17/10/2023
Distemper Symptoms, Timeline, & Recovery
Dec 30 2020 = Umuwi kami ng probinsya kasama ang 3 dogs namin: Ube, Keso & Lemon. Pagdating namin dun sabi ng parents namin wag sila gaano palabasin kasi may sakit daw yung mga a*o sa labas, ubo at sipon.
Jan 4 2021 = Umuwi na kami sa manila.
Jan 9 2021 = Lumabas ang first symptoms nila sneezing & fever: 3 sila Ube, Keso & Lemon. Mainit ang belly nila more than normal kaya nasabi naming may lagnat. Yung pagbahing nila tinatawanan pa namin noon kasi ang cute nila. 🤧 Despite those 2 symptoms, masigla sila at naghaharutan silang 3 like normal.
Jan 12 2021 = We visited the vet, we only brought Ube kasi siya lang ang tumamlay ayaw niya kumain mag-isa, she was not tested for distemper or any serious disease kahit sinabi namin na may namatay na na 1 dog sa province namin, kung saan kami galing at saan sila most likely nahawa. Binigyan niya lang kami ng Cefalexin, Appeboost at Ascorbic Acid Zinc.
Jan 16 2021 = Wala ng sneezing si Keso at Lemon, medyo mainit na lang ang belly nila. Masigla rin sila. Si Ube lang ang matamlay.
Jan 23 2021= Binalik namin si Ube sa vet para ipatest for distemper, kasi sabi ng parents namin may another 2 dogs na namatay sa province, at may nagsabi sa mom ko na baka raw distemper. Symptoms ni Ube at this time: nagmumuta, nakapikit lagi, loss of appetite, lethargy, dehydration, laging tulog.
Ayaw pa ng vet namin na itest for distemper si Ube, bakit raw iniisip namin agad distemper eh serious disease daw yun. Nung tinest nya na dahil pinilit namin at lumabas ang result sabi ba naman niya "Oh sabi ko na sa inyo distemper eh!" 😑 HUHHH bakit bumaliktad ka bigla, sabi mo minutes ago bakit namin iniisip na distemper tas bigla hinala mo pala yun?? Bakit di mo sinuggest ang distemper test in the first place?? Ang galing ah. Ang binigay niya lang sa amin same pa rin Cefalexin, Appeboost at Ascorbic Acid Zinc. Sinabi niya sa amin na may 2 clinic for distemper sa pinas pero mahal ang treatment at hindi rin proven, hindi pa rin 100% na makakasurvive. Hanapin na lang raw namin sa internet.
Sabi niya pa "Wag niyo na dadalhin yung mga yun dito ah. Hindi na sila pwede, forever carrier na sila." "Brace for the worst, neurological symptoms like iuumpog umpog niya ang ulo niya sa pader"
Umuwi kami sa bahay na takot at dejected para sa kalagayan nila. Highly fatal ang distemper at walang gamot. Fatality rate nya ay 50% sa adult dogs, 80% sa puppies. Hinanap ko sa internet yung 2 distemper clinic, nakita ko yung fees nila hindi kaya ng budget namin lalo na 3 sila. Hindi na namin pinatest si Keso at Lemon dahil mahal ang test kit, inassume na lang namin na meron rin sila kasi magkakasama sila ever since.
Naghanap ako ng ibang distemper information, treatment, home remedies, survivor stories sa internet. Nakakita ako ng page and groups na may posts about sa mga ininom na mga gamot, vitamins at home remedies ng mga distemper survivors.
Hindi ko sinunod lahat, pinili ko lang ang mukhang mga helpful at tugma sa sintomas ng dogs namin. Naging careful kami sa pagsunod sa mga gamot at vitamins na suggestions, hindi dapat madoble. Like 1 antibacterial, 1 mucolytic, or 1 multivitamins, 1 of each type lang.
Jan 27 2021 = Biglang nagsuka si Ube ng maraming puro yellow lang 2x in a matter of minutes naiyak ako nito kasi akala ko biglang palala siya 😠Pinainom namin siya ng domperidone half tablet 2x that day, thankfully hindi na naulit ang vomiting nya.
Jan 30 2021 = Bumalik na ang appetite ni Ube, kumakain na sya mag-isa kahit ulam with kanin na ang pagkain niya. Sumigla siya onti at gusto nya na makipagharutan sa 2 kapatid niya pero pinigilan muna namin. Nakapikit pa rin siya madalas.
Feb 10 2021 = Masigla na si Ube, naglalaro na silang 3 uli. Hindi na gaano nagmumuta, pero dry yung left eye ni Ube, need patakan ng equisine moist para madilat niya.
March 5 2021 = Nagmumuta pa rin si Ube pagkagising niya lang. Minsan hindi na niya need ng eyedrop, nadidilat nya mag-isa pero parang mas maliit yung pagkaopen ng left eye niya, medyo kirat siya.
Sometime in mid March = Hindi ko namarkahan ang exact date kung kailan totally bumalik sa dati ang mga mata niya.
April 9 2021 = Mas magana sila kumain ngayon kesa dati kahit nung hindi pa sila tinamaan ng distemper. Pinaka healthy weight nila ngayon. Lalo na si Ube na never tumaba kasi picky eater noon, ngayon malaman na siya.
3 piglets na ang hitsura nila 😆 Dati si Lemon lang ang mataba, ngayon sa biglang tingin napapagkamalan na namin silang 3 Lemon.
Medicine & vitamins:
Cefalexin (Antibacterial) 3ml 2x daily for 7 days
LC vit / Appeboost (Multivitamins) 3ml 2x daily
Nacalvit C / Ascorbic Acid Zinc (Vit C) 3ml 2x daily
Polynerv (B complex) 3ml 2x daily
Broncure (mucolytic) 3ml daily
Domperidone (for vomiting) half tablet every 6 hrs
LC Scour (for diarrhea)
Biogentadrop (antibacterial eyedrops)
Equisine moist (hydrating eyedrops for dry eyes)
Dextrose powder (hydration) 2tbs per 250ml water, 10ml per hour
Food (blended and force fed)
Chicken thigh/breast
Chicken/pork liver
Malunggay
Turmeric
Kalabasa
Sayote
Hydration (2ml x body weight kg, per hour)
Take into consideration water loss due to vomiting, fever, panting.
*in our dogs' case 10ml per hr*
Dextrose powder 2tbs per 250ml water
Ginawa po naming tubig ang mga ito, dito namin hinalo yung dextrose powder:
Malunggay water
Homemade bone/chicken/pork/beef broth (wag po yung knorr cubes)
Katas ng turmeric (wag po turmeric powder)
1ml per hr for 3 days
3ml every 6hrs for 3 days
---
Maintenance vitamins nila ngayon:
LC vit = 3ml daily
Nacalvit C = 3ml daily
Polynerv = 1 ml daily
Nilalagyan pa rin namin ng malunggay/kalabasa/sayote ang pagkain nila.
Minsan pag walang fresh malunggay, malunggay powder ang nilalagay namin.
---
Note: Hindi po ako active sa messenger. Nilista ko na po dito sa page na ito lahat ng ginawa namin para sa dogs namin.
---
To read more stories of recovery like ours, you may join these groups:
https://www.facebook.com/groups/286654858806180/?ref=share&mibextid=NSMWBT
https://www.facebook.com/groups/394271621212671/?ref=share&mibextid=NSMWBT
https://www.facebook.com/groups/200937287133794/?ref=share
You may post there and ask any questions you have about distemper, group members are ready to help. They provide tips and advice on how to care for your dogs who are fighting against distemper.