29/08/2025
Mayroon kaming naging pasyente, sponsored ng isang politiko. Nagsimula ang kanyang mga sintomas ilang linggo matapos siyang manganak sa isang lying in-sumakit ang tiyan, nagsusuka, at may matagal nang back pain kaya galing siya sa Rehab doctor.
Pagka-admit sa private hospital, lumabas ang maraming problema: bagsak ang kanyang hemoglobin at platelet, at may pagdurugo rin sa tiyan. Sa private hospital, cash basis ang sistema kapag self-pay.
Bilang mga doktor, tungkulin namin ang magbigay ng tamang lunas batay sa tunay na kondisyon ng pasyente. Kaya’t agad naming inuna ang mga life-saving treatment bago siya i-transfer sa government hospital. Ako mismo ay nag-sign out kaagad upang mabawasan ang bilang ng mga doktor na tumitingin sa kanya at para mas ma-stretch ang budget ng pamilya. Tinulungan pa siya ng gastro na matransfer sa govt hospital.
Sa kabila ng plano, bigla na lamang siyang na-transfer sa isa pang private hospital.
Nakakalungkot na may mga nagpo-post, gaya ng kanyang kaibigan na vlogger, na “pera-pera lang” daw ang dahilan ng aming naging pangangalaga. Siniraan pa ang ospital.
Masakit marinig iyon, sapagkat hindi nila alam ang buong sitwasyon.
Ang mga desisyon na ginawa ay pawang para sa kapakanan ng pasyente. Base sa clinical findings, sa urgency ng kanyang kondisyon, at sa limitasyon ng kanyang resources.
Hindi kailanman naging usapin ng pera ang aming pag-aalaga. Wag natin isisi sa mga HCWs ang problema ng healthcare dito sa atin.