi ng mangga kada kain ay pwede naman.

14/07/2021

HEALTH IS WEALTH! TAKE AND DRINK HEALTHY FOODS, WERE HERE TO HELP YOUR NEEDS! MAHAL MAGING HEALTHY PERO MAS MAHAL MAGPA OSPITAL!

KUMAIN NG MALUNGGAYPayo ni Doc Willie OngALAM ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa gulay ng malunggay, mar...
14/07/2021

KUMAIN NG MALUNGGAY
Payo ni Doc Willie Ong

ALAM ba ninyo na napakasustansya ng malunggay? Bukod sa gulay ng malunggay, marami rin ngayong nagbebenta ng malunggay bread, malunggay noodles at iba pang pagkain na may sangkap na malunggay.

Very healthy ang malunggay at madali lang itanim. Ang sabi nga ng mga negosyante ay baka malunggay ang magpalakas ng ekonomiya ng Pilipinas. Alamin natin ang galing ng malunggay.

Maraming bitamina

Ang dahon ng malunggay ay punumpuno ng calcium at iron. Ang calcium ay nagpapatigas ng ating buto at panlaban sa osteoporosis. Kung ikaw naman ay anemic o kulang sa dugo, sagana ang malunggay sa iron na nagpapadami ng dugo.

Mataas din sa protina, potassium, vitamin A at vitamin C ang malunggay. Ang mga bitaminang ito ay tinatawag na anti-oxidants. Ito yung lumalaban sa stress at nagpapabagal sa pag-edad ng ating katawan.

Kumpara sa ibang prutas at gulay, ang malunggay ay may mas maraming bitamina. Super-gulay talaga ang malunggay. Ang problema lang ay dapat masanay ang bata na kumain nito.

Ang prutas ng malunggay ay masustansya rin at mataas sa carbohydrates, calcium, iron at phosphorus.

At dahil sa bitamina nito, ang malunggay ngayon ang pinapakain sa mga payat at malnourished na bata. Mura at masustansya ang malunggay. Puwedeng-puwede sa mga feeding program ng gobyerno at mga volunteer groups.

Para sa maysakit

1. Pampalakas ng katawan — Kumain ng 1 tasang dahon ng malunggay araw-araw para mapunuan ang bitaminang kailangan ng katawan.

2. Pamparami ng gatas ng ina — Kapag kulang ang gatas ng ina, kumain ng 1 tasang dahon araw-araw. Puwede rin pakuluan ang dahon at gawing tsaa at inumin.

3. Para sa constipated — Kapag ika’y tinitibi, kumain ng 1-2 tasang dahon sa gabi. Makatutulong ito sa pag-normal ng iyong pagdudumi.

4. Itapal sa sugat — Kapag ika’y may sugat, puwedeng ilagay ang dinurog na malunggay leaves sa sugat. Hugasan muna ang dahon at durugin ito. Lagyan ng konting tubig at initin. Pagkatapos ay ilapat ang malunggay “paste” sa sugat.

Marami pang kabutihang taglay ang malunggay kaya magtanim nito sa inyong bakuran.

Global hunger, malnutrition and food insecurity have dramatically worsened due to COVID-19:❗️In 2020, millions of childr...
14/07/2021

Global hunger, malnutrition and food insecurity have dramatically worsened due to COVID-19:
❗️In 2020, millions of children around the world were stunted, wasted and overweight
❗️ 3 billion people around the 🌎🌍🌏 couldn't afford a healthy diet in 2019 and the pandemic likely made this worse

It’s World Mask Week! 😷 This is how you should wear a medical mask safely during COVID-19
14/07/2021

It’s World Mask Week!
😷 This is how you should wear a medical mask safely during COVID-19

COVID19 UPDATE:DOH reported 2,269 new cases yesterday. This brings the total to 568,680 cases with 32,437 active.72 new ...
03/03/2021

COVID19 UPDATE:
DOH reported 2,269 new cases yesterday.
This brings the total to 568,680 cases with 32,437 active.
72 new deaths, 12,201 total
738 new recoveries, 524,042 total
STAY SAFE...🙏❤🙏

Boost your immune system!ask me how??

Address

Marikina City

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CBS EC Shoppe Doctors Choice posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to CBS EC Shoppe Doctors Choice:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram