OCLO Health Defense Solutions

OCLO Health Defense Solutions Treatment Alternatives for Injuries from Injectables

12/10/2024
Batas ng Sanhi at BungaBakit patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga nagkakasakit at biglaang pagkamatay ng marami ...
03/09/2024

Batas ng Sanhi at Bunga

Bakit patuloy ang pagtaas ng bilang ng kaso ng mga nagkakasakit at biglaang pagkamatay ng marami simula noong 2021? May ugnayan ba ang mga kasong ito sa bakunang sinimulang gamitin noong taon din na iyon? Para masagot ang mga ito, repasuhin muna natin kung ano ang sanhi ng sakit at paano tayo gumagaling. Pagkaraan ay susuriin natin kung bakit dumarami ang nagkakasakit at ang paglala nito mula noong 2021, at paano ito matutugunan.

Batay sa larangan ng medisina at cell biology, ang pagkakasakit ng isa ay bunga ng pagpasok sa katawan ng pathogens o mga bagay na makasasama sa kalusugan. Kabilang sa pathogens ang mga sumusunod: Biological agents tulad ng allergens (molds, pollens atbp), parasites (worms, bacteria atbp), RNA viruses at cancer cells; Chemical agents tulad ng toxic chemicals (novichoc, graphene atbp) at heavy metals (lead, mercury atbp). Ang mga ito mismo o ang mga toxins na resulta ng reaksyon ng pathogens sa loob ang syang sumisira sa normal na trabaho ng body organs sa cellular level. Pero dahil mayroon tayong hanay ng pandepensang mekanismo para kilalanin, sirain at ilabas ang mga ito, nakaka-agapay naman ang repairing mechanisms ng katawan, isa na ang cell divisions, para tayo'y gumaling. Kapag lumalala naman ang sakit dahil hindi makayang depensahan ng immune ang katawan laban sa mas malakas na pathogens, dito pumapasok ang tulong ng gamot tulad ng antibiotics laban sa biological agents para malunasan ang sakit at lubusang gumaling.

Samakatwid, kung ang ugat at sanhi ng pagkakasakit ay ang pagpasok ng pathogens sa katawan, makatuwiran ba isipin na kaya nagkakaroon ng chronic disorders tulad ng hypertension, kidney problems, diabetes, autism, autoimmune, Parkinson's, Alzheimer's, atbp., ay dahil hindi lubusang natatanggal sa katawan ang pathogens? Saan naman galing ang naturang pathogens, partikular na ang chemical agents, na sanhi ng mga sakit na hindi lubusang gumagaling?

Para masagot ang gayung mga tanong, silipin natin ang anggulo mula sa pinansiyal na aspeto. Alam ng marami na malaki ang kinikita sa industriya ng gamot lalo na kung patuloy ang pag-konsumo nito ng publiko. Kung gayon, lohikal lang isipin na imbes na pang tanggal ng chemicals ang ibenta para lubusang makapagpagaling, panlunas lang sa sintomas o pang "maintenance" ang ilalabas sa merkado. Sa gayon ay patuloy ang pagpasok ng pera sa mga institusyon ng pangkalusugan at industriya ng gamot.

Kung gayon, posible ba na ang chemical agents, o yung tinatawag na "forever chemicals" na nasa pesticides, herbicides at iba pang bagay na ginagamit sa maraming industriya, ay sadyang nilalagay sa pagkain at inumin sa maliliit na dosage hanggang ito'y umabot sa antas na makaka-apekto na sa pangkalahatang kalusugan? Puwede rin kaya ito isama sa bakuna?

Ayon sa mga pagsa-saliksik at pag-aaral, may mga nakikita ang mga eksperto sa larangan ng toxicology at pathology ng traces nito sa kanilang mga eksperimento kapwa sa mga pagkain, inumin at bakuna. Nangangahulugan ito na hindi imposibleng may kinalaman sa bakunahan ang biglaang pagtaas ng kaso ng mga sakit at kamatayan simula sa parehong taon.

Hindi layunin ng post na ito na patunayan ang katotohanang ito. Ang layunin dito ay ang ipakita sa simple at lohikal na paraan ang posibleng ugnayan ng dalawa batay sa batas ng sanhi at bunga nito. Pananagutan ng bawat isa ang personal na magsaliksik yamang ang nasasangkot dito ay ang kalusugan ng may katawan mismo. Kung kayo ay nakakaramdam na ng kakaiba sa inyong kalusugan, marahil ay napapanahon nang pag-isipan ang probabilidad na ang toxins mula sa bakuna ay nagsisimula ng makaapekto sa inyo. Kung hindi pa, malamang na hindi pa nalulusaw ang alpha lipid coating na syang dinisenyong proteksyon ng toxins para gumana ang time delay.

Kung gayon, may sakit man o wala pa, ano ang solusyon para mailabas ang toxins? Dito papasok ang detoxification. Bagaman ang katawan ay sadyang dinesenyo na may natural na kakayahang ilabas ang toxins sa pamamagitan ng bato, baga at atay, puwede itong umabot ng matagal na panahon depende sa antas ng toxicity at lakas ng resistensiyang balutin ito. At kapag matagal na nahihirapan ang katawan at samahan pa ng secondary infections, bumibigay ito kalaunan na hahantong sa maagang pagkasawi.

Bago dumaan sa proseso ng detoxification, dapat munang maunawaan na ang bawat chronic disease ay may kaukulang toxin(s) na syang sanhi. Halimbawa, napag-alaman na ang mga batang may autism ay may iba't-ibang hindi normal na antas o level ng mga sumusunod na neurotoxins: lead, mercury, arsenic at cadmium. Sinasabi ng ilang eksperto na galing ito sa bakunang MMR. Dito ngayon makakapili ng tamang uri ng detoxification na maglalabas sa mga nasabing toxins.

Bilang pangwakas, hindi kailangan danasin ng marami ang mga bunga na chronic deseases at maagang pagpanaw sanhi ng isinamang toxins sa bakuna. Mas maagang matugunan ang banta na ito sa kalusugan, mas kampanteng maiiwasan ang ikinababahalang bunga nito – ang 'di napapanahon at maagang pagpanaw.

Mga Reperensiya
https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/919686/smuggled-vegetables-from-china-test-positive-for-pesticides-heavy-metals/story/

https://youtu.be/jKHjUcGOaWc?si=QqVN5igIIfJOY7Mq (Japan Finds Stainless Steel in Moderna Covid-19 Vaccines)

https://youtu.be/ZqizB87kkhc?si=aWReWQlxeypKPgZh (Controversial researcher claims link between vaccine and autism | 60 Minutes Australia)

https://youtu.be/GHB3PQgm1p0?si=vQp2ChWcWD0uEQXH (2004 Mercury and Autism Subcommittee Hearing p.1)

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK223724/ (Immunization Safety Review Thimerosal-Containing Vaccines and Neurodevelopmental Disorders)

https://news.abs-cbn.com/lifestyle/health-wellness/2024/10/9/high-levels-of-toxic-lead-found-in-some-reusable-water-bottles-1156

https://www.cancer.org/cancer/risk-prevention/chemicals/water-fluoridation-and-cancer-risk.html

https://www.facebook.com/share/v/15C7Tjd3Uw/?mibextid=oFDknk

https://m.economictimes.com/news/international/global-trends/heavy-metals-found-in-expertly-crafted-lindt-chocolates-how-safe-is-your-favorite-treat/articleshow/115523807.cms

https://www.mlive.com/news/2025/01/blood-pressure-drug-used-nationwide-recalled-by-fda-over-foreign-material-that-can-be-fatal.html

https://www.cnn.com/2025/01/09/health/protein-powder-heavy-metals-wellness/index.html

https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/health-fitness/health-news/heavy-metals-lead-and-cadmium-detected-in-protein-powders-highest-amount-in-these-varieties/articleshow/117122407.cms

https://www.pna.gov.ph/articles/1241305

https://timesofindia.indiatimes.com/life-style/food-news/high-levels-of-lead-detected-in-common-spice-powder-recall-issued-for-15-us-states/articleshow/117355935.cms

Vaccines that protect against severe illness, death and lingering long Covid symptoms from a coronavirus infection have been linked to small increases in neu...

31/07/2024

Welcome to OCLO Health Defense Solutions.
Our objective is to explore & examine safe & effective solutions to health problems plaguing mankind these days. By being informed personally on the real causes of deseases as well as alternative treatment modalities, we can make informed choices that will help improve the quality of life.

Address

Marikina City
1810

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OCLO Health Defense Solutions posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share