11/04/2024
Kailangan ba ninyo ng rayuma expert (rheumatologists) ngunit HIRAP sa pondo at hindi makapagkonsulta?
Huwag mawalan ng pag-asa! Heto po ang mga ospital/klinik na tumitingin ng mga taong may RAYUMA ng LIBRE, at ang schedule nila, mula sa Philippine Rheumatology Association. ❤️
(Dahil marami po pala ang naka free data on Facebook, ipopost ko po sila dito para mabasa ninyong lahat. Pakisubaybayan ang post na ito dahil magdagdagan ang listahan. Paalala din po na konsultasyon ang libre, at maaaring kailangang magpa-laboratoryo at bumili parin ng gamot sa botika.)
Jose Reyes Memorial Medical Center
Rayuma klinik, OPD
Mon-Thurs 1-3pm
Philippine General Hospital
Rheuma OPD (Out-patient department)
(Padre Faura St. Manila)
- Pumila sa Counter 5 bago mag 7am at sabihin na gusto ninyo makita sa rayuma/rheuma clinic. Kung hindi kayo mapadala doon ay sa Internal Medicine clinic muna kayo papapuntahin.
San Juan De Dios Hospital
(Roxas Blvd, Pasay)
IM-OPD
Kada-2nd Friday ng buwan. Magpalista ng maaga; cutoff time ay 6am.
East Avenue Medical Center
(Diliman, Quezon City)
Rheuma OPD (pumunta sa OPD Triage)
Tues 1pm - New patients
Wed 8am - Arthritis clinic
Fri 1pm - CTD (lupus, scleroderma, etc) clinic
Ospital ng Makati
Free for Makati Residents
Mon 3-5pm
Sat 10am-12pm
Makati Medical Center
Rheumatology OPD
Wed & Fri 2-4pm
- Kumuha muna ng yellow card mula sa Health Service Department. Pwedeng dumiretso sa Rheuma clinic or sa Internal Medicine muna.
St Luke's Medical Center
Social Service OPD
(Quezon City) Tues & Thurs 1-5pm
(Global City) Fri 9am-12nn
Para sa new patients, mag apply para sa social service card; bukas araw-araw mula 730am)
Amang Rodriguez Memorial Medical Center (Sumulong Highway, Marikina)
IM OPD clinic Mon to Fri 8am-5pm (2pm cutoff). Referred to rheum service Mondays 8am-2pm
Bulacan Medical Center
OPD Dept of Medicine
Mon-Fri
Kumuha ng hospital record at OPD number mula sa Admission Section (bintana sa tabi ng ER entrance). Bibigyan ka ng OPD queue number at blue OPD record card, at maghintay sa Waiting Area hanggang tawagin.
Ang mga may rayuma ay ipapadala sa rayuma clinic every 2nd thursday ng buwan, 1pm.
De La Salle University Medical Center
(Dasmariñas Cavite)
Mon-Fri Internal Medicine OPD at irerefer kayo sa Rheuma
Rizal Medical Center (Pasig)
Mon, wed 8am-12pm
Cainta Municipal Hospital
Tuesdays 8-11am
Batangas Medical Center OPD
Rheuma Clinic
Thursdays 10am-12nn
Region 1 Medical Center
(Dagupan, Pangasinan)
Arthritis clinic
Mon. & Thurs. 10-12nn
Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) (Albay)
Mon-Fri Internal Medicine residents at irerefer sa Rheuma
St. Paul's Hospital of Iloilo, Inc.
Mother Antoine Center
Mon-Fridays 10am-5pm
Davao Regional Medical Center
(Tagum City, Davao del Norte)
Mon-Fri 8am-5pm (tinatayo pa lamang ang Rayuma Clinic)
Laak District Hospital
Compostela Valley Provincial Hospital
(Davao)
Thurs 8am-5pm
Ilocos Training and Regional Medical Center
Medicine OPD
Thursdays 8am-12pm
Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMH-MC)
(Batac City, Ilocos Norte)
OPD Internal medicine
Mon-Wed 1-3pm
- Kumuha ng white card at sabihin na magpapa checkup sa Internal Medicine, bago irerefer sa Rheuma
Baguio General Hospital & Medical Center
OPD Rheuma Clinic
Tuesdays 1-2 pm
Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center
(Mabini St. Cabanatuan City, Nueva Ecija)
OPD-Medicine
Fridays 8-10am
Zamboanga City Medical Center
Pwede araw-araw na mai-refer General IM Resident sa rheumatologist, best on Monday mornings.
---
MAY KAUNTING BAYAD: (discounted)
University of Santo Tomas Hospital
Out Patient Clinic (pumasok sa Dapitan gate)
Mon. and fri. 2-4pm; wed 10-12pm.
New patient - may fee na P100, mabibigyan ng permanent ID card, at P80 ang mga sumusunod na konsultasyon.
Southern Philippines Medical Center (Davao)
Tuesdays 9am-12nn.
New patient - P50; P30 followup.
Senior citizens are free.
---
MGA RHEUMATOLOGIST PANG-BATA (PEDIA) na may LIBRENG KONSULTASYON:
Philippine General Hospital
Pedia Rheuma Clinic
Tues 1-4pm; every 1st and 3rd Thurs of the month sa hapon
De La Salle University Medical Center (Dasmariñas, Cavite)
Pedia Rheuma Clinic OPD
Thursdays 8am-5pm
Pwedeng tingnan muna ng Gen Ped clinic (Mon-Fri 8-5pm)
Baguio General Hospital & Medical Center
Pedia Rheuma Clinic OPD
Fridays 9am-12nn
Chong Hua Hospital (Cebu City)
Pedia Rheuma OPD
Every 3rd friday ng buwan 1-4pm
New patients - any day para makita muna ng mg Pedia residents
Vicente Sotto Memorial Medical Center (B. Rodriguez Street, Cebu City)
Pediatric Rheumatology Referrals
Mondays - pumunta sa Child Survival Center bago mag 8am
Southern Philippines Medical Center (Davao City)
Pediatric Rheuma Clinic
Tuesdays 1-5pm
General Pedia Mon-Fri
---
Pakiabangan ang karagdagan sa listahan na ito. Huwag po tayong magdusa sa ating rayuma. Magpatingin na po. ❤️
-- .ging 💕
IG .md
Twitter
https://rheumatology.org.ph/2017/09/16/free-rheuma-consultations/