15/09/2021
More thab 18k cases ang nareport kahapon. May 12 labs na hindi nakapagsubmit nang data, so ibig sabihin pwedeng mas marami pa sa 18k ang kaso kahapon.
Stay safe everyone! Follow health and safety protocols! For non-emergency medical concerns, teleconsultation is preferred. Hit the book button to set an appointment.
Ngayong 4 PM, Setyembre 14, 2021, ang Department of Health ay nakapagtala ng 18,056 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 20,542 na gumaling at 222 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.8% (177,670) ang aktibong kaso, 90.6% (2,052,867) na ang gumaling, at 1.57% (35,529) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 12, 2021 habang mayroong 12 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 12 labs na ito ay humigit kumulang 1.7% sa lahat ng samples na naitest at 1.7% sa lahat ng positibong mga indibidwal.
Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang ating mga kaso ng COVID-19. Ang pagsunod sa minimum public health standards, maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa COVID-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng COVID-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang aming pampublikong site: www.doh.gov.ph/covid19tracker.